CHAPTER 26

238 18 6
                                    

Ella was quiet... so much so that it was deafening Constantine.

Makalipas ang pagtatalo nila dahil kay Aron ay ito na ang naging sitwasyon. She became voided, and so did he. Kung ilang minuto silang parang mga timang na nakatulala ay hindi na niya alam. Humuhupa na ang tensyon sa opisina ng GAIA, pero 'yong sa mismong sa pagitan nila papataas pa lang.

'Damn it!' he internally cussed then started the car's engine. Hindi na siya gumalaw ng higit pa roon. Nakiramdam lang siya at hinintay kung magsasalita ba ang kaniyang katabi.

He knew that she would scream again and get angry with him. Hindi naman siya bobo, alam niyang ayaw nitong manatili sa upuan nito. Naiintindihan din naman niya na sagabal na siya sa trabaho nito bilang agent. pero...

'Damn ulit!' He closed his eyes briefly, then held the steering wheel tighter.

It was a 'no-brainer' that the gift that exploded was connected to him. Hindi ba nga at tinawagan pa siya ng kaniyang stalker kaninang umaga sa motel para sabihing may ibibigay ito kay Ella? Kaso hindi siya sigurado kung ang dahilan ba kung bakit na-hire si Ella sa GAIA ay ang kaparehong problema na kinakaharap niya.

Bukod sa kaniya, mayroon pa kayang ibang modelo na nanganganib ang buhay ngayon? Siguro. It was very possible. He meant, kung siya talaga ang dahilan kung bakit ito naroon, e 'di, hindi ito dapat nagsusungit sa kaniya nang ganito?

Constantine bit his lips. Mas magiging mabait ba sa kaniya si Ella kapag nalaman nitong may banta ang buhay niya? He didn't think so. Masyado kasi itong busy sa 'kabukod' na problema nito at kay Aron.

"Iaatras ko 'yong kotse." Siya na lang ang bumasag sa katahimikan nang hindi na siya makatiis. He was already dying to hear her voice at that point, pero nagmamatigas pa rin si Ella. Kaysa magsalita o tumutol, nilapag nito sa dashboard ang cellphone na inabot niya rito kanina para marinig nito ng personal ang boses ni Aron. Pagkatapos niyon ay wala na. Tumingin na lang ito sa labas ng kotse na para bang kahit ang pag-upo sa tabi niya ay kinaka-suffocate nito.

'Hindi ka kasi si Aron...' Napahugot na lang siya nang malalim na hininga bago kinabig ang manibela. Hindi niya na tinanong kung gusto ba ni Ella na sumama sa kaniya, kasi lahat naman ng gawin niya 'ayaw' nito. Ano pang punto, 'di ba? Ang mahalaga ay maialis na niya ito roon dahil delikado.

Lumalatay sa kaniya lahat ng ginagawa ni Ella, pero kaysa sabihin dito kung gaano kahapdi 'yong naramdaman niya, kalmante na lang siyang nagsalita. "Gustom ka na ba, pea? Tanghali na. Anong gusto mo?"

Then, just like all the other minutes that had passed, sinagot ulit siya ni Ella nang tumataginting na—wala. Na para bang wala na itong pakialam kung ano ang gagawin niya rito o kung saan niya ito dadalhin.

Constantine faked a laugh, then turned his attention back to the street. Tirik na tirik ang araw, pero daig pa niya ang binabad sa yelo nang sipain niya ang accelerator at mas bilisan ang pagmamaneho. He was cold.

'Ano ba'ng mayroon ka at pinagpipilitan ko ang sarili ko sa 'yo?' He lazily shook his head. 'Baliw na yata ako... Baliw na baliw na sa 'yo...'

****

Malalim ang naging buntong-hininga ni Ella nang sa wakas ay matanggap ang text message ni Claire. Sa penthouse siya dinala ni Constantine pagkatapos ng naging bangayan nila dahil kay Aron.

She still couldn't believe that the brute made her talk to the guy. Ano ba kasing iniisip nito kanina? Na matutuwa siya kung makakausap niya ang kinaiinisan nito?

Constantine was so complicated. Tuloy, nakadagdag pa ito sa sakit ng ulong dala ng kaniyang misyon.

As per Claire's report, natagpuan daw ang gift tag na nakadikit sa sumabog na regalo. The card was badly burned and into pieces, but then their team was able to reconstruct the whole thing using the program they used in their headquarters. Pinadala nito ang reconstructed image sa kaniya at ganoon na lang ang lakas ng naging buntong-hininga niya nang mabasa ang pangalang nakasulat doon.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon