CHAPTER 48

141 11 0
                                    

Nothing felt fine since that day. Not the number of busy people passing her by as she sat inside GAIA's studio nor the consecutive sounds of cameras flashing somewhere nearby.

Napakabagal ng mga naging oras simula nang umalis sila sa mansyon ng mga Alandy. It had been a few days since she met Constantine's father, and yet Ella could still feel how the old man's judging gaze burned her face.

Hindi siya gusto ng Don at hindi man lang nito tinago 'yon. If it weren't for Constantine, who never missed saving her over and over, malamang ay nakapatol na siya nang wala sa oras sa matanda dahil sa masasakit na salitang sinabi nito.

'I'm a gold digger?' Mapaklang natawa si Ella nang maalala ang tinutumbok ng mga pasaring ng matanda. 'Damn it. Mahirap lang ako pero unang beses kong napagsalitaan nang ganoon.'

Pouting, Ella turned her head to Constantine, who was busy posing for another photoshoot. Napili na naman kasi ang binata ng isang sikat na clothing brand para rumampa sa nalalapit na fashion show nito.

Just as always, the brute was exceptional when it came to his job. Napakisig nitong tignan habang nakaupo sa isang high stool at nagbabago ng anggulo base sa hinihingi ng kliyente nito. Constantine was exactly the definition of a 'supermodel'. Napakaaliwalas tignan ng ngiti nito habang kaharap ng camera.

That sucks. Kung alam lang sana ng publiko kung ano ang itsura ng tunay na ngiti nito, baka hindi na sila maging kuntento sa praktisong pagtawa ng binata. The brute's real smile was contagious and on-the-dot perfect. It was soulful and bright. Lumalabas ang malalim na biloy nito sa magkabilang pisngi at naninigkit ang mga mata. Malayong-malayo 'yon sa nakapaskil na ngiti sa mukha nito sa ngayon habang kinukunan ito ng larawan.

Doon napaiwas ng tingin si Ella mula sa entablado. Bigla kasing dumaan sa kanyang isip ang masayang imahe nito at hindi siya nakapaghanda sa kabang dinala niyon. She's beginning to miss that part of him. Kailan nga ba ulit huling nakita ang tunay na ngiti nito?

'A few minutes before both of you met the Don and the old man ordered to abort the baby...' Napakagat ng labi si Ella kasabay ng buntong-hininga. Ang sakit sa tainga ng mga sinabi ng Don, pero wala naman siyang naisagot dito. Bakit? Kasi wala naman talagang baby.

She was so close to screaming that to the old man when Constantine quickly stepped in and bought the fight for her. Paano niya nga ba makakalimutan ang biglang pagliyab ng mga mata nito kasabay ng paglagabag ng pintuan?

She lost track of what happened after that. There were suddenly screams, lots of them—loud, sharp, and clear—that if only words could kill, Constantine would be down on the floor together with his father in a bloodbath.

That was the first time Ella saw the brute that furious. At aaminin niya, nakaramdam din siya nang matinding takot dito noong mga oras na iyon. She wasn't alone. Bigla rin kasing napatago sa likod ng Don ang dalawa pang babae sa loob ng library nang magkainitan ang mag-ama. She didn't expect him to fight that hard—for a child who wasn't even there. Nakaka-guilty, pero tulad ng dati, wala siyang nagawa.

'Forget it...' she tried to bring her attention back to where she was. 'Move on, Ella. Focus. Kalimutan mo na!'

"Umh... Nakabisado mo na ba 'yong nasa mga requests ng kliyente, Mr. Legaspi?" she tried to distract herself by turning to the man next to her. Mukhang 'yon lang din naman ang hinihintay ni Aron bago ito lumapit sa kanya.

The top model was wearing a three-piece suit at that time too. Just like the Constantine, napakisig din nitong tignan habang kunot ang noong may tinuturo sa hawak na papel. Parehong nakapasok ang dalawang binata sa listahan ng isang sa mga primyadong kliyente ng GAIA. At that time, naghihintay na lang si Aron na matapos ang set ni Constantine para ito naman ang umakyat sa entablado.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon