'Oh, please.' Ella made a fist to control herself.
Ilang minuto pagkatapos siyang maabutan ni Constantine ay natagpuan na lang niya ang sariling nakatayo sa harapan ng isang counter. Take note, sa loob ng isang mumurahin at papasarang motel.
Sigurado siya kanina na papuntang riles ang tinatahak nilang daan. Kung paano nalaman ni Constantine ang eksaktong address niya ay hindi niya pa rin alam.
It weirded her out that the brute didn't use his own car either. Half-way through, may natanggap itong tawag bago siya nito kinaladkad para umiba ng direksyon.
Ni-hindi kumuha ng taxi ang binata. He literally walked the whole damn distance, choosing the darker alleys while carrying her on his shoulders.
Paano siya napunta sa ibabaw ng mga balikat ni Constantine? Well, sinubukan niya kas itong takasan kanina.
Her goal was to take her gun back, so she waited for them to enter a secluded street. Nang sa tingin niya ay tama na ang pagkakataon ay binigla niya ito at agad na inagaw ang kaniyang baril.
She was about to give him a spin kick when the brute caught her leg, and to her horror, he countered her attack!
It all happened so fast, ni hindi siya nakasigaw nang umangat ang buong katawan niya at humampas siya sa matitipunong balikat ni Constantine. She waddled like a fish out of water, but the brute clipped both of her arms and legs.
Nagmistula tuloy siyang tabla na buhat nito. Pretty much, it wasn't the sexiest way to carry a lady at hilong-hilo siya sa bilis ng mga pangyayari.
For the longest, laging dumedepensa lang si Constantine kapag inaatake niya ito. This was the first time she had seen him fight back.
Darn. Although he didn't hurt her, the action itself was wild! Who would have thought that the brute knew Jujutsu all along?
Kung nagkamali ito ng execute kahit kaunti, bali na ang backbone niya-- which was actually the main goal of that move, kung hindi iyon tinigil ni Constantine.
'Damn. That was mortifying.
"Sarado na." Boses ng matandang nakaupo sa harap ng counter ang pumigil sa pag-iisip ni Ella.
When she turned her head, napansin niya agad ang inis sa mukha nito nang taasan siya ng isang kilay.
Nakasuot ito ng duster, may kagat na sigarilyo, naka-rollers ang buhok, at nakasalamin. The motel lady didn't look friendly at all. Siguro, kasi papasara na ang negosyo nito nang bigla silang pumasok.
"May kausap pa ba ako? Ang sabi ko, hindi na 'ko tatanggap ng guest, kaya umalis na kayo-."
"Okay po."
"No, please!"
Napapantastikuhang napatingin si Ella sa katabi nang magkasabay silang sumagot. Nakasuot na ulit ng mask si Constantine, at ang hudas, ginawa pa siyang front-act nang bigla siyang akbayan at sunod-sunod na umubo.
She had the least clue of what he was doing. Lalo pa nang tila hinang-hinang isubsob nito sa tuktok ng kaniyang ulo ang mukha nito. Nang hindi pa ito makuntento ay kinabig pa siya nito na kunwari ay nilalamig. She ended up technically wrapped in his arms, with her side flat on his chest.
Ang cute nila, akala mo higanteng pusa si Constantine na naglalambing. Pero ang totoo, gusto niya itong buntalin.
"Galingan mo pag-arte..." he dangerously hissed against her hair. Nang hindi siya agad kumibo ay tumigas ang daliri nitong nakahawak pa rin sa kaniyang balikat at mariing piniga siya roon. "Galingan mo kung ayaw mong dito ko buuin ang panganay natin, pea--"
BINABASA MO ANG
Buy Me
قصص عامةNews Flash: The country's second top model Constantine Alandy is in danger! Another News Flash: Kasabay nito ay ang pagdedelikado rin ng "virginity" ng undercover agent na si Ella Oberoi. A serial-killer had been having holiday for the past few mo...