CHAPTER 15

247 20 11
                                    

Retarded. Iyon ang pakiramdam ni Ella sa sarili habang nakatitig sa pang-anim na CCTV monitor. It was another busy afternoon in GAIA's office at sa CCTV room sila na-assign ng kaniyang mission partner na si Claire.

Three days had quickly passed since Constantine blatantly tried to sell himself for twenty pesos. Ganoon na rin katagal mula nang huli niya itong makita.

She should be the happiest person in the world by now, right? Ginusto niya 'to, eh! Nagagawa na niya ulit ang mga assignments niya at nakahabol na rin siya sa mga pending reports niya kay Rabago dahil walang nanggugulo.

Her days without Constantine should be nothing less than good. Puwera nalang sa tuwing magagawi ang kaniyang tingin sa monitor na 'yon at parang engot na natutulala siya.

That monitor was connected to the camera pointing to the elevator. Iyong eksaktong lugar kung saan siya madalas abangan ni Constantine araw-araw...

"Tigilan mo na kakatitig diyan. Mangangalay ka lang—"

'Pucha!'

Ang biglang pagkamatay ng kaharap niyang monitor, kasabay ng nang-aasar na boses ni Claire ang nagpabalik sa atensyon ni Ella sa kasalukuyan.

Paglingon niya, nakita niya ang mission partner niyang prente lang na nakaupo sa swivel chair nito habang nakadukdok sa keyboard at malalim ang kunot-noo.

Claire looked so serious in front of her computer. Worse? Hindi naman ito nagtratrabaho. Actually, naglalaro lang ito ng Sodoku.

The odd lady could have even passed for someone innocent, kung hindi lang naiwang nakasabit pa sa sapatos nito ang electric cord ng monitor number six. Obviously, sinipa nito iyong plug kaya namatay iyong screen.

Dismayadong napahilamos ng mukha si Ella. "You belong to hell, Claire."

"Sabi nga nila," kibit-balikat na sagot naman nito bago binalik ang tingin sa nilalaro.

Nang subukan niyang agawin dito ang plug ay walang kaabog-abog naman na sinipa iyon ni Claire para mailipat sa kabilang paa nito. Her co-agent then stepped on the poor thing, stopping Ella from taking it.

Napatingala na lang si Ella sa sobrang inis. Ngali-ngali na siyang sabunutan ito, kaso ang bruhang katrabaho niya, mukhang mas problemada pa sa kung ano ang ititira nito sa nilalaro. Ni hindi nga ito lumilingon kahit pumuputok na ang butse niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Claire? Mawawalan tayo ng trabaho!"

"Anong tayo? Ikaw lang. Nandamay ka pa."

"What the heck are you saying—"

Naputol ang mga sinasabi ni Ella nang patamad na may hugutin si Claire mula sa bulsa ng suot nitong tight jeans. Then, without even looking at her, the lady flicked the card between her fingers at pinakita sa kaniya kung anong baraha iyon.

It was a tarot death card.

"Magpaalam ka na sa AXIS. Malapit ka na mawala, Ella—"

"Can't you just shut up?" Sinimangutan niya nang todo ang babae. Although may warning na siya mula kay Rabago ay wala siyang balak na bumitaw sa pagiging agent. She was doing this for Hamin. "Hindi na ako natutuwa sa 'yo."

"Talaga?" walang pakialam pa ring sagot ng babae. Binalik na nito ang hawak sa loob ng bulsa at sandaling nilingon ang cellphone niyang nakapatong sa desk.

Her weird co-agent didn't say anything after that. Pinagpatuloy lang nito ang paglalaro nang hindi man lang makikitaan ng interes sa kanilang trabaho.

Gigil na si Ella nang lumapit siya sa desk at umakmang dadamputin ang kaniyang cellphone.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon