CHAPTER 9

313 20 6
                                    

Friday, ala-siete ng gabi sa Kote Wall Road.

Pagkatapos siyang lagyan ng black eye at takasan sa waterfalls ni Ella ay hindi na ito nagpakita. Nagkulong agad ang assistant niya sa kuwartong pinahanda niya para dito oras na makabalik sila sa villa. Wala ni ha o ni ho. Noong tikman niya ang matatamis na labi nito ay pinatikim din siya ng gigil na kamao.

Ganoon lang iyon. Ni hindi man lang ito sumagot nang matino sa mga pinagsasabi niya. Pati ang pagdadala niya rito sa espesyal na lugar na 'yon ay nauwi rin sa wala.

Kinaumagahan, kahit hindi niya maidilat ang kanang mata niya ay nagmamadali siyang kumatok sa kuwato nito. Pinili niya talaga para kay Ella 'yong kuwartong kasunod lang ng kaniya. Sinadya niya 'yon para mailayo ito sa iba pang mga kuwarto na nilaan naman niya para sa mga modelong nag-overnight sa kaniyang villa.

Constantine had no idea how violent he could get. However, alam niya rin na hindi siya mangingiming mambasag ng mukha oras na may ibang magkamaling humawak sa kaniyang peacock.

Was he getting obsessive? It was hard to tell. Paano niya pa ba ipapaliwanag ang nararamdaman niya kung isang linggo pa lang niyang hindi nakikita si Ella ay parang mamatay na siya?

Pumapasok ito sa trabaho. Walang mintis ang pangalan nito sa login nang i-check niya. Kaso para naman itong multo na hindi mahagilap sa set. Kapag hinahanap na niya ang dalaga, biglang sumusulpot ang baklang si Terrence na akala mo sinugo ng kung sino. Worse, kahit mag-inarte siya sa harap ng mga crew ay walang epekto sa mga ito. Did his peacock instruct everyone not to tell him where she was?

His blood was already screaming her name, and he wouldn't even be surprised if he would just collapse, given another day without her.

Hindi lang ulo ang sinira ni Ella sa kaniya sa loob ng dalawang linggo kung hindi pati sex-drive. Just a minute of kissing her on that waterfall, and he couldn't even look at other girls anymore! Naasiwa na siya kapag may kapareha siyang babae sa photoshoot. Para siyang timang na biglang natitigilan kapag may babaeng dumidikit o humahawak sa kaniya.

Ella was like a disease! Ang masakit, wala siyang alam na gamot dito kung hindi ito rin mismo.

'Relax... Makukuha mo rin si Ella. Just give it a little more time. Bibigay din 'yan-'

"Shit!" Nasamid si Constantine sa sariling laway nang bigla ay tumatakbong lagpasan ni Ella ang pinagkukublihan niyang poste.

One second he was shocked, and the other, hindi na siya magkandaugaga sa pagsusuot ng mask. His hands were fast when he tugged his hoodie above his head, and he got his sneakers ready. Pero wait! Saan na naman ba pupunta ang peacock niya?

The truth was, he'd been following her around the whole day. The woman went to the post office earlier to retrieve some letters. Naghulog ito ng mga coins sa matandang pulubing nadaanan nito sa labas ng Post Office, bago kumain ng tanghalian sa isang sikat na fast food chain. Pagkatapos nitong mag-lunch, ngumunguya pa rin ito ng french fries nang maglakad palayo. Darn it! Hindi niya akalain na ganoon pala kalakas kumain si Ella!

Kasunod niyon, isa na namang building ang pinasok ng kaniyang peacok. Nagtagal ito roon, at paglabas... 'yon nga, kumakain na naman. Saging naman ang nilalantakan.

Tahimik lang siya habang sinusundan ito maghapon. May kung anong masarap na pakiramdam na lumulukob sa kaniya sa tuwing makikita niya itong nakikipag-interact sa iba. Nang lapitan nito 'yong matandang papatawid sa crossing kanina at walang kaarte-arteng tulungan nito, he felt his chest swell with so much pride that he ended up secretly smiling behind his mask.

She was so different from the violent assistant he knew. Pakiramdam niya tuloy ay nakita niya iyong side nito na hindi nito basta-basta nilalabas tuwing nasa set sila. His girl was amazing!

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon