CHAPTER 10

325 15 5
                                    

"There's just really some times when God gives with both hands," panimula ng host na nasa entablado. He was easily one of the most gorgeous men in the entertainment world, as he smiled at all the guests choking the venue. Napakakisig nito sa suot na tuxedo na tila walang balak magpapahuli sa mararangyang dekorasyon ng buong paligid. "Yes, you heard it right. God can really give two hands at the same time. Ever wonder how some people end up with perfect looks and fortune? All the luck in the world, right? You want proof?!"

Naghiyawan ang grupo ng iba't ibang sikat na personalidad sa loob grandhall ng hotel. Bakas sa mukha ng bawat isa, lalo na ng mga kababaihan, ang pagkasabik sa susunod na mangyayari sa programa.

The place Ella was in was roaring with energy. There was upbeat music playing in the background, and people were clapping like it was the end of the world. At ang huling nakakuha ng kaniyang atensyon...ang nakakahilo at pinaghalo-halong mamahaling pabango na sumigid sa kaniyang ilong.

'Psh! Ang tagal naman matapos ng show...' reklamo niya agad hindi pa man nagsisimula ang palabas. Then, languidly, she gave the whole place a once-over. Huminto ang tingin niya nang mamataan si Rabago na nakikipagkamay sa kung sino-sinong mga bisita roon. Napasimangot siya lalo. 'Pambihira... Hindi pa nga tapos ang misyon ko rito sa GAIA, naghahanap ka na ng kliyente diyan.'

It was GAIA's victory party. A month after the release of this year's edition of 'He Walks On Earth', where the company got to feature the most eligible bachelors in the country, ay nanguna na naman ang publication nila sa merkado. It wasn't a surprise to the team. Inaasahan na' yon ng mga tauhan ng GAIA lalo pa at hawak ng mga ito ang pinakabigating modelo sa bansa.

Habang sumisimsim ng chardonnay, inilibot ulit ni Ella ang kaniyang tingin sa paligid. Her eyes were sharper this time, and she was surveying the whole place like the agent she was.

'Damn, this hotel surely looks grand!' Napataas ang kilay niya habang iniisa-isa ang mga bagay na nasa hall. There was a grand piano where a musician was expertly playing. A grand staircase connected to the stage was where the models would be walking down before hitting the ramp. And a freaking gay acting like he was the fairy godmother of whoever the hell he sold her information to!

Biglang nakadama ng suya si Ella kasabay ng pagtampal sa sariling noo. Ang kapal naman talaga ng mukha at makeup ni Terrence. For Pete's sake! Nakuha pa nitong mag-selfie kasama ang mga sikat na artista sa kabilang lamesa. Wacky pa ang ang shot ng loko na para bang hindi man lang ito nakokonsesya sa ginawa sa kaniya.

God help her, but the way Terrence was happily scrunching his face without a care was making her want to grab pliers. Para kasing ang sarap ubusin ng ngipin nito.

Noong kasunod na Biyernes pagkatapos ng brief encounter niya sa asset ng serial killer at pang-a-ambush ng halik ni Constantine sa eskinita ay aksidente niyang nalaman na binabayaran pala ito ng gagong kliyente niya para magkalkal ng mga papeles at hanapin kaniyang records.

Although most of her information submitted to GAIA was fake, tama naman ang contact number niya roon. Ang pinagtatakahan niya nang todo ay kung paano siya nasundan ni Constantine na gamit lang ang kaniyang phone number! Worse, nalaman niya rin na pati schedule niya ay kabisado na ng loko. Alam na alam nito kung anong oras niya pinaparada ang kaniyang motor sa parking lot ng kumpanya. Ilang ulit niyang napatunayan iyon dahil tuwing papasok siya ay inaabangan na siya nito sa elevator.

Hindi pa nakakapagtaka iyong unang dalawang beses na nagkasabay sila, eh. But then, it was the third that gave him away!

Male-late na siya noon kaya nagmamadali siya. May report pa siyang dapat ibigay kay Rabago bago siya ulit magpanggap na tauhan ng GAIA. Rest day at walang engagements si Constantine noong araw na iyon kaya napasarap ang tulog niya. Halos madapa siya sa hallway, makaabot lang sa papasarang elevator. She was huffing like crazy when she slid her palm as fast as she could between the metal doors to stop them from closing. Pagkatapos... iyon na! Pagbukas ng pinto, sumalubong agad sa kaniya ang yamot na yamot at inip na inip na si Constantine Alandy. One hand in his pocket and his back against the wall while waiting for her to walk in.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon