CHAPTER 17

226 17 8
                                    

In a nutshell, Ella could simply describe the following morning as 'holy shit'.

Holy, because the rest of her sleep had been nothing less than heavenly. Walang maingay na tren, walang nililindol na mga dingding, at lalong walang nakakatureteng sigawan ng mga taong nagtratrabaho sa tabi ng riles. Shit, kasi noong imulat niya ang kaniyang mga mata ay hindi niya agad nakilala ang malaking kuwartong kinaroroonan niya.

Daig niya pa ang napaso nang bigla siyang bumalikwas. Unsure of what was going on, natatarantang gumapang siya papunta sa dulo ng napakalapad na kama.

Her mind was working double time. Paano ba siya napunta sa lugar na iyon samantalang ang huling naaalala niya ay nakaupo siya sa sahig habang mahimbing na natutulog si Constantine?

***

FLASHBACK

The brute suffered another high fever at around two in the morning. Tulad nang nauna ay napilitan siyang alagaan ito. She had no clue how she survived another torturous round of giving him a sponge bath when her fingertips were quivering the whole time. Nang sandali itong magising ay napilit niya naman itong kumain nang kaunti at napainom ng paracetamol.

What did she feed the supermodel last night? E 'di cup noodles.

Pagkatapos kasing magdeliryo ni Constantine ay parang nasisiraan ng bait naman siyang nagtatakbo palabas ng penthouse nito. She only had two things in her mind that time: to give him something to eat and give him meds. Buwisit naman kasi ito, ang dami ng pera pero ni mag-grocery at bumili ng gamot hindi pa magawa.

Palabas na siya ng luxury building nang madaan naman niya ang karelyebong guwardiya ni Manong Gio sa station nito. Immediately, her plan to drive to the nearest convenient store got erased.

Imbes na isuot niya ang kaniyang helmet ay nagmartsa siya sa walang kamalay-malay na guwardiya at sa gulat nito ay inagaw ang cup noodles na dapat ay isusubo na sana nito.

"Gamot sa lagnat, mayroon ka?" Ni hindi niya binigyan ng pagkakataong makabawi sa sindak ang kaharap. She remained looking at him like he was an enemy, hanggang sa magalang itong tumango at may kuning banig ng paracetamol mula sa bag nito.

She couldn't tell if Manong Gio already informed the other guard about who she was, pero daig niya pa ang holdaper nang padaskol na agawin niya rito ang gamot.

Nang magawi ang tingin niya sa kabilang kamay ng guwardiya at makita ang plastic na tinidor na gagamitin sana nito, pati iyon inagaw niya kasi hindi niya nga pala alam kung nasaan ang dishrack ng loko.

In less than a minute, she was already bolting back to the same private elevator Constantine insisted she use.

END OF FLASHBACK

***

Naipilig ni Ella ang kaniyang ulo nang maalala ang mga pinaggagawa niya kagabi. Ilang pulgada nalang ang layo niya sa dulo ng pagkalaki-laking kama nang bigla naman siyang matigilan kasunod ng panlalaki ng kaniyang mga mata.

Pucha! May malaking salamin ilang hakbang lang ang layo sa harapan niya at kitang-kita niya ang halos hubo't hubad na itsura niya roon.

She wasn't wearing anything else but her lacy undies while on all fours! Mukha siyang bagong gahasa dahil magulo pati ang buhok niya.

'Shit!' Nagkumahog siyang hablutin ang kumot sa kama at ibalot ang sarili. Kasalukuyan na niyang tinatali sa kaniyang batok ang hugpungan ng kumot para gawing halter nang bigla siyang mapalingon sa pintuan.

"Pea?"

It was that baritone voice that welcomed her. Sa gulat niya, nabitawan niya iyong kumot at nalaglag iyon sa kaniyang kandungan. She was about to put the blanket back on when the door swung open at iluwa naman niyon ang bagong shower na si Constantine.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon