CHAPTER 14

246 18 8
                                    

"Let me get this straight..."

Rabago's voice sounded humorless when it echoed in Ella's ear. Hapon na at kanina pa siya sinasabon ng kaniyang boss. Ganoon pa man ay hindi naman siya makasagot dito. She was guilty of doing something so wrong. Na pati sarili niya hindi na niya alam kung paano ba ipagtatanggol.

"You stopped responding to Giovane and Macky's reports in the middle of an assignment, Ella. Why?!"

Napakagat siya sa kaniyang labi. Pakiramdam niya ay naging napakaliit ng opisinang kinaroroonan nila kahit pa nga malawak naman 'yon. It was a full-blown library with a wide array of books. May mga floor to ceiling na bintana rin ito, kaya nagkukulay kahel ang lahat ng bagay sa paligid nila.

"Pasensya ka na, Rabago..." ang tanging naisagot ni Ella. Ni hindi niya nakuhang mag-angat ng tingin, kahit pa nang malakas na hampasin ng kaniyang boss ang lamesang nakapagitan sa kanila.

Naglaglagan sa sahig ang mga dokumentong nakasalansan doon, pero hindi man lang nabawasan ang galit sa mukha ni Rabago. Her boss's fuse was obviously getting shorter and shorter every day because of her. At ang masama, naiintindihan din ito.

She had been inadequate last night. Habang inuubos ni Constantine ang katinuan niya ay may bomba na palang natagpuan sa ilalim ng entablado.

Buti at noong mga panahong hindi niya matagpuan si Claire ay abala na pala ito sa pagdi-distrongka ng make-shift bomb mag-isa. Just like what her weird partner said, wala ngang namatay sa mga modelo o kahit sa mga guests nang gabing iyon... muntik lang.

Ano ba talaga kasi ang nangyari sa kaniya? She wasn't like this at all. She had always been diligent with her job, dahil alam niyang ito lang ang paraan para makita niya ulit si Hamin. She had already invested so much in finding her brother that she was at the point of no return.

"One more, Ella! Just one fucking more!" Tuloy pa rin ang pagbabanta ni Rabago habang pabalik-balik na naglalakad. Pagkalipas ng ilang minuto ay gigil na napahilamos ito ng mukha bago padambang tinukod ang mga braso sa lamesa.

Then, just when Ella thought that the lady would insult her more, dagling nanahimik si Rabago, at sa takot niya ay ngumiti ito! Everybody in AXIS knows that their lady boss never has a single ounce of humor in her body. Kapag ito ngumiti, delikado sila.

"One more mistake, and I will drag your ass out of this agency, okay?" Pailalim ang tingin nito sa kaniya nang may hugutin ito mula sa bulsa ng suot nitong trenchcoat at walang kaabog-abog na initsa iyon.

It was a flash drive. Tumama pa ang gadget sa dibdib ni Ella bago nag-landing sa kaniyang kandungan.

Although trembling, Ella's palm wrapped the flash drive on her lap like it was the most important thing in the world. Laman kasi niyon ang mga bagong impormasyon na nakalap ng AXIS ukol kay Hamin. It was the payment she received for her service last night.

"Naiintindihan mo 'ko, Ella? Isa na lang."

"O-Oo, Rabago..." she muttered like a slave. Kahit pa hindi na niya malunok ang ibang mga sinabi ng babae ay hindi niya pa rin makuhang magalit. What was important to her was that she received a piece of Hamin today in exchange for her service. Sapat na iyon para ibaba niya ang kaniyang sarili. "S-salamat..."

"Do your job better next time."

"Yes..."

Then that was it. Iniwan na siya ni Rabago sa silid para alalahanin at pagsisihan ang mga naganap kagabi...

.

.

***

FLASHBACK ㇑LAST NIGHT ㇑GAIA'S VICTORY PARTY

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon