CHAPTER 16

268 19 2
                                    

'Ayokong nahihirapan 'yan...'

Isang minuto yatang nanatiling nakaawang ang mga labi ni Ella pagkatapos marinig si Constantine. There was something about the way he said those words that made her heart skip a beat. Tuloy, nagmistula siyang robot habang sinusundan ang guwardiyang inutusan nito.

"Pasok na, madam. Naghihintay na po si ser." Manong Gio, the middle-aged guard, respectfully bowed at her before pressing the elevator button.

Not used to receiving such courtesy, tabinging napangiti si Ella rito. What the hell was going on? Bakit parang may nagbago yata sa pakikitungo ng guwardiya sa kaniya? The guard used to be casual just a few minutes ago. Pero ngayon, kung makaasta ito, daig pa butler.

"Hindi mo ba ko sasamahan sa taas?" Nagpalingon-lingon siya para pag-aralan ang pinagdalhan sa kaniya ng kausap. Constantine's location was oddly too private. Ni-walang bintana doon. "Hatid mo raw ako, 'di ba?"

"Ay naku, madam. Hindi po puwede." Manong Gio gave her an apologetic smile. Pagkatapos ay nakakaintinding bumulong ito para sagutin ang iba pang tanong niya na hindi niya naisatinig. "Ito kasing elevator na 'to, para sa mga kamag-anak lang ni bossing. Off limits po kami rito. Pati po 'yong mga kaibigan ni ser, hindi niya pinapagamit nito. VIP po kayo para kay ser, madam."

Nasamid si Ella dahil sa sinabi ng guwardiya. Nang makabawi ay alanganing napangiwi siya sabay turo sa sarili.

Akmang may sasabihin pa sana siya nang mauna namang sumara ang bakal na pinto ng elevator at kawayan siya ni Manong Gio.

Kung kamag-anak lang pala ni Constantine ang pinapaapak nito sa kinaroroonan niya...eh, anong ginagawa niya roon?

Ella closed her eyes and massaged her aching temple. Mina-migraine na siya, pero dahil nakaamba pa rin sa mga modelo ang panganib ng serial killer ay wala siyang magawa kung hindi ituloy ang kaniyang trabaho. Kahit litong-lito ay kailangan niya pa ring mag-tap ng camera sa bahay ng loko. Hindi naman nila ito puwedeng pabayaan kahit ayaw niya rito, 'di ba?

"You really came..."

It was that breathless voice that made Ella flutter her eyes after a very long while. Noon niya palang napansin na huminto na ang elevator at bumukas na rin ulit ang bakal na pintuan niyon.

With her eyes still wide, her gaze landed on the man who seemed to be patiently waiting for her by the end of the lobby.

"I-I'm sorry. Hindi ako nakapaghanda."

She wasn't able to reply. Kumibot ang mga labi niya, pero ni isang salita ay walang nanulas doon.

The brute looked very sick. Malamlam ang mga nito at wala itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita niya agad ang ibinagsak ng timbang nito. He still looked handsome as hell, though—just a bit skinnier.

"Ayos ka lang ba?"

Her lips quivered again. May bumubulong sa kaniya na takbuhin niya ang distansya nila at yakapin si Constantine, pero sa huli ay nanatili lang siyang nakatitig dito. She didn't want to admit it, but fuck her heart for aching so good at that moment.

"I... I thought the guard was joking earlier—"

"Nakausap mo 'ko sa intercom, mukha ba akong joke?" Noon pa lang nakapagsalita si Ella. Sarcastic, of course. For the first time since she was born, she felt everything in her tingling at nahirapan siyang balewalain iyon.

"Come closer."

She huffed a breath when Constantine spread his arms, gesturing to her to walk into them. Then, before she could even recover from the mad beating inside her chest, the brute already stepped towards her, and with the most excited tone someone utterly sick could make, whispered...

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon