CHAPTER 5

321 15 1
                                    

The sound of an approaching train came roaring from afar. It was six in the morning in the busy slums of Isla Berde. Iba't ibang klase ng kalakal ang matatagpuan sa lugar na kung tawagin ay Bagsakan. Gulay, droga, ilegal na mga baril, at kung ano-ano pang nakaw na kagamitan na nakahilera sa riles ng tren.

Isa lang kalakaran sa lugar na ito-barter.

Sandaling nagkakagulo ang mga tindera at parokyano sa tuwing dumadaan ang higanteng sasakyan. Ganoon pa man, hindi naglilipat-minuto ay nagsisibalik din ang mga ito sa kani-kanilang mga puwesto, oras na makalagpas ang tren.

The rustling sound of metal clanging with the heavy vehicle was nostalgic to Ella...

***

FLASHBACK

"Talon!"

Nilingon ni Ella ang matabang lalaking pinagnakawan nila ng tinapay. Hinahabol sila nito at may dala itong baseball bat. Nauna nang lumundag ang kaniyang kuya tungo sa nakahintong tren habang nag-aalangan siya. Ang taas kasi ng tulay tinutungtungan niya, nakakatakot.

"Kaya mo yan, Ella!"

Matapos lumunok at mapausal ng panalangin ay pikit-mata siyang tumalon habang hawak nang mahigpit ang supot ng tinapay. Sinalo siya ng kaniyang kuya ngunit malakas pa rin ang impact ng pagbagsak niya kaya sila natumba. Dumulas siya sa gilid ng tren. Buti na lang at mabilis ang kaniyang kapatid at nahagip ang kaniyang kamay. Nahatak siya nito pabalik.

Napangiti silang dalawa. Wagi.

Pumito ang tren bilang hudyat na aalis na ito. Sabik na binuksan naman nila ang supot ng tinapay at sabay na kumain.

Siyam na taong gulang siya at ang kuya niya naman ay labing-dalawa. However, those digits were nothing but mere guesses since both of them couldn't recall their exact birthdays. Ni-mukha nga ng kanilang magulang ay hindi nila alam. Namulat na silang ganito ang kanilang ginagawa, namamalimos o 'di naman kaya ay nagnanakaw para maitawid ang kanilang gutom.

"Oy Ella! Nakita mo 'yong malalaking larawang 'yon?" Pamayamaya ay tanong ng kaniyang kuya habang nakaturo sa mga malalaking billboards na nadadaanan ng kanilang sinasakyan.

Sunod-sunod na tango lang ang naging sagot niya dahil puno ang kaniyang bibig sa kakanguya.

"Balang-araw... larawan ko ang ilalagay d'yan."

Nabilaukan siya at sunod-sunod na umubo. Mabilis namang dumalo ang kaniyang kapatid, kaso walang tubig! He opted to take the first remedy that came to his mind. Binatukan niya nang malakas ang batang babae.

"Wala kang bilib sa akin, Ella! Kapag dumating ang araw na 'yon, ibibili kita ng asawa! 'Yong tulad niyan." Sabay turo muli ng maduming daliri ng kaniyang kuya sa nadaanan nilang larawan ng modelo.

"Asawa? Nakakain ba 'yon?" Kumagat ulit siya ng tinapay nang mahimasmasan.

"Ah basta! Bibili kita niyan."

Little did her brother know that the billboard they were looking at was none other than the teen matinee idol back then, Constantine Alandy.

END OF FLASHBACK

***.

Umuga ang tirahan ni Ella nang tuluyang matapat dito ang tren. Kasabay niyon ay tumunog naman ang kaniyang alarm clock. Ella's hand was fast when she grabbed the timer and turned it off.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon