CHAPTER 11

257 15 2
                                    

"Alam mo 'yang nakatingin sa 'yo mula sa stage..."

Ella wasn't familiar with the voice that called her attention. For a while, nalito pa siya kung siya ba ang kinakausap nito kaya siya lumingon.

Noon niya lang napansin na may umupo na pala sa katabi niyang silya. It was a young woman. Maputi, mahaba ang buhok, at tulad niya ay nakasuot din ng evening gown. The stranger was easily one of the prettiest girls she had seen, kung hindi nga lang ito mukhang tangang nagsasalita mag-isa habang panay ang muwestra ng mga kamay.

"...iyang mismong lalaking 'yan..." The mysterious lady pointed a delicate finger to the stage casually. Base sa paraan ng pagsasalita nito ay tila siguradong-sigurado ito sa mga pinagsasabi, "pakakasalan mo siya kung buhay pa siya pagkalipas ng anim na buwan."

Biglang napangiwi si Ella dahil sa narinig. Naliligaw ba itong babaeng ito? How could this stranger talk so surely about her, kung ni hindi nga sila magkakilala? And what's with dying and getting married? Wala na nga siyang oras para tuloy-tuloy na hanapin si Hamin, mag-aasawa pa ba siya?

Napahilamos ng mukha si Ella bago binalik ang tingin sa stage. Naririndi na nga siya sa pag-aalala sa mga modelo, may nakatabi pa yata siyang takas sa mental. She couldn't afford to be distracted at the moment. Kahit pa nga nakakalat sa paligid ang mga security guards ng mismong hotel ay wala naman ni isa sa mga ito ang nakakaalam ng problema tungkol sa serial killer. That situation was for their agency to handle, and she couldn't hate her boss more for sending her alone on that assignment.

Hindi na niya pinansin ang iba pang sinabi ng babae. The crowd was getting wilder at sunod-sunod din ang updates na naririnig niya sa suot na lapel mic mula kina Macky and Giovane.

Mentras lumalapit sa announcement ng top model ay lalong lumalala ang behaviors ng mga fans sa buong hall. May mga nagsisigawan, nagtatalunan, at mayroon ding mangilan-ngilan na sinubukan pang umakyat sa mismong stage para mahawakan ang mga modelo.

If people think that the fans of the annual 'She Walks On Earth' are crazy, doblehin mo 'yon kapag panahon ng 'He Walks On Earth'. Ibang klase ang mga babae. Men wouldn't even have the guts to touch the female models during their performances due to culture. Pero itong mga narito ngayon? 'Damn it...'

"If I were you, hindi ako magpapaka-stress." Boses na naman ng misteryosang babae ang umagaw sa atensyon ni Ella. Although she wasn't looking, nadama niya nang ilapag nito ang hawak na wine goblet sa lamesa bago ito muling nagsalita. "Nilibot ko na ang buong hall kanina. I have also met the rest of the models backstage earlier. Wala naman akong na-sense na mamamatay sa kanila ngayong gabi, Agent E."

"Excuse me?" Doon na nanlaki ang ulo ni Ella at marahas na napalingon ulit sa babae. Paano nito nalaman na agent siya? Observingly, she gave the woman a quick once-over until her gaze landed on the tiny metal pin attached at the bottom of her gown's plunging neckline. Katulad iyon ng mayroon siya, a gold-plated letter A.

'An AXIS agent?'

"Pinadala ako ni Rabago," sagot ng babae sa iniisip niya bago pa man niya maisaboses 'yon. Next, umayos ito ng upo paharap sa kaniya at friendly na inilahad ang kamay sa kaniyang direksyon. "I'm Agent Claire, ako iyong backup na hiningi mo."

Hindi sumagot si Ella at tinitigan lang ang kaharap. Why the hell would Rabago hire such a young-looking, very talkative woman as an 'undercover' agent nga ang trabaho nila? Idagdag pa na sa itsura pa lang nito, mukhang ni-hindi ito marunong humawak ng baril o kahit anong armas.

"Bakit hindi si Giovane ang pinadala ni Rabago?" matabang na tanong ni Ella.

Tila napapahiyang binawi naman ni Claire ang palad nito bago sumagot. "Well, baka naisip ni Rabago na magkakasilbi ako sa 'yo."

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon