CHAPTER 12

276 20 6
                                    

Ella closed her eyes to dismiss the worry. Pagkatapos ay sinubukan niyang i-focus ang sarili sa paghanap kay Claire. The three-minute back-to-back show was done too. Kasalukuyan namang lumalakad na rin palabas ng stage si Constantine para iwanan kay Aron ang stage.

Although Ella wasn't the type to believe in fortune-tellers, may mga nasabi si Claire na gusto niyang linawin dito. Her mission partner clearly said that the target was either Aron or Constantine.

Matagal na niyang hinala na si Aron nga ang puntirya ng killer dahil ito ang top model. Bukod pa roon ay napakaganda rin ng kabuuan ng personalidad nito; mayaman, matalino, at talaga namang hindi malabong magkaroon ng mga 'baliw' na fans.

On the other hand, si Constantine naman ay... 'Walang binatbat kay Aron...' her mind instantaneously concluded.

Ilang minuto pang gumala si Ella sa kabuuan ng function hall dahil sa paghahanap ng Claire. Not finding the woman and thinking that the new agent must have gone to the powder room, malalaki ang mga hakbang na lumiko naman siya papunta sa direksyon ng backstage.

Natagpuan naman niya ang sarili na nakikipag gitgitan sa mga nagkakagulong staff ng GAIA. Kabaligtaran sa organisadong itsura ng show sa harapan, that area was a mess! There were papers, rolls of duct tape, and cases of safety pins flying all over the place. Maya't maya rin ang takbuhan ng mga modelo at mga nag-a-assist na magbihis sa mga ito.

Sobrang nagmamadali ang tao roon at ang tangkad ng mga modelo ay ilan beses din siyang nabalya ng mga ito. She was barely moving forward nang biglang umalingawngaw ang malakas na boses ni Terrence na siyang may hawak ng megaphone.

"Guys, we have barely five minutes before the next set—W-Wait! Bakit kulang kayo? Nasaan na naman si sir Cons?!"

Dagling huminto ang pagkilos ni Ella. Just like every time she heard his name, kumislot na naman ang kaniyang puso sa hindi niya maintindihang dahilan.

She tried to wave the funny feeling off and prepared herself to push against the crowd. Masyado na siyang maraming nasasayang na oras, and she couldn't afford another minute thinking of that bastard—'Shit!'

Hindi nakapaghanda si Ella nang isang malaking kamay ang lumabas mula sa stockroom na katabi niya. Kasunod niyon ay ang malakas na puwersang humatak sa kaniya papasok at ang pakalabog na pagsara ng isang pintuan.

She gasped when her back hit something hard just as soon as mild darkness engulfed her. Hindi pa siya nakakahuma nang bigla namang may sumalo sa magkabila niyang pisngi at sa gulat niya ay mabilis siyang patakan nang halik sa labi.

"Damn. I missed you so much, pea—"

"Constantine!" Sandali siyang nanigas. Then, as if she just woke up from a nightmare, nagsimula siyang magpipiglas habang gigil na nagsisisigaw. "What the hell are you doing in this stock room? Nagmamadali ako—umph!"

It was Constantine's lips that immediately shut her up! His kiss was tender, yet with enough hunger to make her stop waddling like a fish from his hold. Tulad ng mga naunang beses na halikan siya nito ay nalito na naman siya nang may kumalat na init sa kaniyang buong katawan.

Nang mapansin nitong hindi na siya lumalaban ay saka lang siya tinigilan ni Constantine. Yumukod ito hanggang magkadikit ang kanilang mga noo at tila batang nagsumbong. "I'm cold..."

"Ha?"

"Alagaan mo 'ko." Inabot nito ang mga braso niya at ito na rin ang naglagay ng mga iyon papalibot sa sariling balikat nito. For a while there, the brute sounded like an overgrown child begging her to cradle him. "Just hold me—"

"Magpayakap ka kay Terrence! Close naman kayo, 'di ba—umph!"

Hinalikan na naman siya ni Constantine. Mas tinulak pa siya nito sa dingding at inipit siya roon gamit ang buong timbang nito. Lalo siyang natilihan nang magbago ang paraan ng paghalik nito sa kaniya. He shifted from kissing her sensually to almost savagely.

Buy MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon