☘️
Kinabukasan...
Kulang nalang lilipad ako mula bahay papuntang school sa kakamadali. Pa'no naman kasi! Klase ko 8 to 10 AM tapos ako, heto, andito pa sa bahay. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase. Si Professor Lloren pa naman ang instructor namin ngayon.
Hindi naman kasi talaga ako magkakaganito ngayon kung napa-aga lang yung end ng shift ko kagabi sa shop.
Supposedly, 11 PM end na ng shift ko. Pero dahil nga dagsaan yung mga customers kagabi, ayun inabot ng madaling araw.
Sumakay na ako ng taxi papuntang school at pagbaba ko ay hindi ko na inabalang hingin pa yung sukli. Jusmeyo, malelate na talaga ako nito. Baka si Prof. Lloren naglalakad na papunta sa classroom namin.
Pagpasok ko palang ng gate, nagtinginan kaagad mga estudyante sa akin. Mga judgemental talaga. Feeling ko tuloy famous na ako haha. Pero bahala sila. Hindi ko muna sila intindihin sa ngayon. Ang importante makapasok na ako sa klase.
Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ko para lang makaabot sa classroom. Para akong may susugurin sa itsura ko ngayon. Papasok palang sa unang klase pero sobrang haggardo versoza na.
Pagkarating ko sa may pinto ng classroom namin ay kulang nalang ibato ko yung bag na dala ko dahil nakasarado na ang pinto. Ibig sabihin....
NAGSISIMULA NA ANG KLASE!
Putek! Second day ko palang to pero late na kaagad.
Pero okay lang. 5 minutes palang naman akong late eh. Pwede pang pumasok. Siguro.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Sa pangatlong katok ko ay bumukas ito at ang nakabusangot na mukha ng propesor namin ang tumambad sa akin.
"You are 5 minutes late, Dela Vega!" galit niyang turan sa'kin.
OMG! alas otso palang ng umaga pero high blood na propesor niyo...
"U-uhm S-sorry po. Na t-traffic lang po." palusot na sabi ko sabay yuko ng ulo ko
Buti nalang at nadala sa palusot ko. Pinapasok pa rin naman niya ako kahit papano. At sa pagpasok ko sa loob ay tumambad kaagad sa'kin ang mukha ni Johanna na nag-aalala.
Nakita ko rin yung pag-smirk nung lalaking bumato sa'kin ng ballpen.
"Good morning Jo" bati ko sa kanya sa mahinang boses ng makaupo ako sa tabi niya.
"Good morning din" bati niya rin sa akin pabalik sabay ngiti.
Aaminin kong kahit kahapon palang kami nagkakilala ni Johanna ay medyo napalapit na ako sa kanya. Sa lahat ata ng estudyante dito siya lang yung matino at mabait.
"Now, who can explain the language barriers and challenges faced in various professional fields?" medyo nagulat ako sa tanong na iyon ni Prof. Lloren. Ang lakas kasi ng boses eh.
Nagtaas ng kamay si Johanna at yung student council vice president na si Ms. Ericka Lee pero hindi naman sila pinayagan ni Ms. Lloren na sumagot.
"Any other hand? Si Ms. Almario and Ms. Lee lang ba ang students dito?!" ayan galit na naman siya.
"What about those students at the back?!" wala talagang gaganahang sumagot dahil takot sa kanya ang all.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.