CHAPTER 20

679 23 2
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃

"So, ano? Dito nalang ba tayo? Hindi tayo lalabas para mag-bonding?" parang umaangal na tanong ni Jondel.

"Wag na, dito nalang tayo at ubos na pera ko bakla." sagot ni Ericka na sinang-ayonan namin.

"Shang?" baling ni Jondel sa'kin.

"Tinatamad akong lumabas ngayon, vaks." tugon ko sa kanya.

Sunday ngayon kaya andito sa mansion ang buong barkada, nanggugulo. Silang lahat andito, except kay Ry. And speaking of that vampire, inis na inis talaga ako sa ginawa nun kahapon. Ewan ko ba kung bakit ganun na lamang ang selos na nararamdaman ko kahapon. Grabe kasi kung makatitig kay Lisrey eh. Pero kahit papano ay napawi naman ang selos na naramdaman ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa'kin kahapon haha. Akalain niyo yun, kailangan ko lang palang magselos para halikan ako nang tukmol na yun.

Hindi talaga ako maka-get over sa kung pa'no niya ako halikan kahapon tapos dagdag pa na nilagyan niya ng marka ang leeg ko. Lunod na lunod ako sa bawat halik na ibinigay niya sa'kin kahapon. I love the taste of her lips and she's really a good kisser huh, ang lambot rin ng kanyang labi. Naaadik na tuloy ako at sabik na ako na mahalikan siyang muli. Gosh, I hate to say this. But, yeah, I'm willing to submit myself to her.

"Hindi ka pa naman siguro nababaliw mareng noh? Bigla ka nalang kasi ngumiti diyan eh." I heard Jondel said na nasa tabi ko na pala, hindi ko namalayan dahil sa iniisip ko.

"May naalala lang ako, vaks. Wag kang echosera." sabi ko pero sa itsura niya ay mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"May sasabihin ako sa inyo. Alam niyo ba, kahapon, umuwi yan dito si Sang na si Ry ang naghatid tapos nakita ko leeg ni Sang, may love marks." lintek talaga to si Arianne. Sabi ko wag sabihin sa iba eh.

"WHAT?!" reaction nilang lahat, and all of them literally gives me the 'what the hell, are you serious?' look.

"Talandi mareng ha." napaka-judgemental nito ni bakla, kala mo naman hindi nagpapatuklaw sa ex niyang walang bayag.

"Ibang klase ka, Shang." I let out a soft chuckle because of Kyra's reaction.

"Grabe, nasa ligawan stage palang kayo mars." oh, ano naman ngayon, Teng?

"Kayo na ba ni Ry-ry, Shang?" Johanna asked.

Umiling ako. "Hindi pa." sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Hindi pa pero may nangyari na sa inyo?!" namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Jondel.

"Walang nangyari sa amin. Nag kiss lang kami at hanggang dun lang yun. Wag kang advance mag-isip, Jonilo!" linte talaga tong bakla na to.

Lumapit si Cheng sa'kin. "Masarap ba humalik si prew, Shang?" lokong tanong niya at nagtaas-baba pa ang mga kilay niya.

I grinned at dahan-dahan na tumango kaya nagsitilian silang lahat lalo na ang baklang Jondel.

"Aaaccckk! Kaya naman pala bumigay. Buti nalang at hindi mo kaagad isinuko yang bandera mo, Mareng." kaagad ko siyang sinapak dahil sa huling sinabi niya. Tarantado talaga.

"Ano ba, Jonilo! May inosente." sita ni Teng sa kanya.

"Echosera! Hoy, walang inosente dito noh! Hindi naman na yan inosente si Taweng!" idadamay pa niya talaga si Wenslith na nananahimik lang sa tabi.

"Sinong nag-initiate ng halik, Shang?" tanong bigla ni Yeonie.

"Siya."

"So, ibig sabihin, chumansing na naman sayo ang tokwang yon? Makikita ko lang pagmumukha nun sa lunes." Yeonie mumbled.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon