CHAPTER 33

547 22 2
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃

Kasalukuyan kong tinatahak ngayon ang daan patungo sa opisina ni Ry. Sabi kasi ni mommy na imbitahan ko daw si Reigan na mag-dinner sa bahay namin mamaya. Kaya sasabihan ko siya ngayon at baka makalimutan ko pa kung mamaya ko na sasabihin sa kanya.

Pagkarating ko sa may pinto ay kakatok na sana ako kaso kusa naman na itong bumukas at bumungad sa akin si Reigan. Natawa ako dahil napatalon siya sa gulat.

Ang cute niyang magulat...

"Gagi, love. Nagulat ako, akala ko kung sino." napahagikhik ako sa sinabi niya.

"Miss mo ko noh? Kaya ka andito." dagdag niya at nagtaas-baba naman ang dalawang kilay niya.

"Hindi noh. Pumunta ako rito to tell you na inimbitahan ka ni mom and dad sa family dinner namin mamaya." sabi ko sa kanya.

"Ay, sige bet ko yan." tugon niya.

"Nalaman kasi nila na nagkaroon tayo ng family dinner sa inyo nung isang araw kaya ayun nakigaya rin sila hehe." wika ko.

"What time ba love?" she asked.

"7 PM. Punta ka nalang dun ah? Hintayin kita." sabi ko, lihim akong natawa dahil bigla nalang namula ang mukha niya.

Kinikilig na naman siguro ang bampirang 'to. Ang bilis niya talagang kiligin at hindi niya talaga kayang itago yung kilig niya.

"Sige, ihahatid kita mamaya pauwi ha."

"Wag na, love. Sasabay nalang ako kay Jo at magpapa-drop nalang ako sa kanya sa bahay namin." tanggi ko kaya napanguso siya.

"Bakit ayaw mo nang ihatid kita?" tanong niya habang naka-pout pa rin.

Jusmeyo, 30 years old na tong taong to pero mukha pa rin talagang bata minsan.

I just cupped her face nalang and kiss her on the lips. "Para maaga kang makapag-prepare at need mo pang bumiyahe for almost one hour." sabi ko at kinurot ang kanyang mukha dahilan kaya namula ito.

Ang bilis niyang pamulahan, ang puti kasi...

"Ooookaaayyy~" she said sa cute na boses.

After naming mag-usap ay bumalik na ako sa klase. Need din kasing umalis ni Ry dahil pupuntahan niya daw yung distillery nila and may bibisitahin rin daw siyang planta.

"Mareng, buti naman at andito ka na." salubong ni Jondel sa akin pagkabalik ko nang classroom.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kaniya.

"Di ba nabanggit mo nung una na may pinsan pa si Ry bukod kay Dr. Kenny?" tanong ni Jondel kaya tumango ako bilang sagot.

"Ibig sabihin, hindi lang sila ang Geraldino, at marami sila? Hindi lang ipinakilala?" tanong ulit ni bakla kaya natawa ako.

"Papano nangyari yun Sang eh sa pagkakaalam namin ni Johanna, si Doc Kenny lang talaga ang pinsan niya." sabi naman ni Ericka.

"Are you sure na may pinsan pa talaga siya, Sang? Baka inuuto ka lang nun. Kasi sa pagkakaalam ko rin, si Doc Kenny lang talaga pinsan niya." sumali na rin si Yeonie. Oh so, hindi pala alam ni Yeonie ang tungkol sa ibang pinsan ni Ry.

Hindi ko alam na mga media or news reporters na pala ang mga 'to...

"Sa side ng Geraldino, si Dr. Kenny lang talaga pinsan nila. Pero sa side ng mga Dela Vega, sa mom nila, meron silang dalawang pinsan." saad ko sa kanila.

"Ah sa side pala ng mga Dela Vega." sambit ni Kyra na medyo nawala na ang pagka-curious.

"And guess what?" pagkasabi ko palang niyan ay nagsibalikan ang pagiging curious nila. Chismosa thing~

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon