CHAPTER 23

605 26 1
                                    

🍃

"Pilot ba si Chanee?" tanong ko kay Isla.

"She's a licensed pilot pero hindi talaga yun ang trabaho niya. She's a film maker." sagot niya.

"Oo nga pala. Sabi na eh, kaya sobrang pamilyar niya sa'kin. I forgot, she's popular nga pala sa film industry." wika ko na ikinangiti niya.

The owner of the biggest and largest film production company here in the Philippines, yung ICM PICTURES ay pinsan pala ni Reigan.

Nakalimutan kong si Chanee pala yung sobrang sikat na film maker dito sa bansa. Kaya pala laging sinasabi kanina ng isip ko na familiar talaga silang mag-asawa.

"You knew Chanee?" tanong ni Isla sa'kin.

"Who wouldn't? She's very popular though. Sobrang fan kaming magkakaibigan sa mga gawa niya. Ang ganda kasi ng mga plot twists ng films na gawa niya. Lalo na yung bagong pinalabas niya, yung THE REUNION, andun ka rin diba?" sabi ko at tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

Si Loren talaga yung unang naging fan kay Chanee at dahil sa kanya kaya kami naging fan rin ni Chanee. Mahilig kasi kaming magbarkada manood ng mga mystery crime movies or dramas dahil trip naming maghulaan kung sino talaga ang tunay na suspek sa isang krimen. Then, mostly sa mga films ni Chanee ay puro mystery crime, that's why naging fan kami sa kanya at naging paborito rin namin mga projects niya.

Gosh! Hindi ko akalain na pinsan pala ni Ry ang paborito naming film maker...

Maya-maya ay biglang sumulpot si Reigan sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ni Isla at umupo ito sa tabi ko.

"Kawawa naman ang palangga ko, nakatulog na." sambit ni Ry habang pinagmamasdan si baby Zacchy.

"Maaga kasi tong nagising kanina dahil excited siyang makita ka. Mas nauna pa nga itong magising kesa sa amin ni Chanee eh." saad naman ni Isla habang nakangiting pinagmamasdan ang anak.

"Punta kayo sa bahay kapag nakabalik na kami ni Shang sa Manila. Marami akong gifts dun para sa mga pamangkin ko." sabi ni Reigan kay Isla.

"Masyado mo na talagang ini-spoiled ang mga pamangkin mo." umiiling na sambit ni Isla.

"Hayaan mo na ako. E-spoilin ko yang mga anak niyo ni Chancey hangga't hindi pa kami nagkakaroon ng anak ni wifey." agad akong napatingin kay Ry ng sabihin niya iyon. Napatingin rin siya sa'kin at ngumisi bago ibinalik ang paningin kay Isla kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Isla kaya napalingon ako sa kanya. "Nanliligaw ka pa nga lang kay Shang tapos gusto mo nang magka-anak kayo. Hintayin mo munang sagutin ka niya tapos pakasalan mo muna siya bago mag-anak." wika ni Isla.

"Oh, I will. Don't worry, yun naman talaga gagawin ko eh." tugon ni Ry na may ngisi pa rin sa kanyang labi. Imbes na mainis ay napangiti na lamang ako ng palihim.

"Ilagay ko muna to sa kwarto si Zacchy. Maiwan ko muna kayong dalawa diyan." saad ni Isla saka tumayo habang karga si Baby Zacchy papunta sa bedroom.

Nang makaalis si Isla, binalingan agad ako ng tingin ni Reigan at binigyan ng napakatamis na ngiti saka yumakap sa'kin.

Nakakabaliw talaga yung ngiti niya...

Reigan, baby Zacchy and Chanee had the same smile. Ay hindi lang pala silang tatlo, pati na rin si Hanse and I think ganun din kung ngumiti ang kapatid niyang ipinaglihi sa yelo na si Kalin.

"Anong pinag-uusapan niyo ni Isla, love?" tanong niya sa akin. Chismosa! Naalala ko tuloy yung kwento ni Isla kanina tungkol sa kanilang dalawa ng ex niya.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon