🍃
"SHAAAAAAANG!!!!" naalimpungatan at gulat ako na napabangon ng wala sa oras dahil sa taong bigla nalang sumigaw. Nang makita ko kung sino ito ay kaagad na nag-init ang aking ulo sa inis.
Damn you, Arianne Nicolette Heraki!!!
Opo. Si Arianne na naman ang dahilan ng biglaang paggising ko.
"ANO?? ANOOOO???!!!" iritadong singhal ko sa kanya.
You freaking raccoon!!! Isusumpa talaga kita nang sampung beses yawa ka!!!
"Gumising ka na po, madam dahil malapit ng mag 7:30 at baka ma-late pa tayo." sabi niya.
Anong pinagsasabi nito? E Sunday pa lang naman ngayon!
Sa inis ay binato ko siya nang unan. "Sunday pa ngayon! Sunday pa! Wag kang excited!" nanggagalaiti kong sambit.
"Are you drunk?! Monday na ngayon! Monday na!" gigil niya ring sambit at kaagad kong tinakpan ang aking ulo at mukha gamit ang aking braso dahil pinagsasapak niya ako gamit yung unan na binato ko sa kanya. Gagi, gumanti.
Pero, ano daw? Monday?
Tinignan ko ang kalendaryo ng cellphone ko para makasiguro pero pucha oo nga, Monday na nga. Hays! Bakit ba ang bilis ng oras? Parang kahapon, Friday pa yun ah!
Wala akong choice kundi mag ready na baka mapagalitan pa kami nito dahil late kami.
Kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Sakto rin dahil ready na silang tatlo. Dun nalang siguro ako kakain sa cafeteria.
Pagpasok namin sa school, mga bulongan kaagad ng mga estudyante ang bumungad sa amin.
"Ang aga-aga nagchichismisan kaagad." sambit ni Yeonie na akala mo naman hindi chismosa.
"Anong meron?" tanong ni Arianne sa ibang students na nakasalubong namin. Chismosa din to eh.
"Sabi kasi nila Boom dapat lahat daw ng students dun daw mag lunch sa cafeteria mamaya." sabi nung isang student na pinagtanungan ni Arianne.
"Bakit birthday niya? Birthday niya? Manlilibre ba siya?" excited na tanong ni Arianne kaya nabatukan siya ni Loren.
"Puro ka pagkain eh." napanguso nalang siya dahil sa sinabi ni Loren.
"Tara na nga. Malalate na tayo." tugon ni Yeonie sabay hila sa amin ni Arianne. Bakit mukhang wala sa mood si Yeonie ngayon?
Pagdating namin sa classroom ay kaagad akong napangiti dahil si Reigan agad ang una kong nakita. Busy siya sa pagbabasa nang libro kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya.
"S-Shang." gulat niyang sambit kaya nginitian ko siya.
"I miss you..." malambing kong bulong sa kanya. At lihim akong natawa nang mapansin ang pamumula nang tenga niya.
"Nakita ko yun, Sang. Ikaw ha! May pahalik-halik ka nang nalalaman diyan." bulong ni Arianne sa tenga ko mula sa likuran.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Manahimik ka! May atraso ka pa sa'kin, baka nakalimutan mo." inis kong saad kaya nag-zip mouth sign siya saka tumabi kay Yeonie at niyakap niya ito.
Itatanong ko pa sana kay Reigan kung nasaan sila Johanna kaso hindi na natuloy dahil dumating na sila. Siguro may announcement to si Jo dahil hindi kaagad siya umupo at nanatili munang nakatayo sa harapan namin.
"Ecka, sa'n kayo galing?" tanong ko kay Ericka pagka-upo niya.
"Sa faculty office. May inutos kasi si sir Mante sa amin eh." sagot niya.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.