CHAPTER 3

1.2K 33 1
                                    

☘️


Sa kalagitnaan ng biyahe ay parang hindi na rin ako mapakali dahil kinakabahan ako. Tangina baka hindi ako welcome kela Johanna, baka masungit mga magulang nito.

"Wag kang mag-alala. Mabait si Mom and Dad.." luh! paano niya nalaman na kinakabahan ako dahil sa mga magulang niya

"Papano k-kasi---" naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita yung driver ni Johanna

"Andito na po tayo" sabi niya.

Ang bilis naman? Pinalipad niya ba ang kotse?

"Halika na." aya ni Jo sa akin

Pagkababa ko ng sasakyan, bumungad agad sa akin ang napakaganda at napakalaking bahay ni Johanna. Sobrang yaman nga talaga nila.

Sakto namang pagbaba namin ay dumating na rin yung iba kasama si Prof. Lloren.

Pagpasok namin sa loob, sumalubong naman yung mga maids nila.

"Nasaan po sila?" tanong ni Johanna sa isa sa kanila

"Nasa kusina po yung mommy niyo ma'am.." sagot naman nito

"Nakakamiss tumambay dito sa bahay niyo Jo." sabi ng isang kaibigan niya at dumiretso kaagad sila nang upo sa couch. Sanaol feel at home.

"Halika ipakilala kita kay mom." Sabi ni Johanna sa akin at dinala ako papuntang kusina.

Ipakilala? Nag mukha akong jowa ah.
Ang kapal Reigan ha

"Ma?"

"Oh Johanna anak, andito ka na pala.." mommy na niya ata to, pucha kinakabahan ako

"Ah ma. Si Reigan po, kaklase ko po.. Transferee po siya sa G.U.." pakilala ni Johanna sa akin

Tangina kinakabahan talaga ako. Baka e judge ako nito

"Ikaw pala si Reigan na sinasabi ni Johanna sa amin kagabi?" mahinahong tanong ng mommy niya

"O-opo" nakayukong sagot ko

"Wag kang mahiya anak. Di naman kita sasapakin.." birong sabi niya

Buti naman haha. Nawala din yung kaba ko...

"Uhm, gagawa po kami ng report ma pagkatapos ay gagawin rin po namin yung tungkol sa thesis namin kaya andito rin yung mga kaibigan ko pati si Ms. Lloren." saad ni Jo sa mommy niya.

"O siya sige. Dun muna kayo sa sala at ako'y maghahanda muna nang hapunan para makakain na tayo." sabi ng mommy niya.

"Anong meron?" tanong ng kung sinong lalake. Hala baka daddy ni Johanna to

"Yung bagong kaibigan at kaklase ni Johanna, hon." pakilala ng mommy ni Jo sa akin

"Ikaw ba yung sinasabi ni Johanna na si Reigan Dela Vega?" tanong niya sa akin

"Opo sir." nahihiyang sagot ko

"Wag kang mahiya iha. Welcome ka dito sa bahay namin. Okay lang na maging feel at home tutal kaibigan ka naman ng anak namin.." sabi ng dad ni Jo sa akin

Mana si Jo sa mga magulang niya. Mababait.

"Andito rin pala ibang kaibigan mo, 'nak?" tanong ng dad ni Jo sa kanya.

"Oo, dad. Makikigulo yan sila." sabi ni Jo kaya natawa ang mom and dad niya.

"Sige po. Dun muna kami sa sala." dagdag ni Jo saka kami bumalik sa sala.

Pagbalik namin sa sala ay nadatnan namin mga kaibigan ni Jo at si Prof. Lloren na nag-uusap. Ay, hindi pala. Si Prof. Lloren at Ms. Lim lang pala dahil yung iba may sariling mundo tapos si Yamazaki naman ay prente lang na naka-upo sa may tabi na nakapang-dekwatro at naka-cross arms pa habang nakatitig sa'min ni Jo.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon