CHAPTER 11

778 31 2
                                    

☘️REIGAN DELA VEGA☘️


"Dela Vega..." tawag ng kung sino sa apelyido ko. Pamilyar yung boses kaya kahit na hindi ko ito tignan o lingunin ay alam ko kung sino ito.

"Ms. Lloren?" sambit ko sa pangalan niya nang lingunin ko siya.

I'm here at Rin Café right now dahil sabado ngayon at wala kaming pasok kaya whole day magtatrabaho ang masipag na ferson ngayon.

Supposedly, mamayang gabi lang dapat ang trabaho ko kasi yun naman talaga ang schedule ng shift ko kaso nakiusap ang manager namin sa akin na kung pwede mag-whole day ako ngayon dahil mag-aabsent daw yung isang server at isang cook namin. Kaya no choice ang Reigan kundi pumayag nalang tsaka sayang naman kung hindi ako papayag, dagdag na rin yun sa sweldo ko.

Medyo na guilty nga rin ako kay Shang eh. Tinanggihan ko kasi kagabi yung alok niya na lalabas at mamamasyal kami ngayon. Gusto ko mang pumayag kaso nga lang mas na una naman yung manager namin na sabihan ako na ako muna ang papalit sa dalawang kasama ko na aabsent ngayon, kaya ayun, tumanggi ako sa alok ni Shang. Sure talaga akong nagtatampo na yun ng sobra. At doble rin yung pagtatampo nun kasi hindi ko rin siya pinayagan na matulog sa bahay kagabi.

May trabaho din naman kasi ako kagabi at madaling araw na nga rin ako naka-uwi dahil sobrang daming customers. Ganun kasi talaga sa Rin Café every Friday eh. Tsaka kung pumayag ako na sa bahay matulog si Shang, delikado dahil siya lang mag-isa sa bahay. Gusto pa nga sana niyang sumama pero hindi ulit ako pumayag dahil alam kong mabobored lang siya dun sa Rin Café kakaantay.

"Ano pong ginagawa niyo dito ngayon, ma'am?" tanong ko sa propesor na nasa harapan ko.

"Can we talk? I need to tell you something." bakit ang amo naman ata nang mukha nito ngayon?

"Importante po ba yan, ma'am?" tanong ko sa kanya.

"Y-yes." mukha rin siyang kinakabahan. May problema ba ang propesor na to?

Nagpaalam nalang muna ako sa manager namin at sinabing kakausapin ko muna si ma'am dahil may importante itong sasabihin. Mabuti nalang at pumayag si manager.

Iginiya ko si ma'am dun sa area sa gilid sa may glass window na wala masyadong tao. Pero bago yan ay nag-order muna siya para sa aming dalawa.

"Ano po yung sasabihin niyo, ma'am?" tanong ko pagka-upo namin.

"Uhm... I-i-i uhm..." nauutal na sambit ni Ms. Lloren while looking down at the table and fidgeting her fingers.

Bakit ba nauutal at kinakabahan to? Ano ba yung sasabihin niya? May masama bang nangyari?

Hinawakan ko nalang ang mga kamay niya na nakapatong sa mesa para kahit papano ay maibsan ang kabang nararamdaman niya.

"Miss, it's okay. Huwag mo nalang munang sabihin yan kung hindi mo pa kaya." saad ko sa kanya habang nakahawak sa mga kamay niya.

"N-no. I need to tell you this right now. Ayokong patagalin pa to. Hindi kasi ako matatahimik at mapakali kapag hindi ko to nasabi sayo eh." ano ba kasi yon? Nacucurious na ako ma'am ha.

"Ry..." malambing na sambit niya sa pangalan ko saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan ito. Kaya speechless ako habang nakatitig sa mukha ni Ms. Lloren.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon