CHAPTER 30 : Red Alert

1K 26 1
                                    

☘️ REIGAN DANIELLE ☘️

It's been a month since Shang and I have been together. Sobrang dami na ring nangyari sa amin sa loob ng isang buwan. Lumabas din talaga pagiging possessive at territorial ni Shang eh. Grabe magselos dzae, but, gusto ko naman. Tuwang-tuwa nga ako sa tuwing nagseselos siya eh.

Gustong-gusto ko talaga na magselos asawa ko, para siyang si Tatiana bumubuga ng apoy. Sa loob din ng isang buwan, nagkaroon na rin kami ng mga away at syempre dahil yun sa selos, pero nagkakabati lang din naman kaagad kasi nga isa akong dakilang marupok. Ako yung humihingi lagi ng tawad kahit wala naman akong ginawang mali. Wala eh, understanding ako masyado tsaka mahal na mahal ko rin.

Nalaman na din ng buong Mars Squad at ng mga pamilya namin ni Shang ang tungkol sa amin. Sobrang saya nila nung nalaman nila. Napaiyak pa ang vaklang Jondel sa saya, tears of joy daw siya eh.

At syempre hindi lang naman sila ang nakakaalam nang tungkol sa amin ni Shang dahil kumalat sa buong school ang tungkol sa relasyon namin at kasalanan yun ni Jondel. Ipinagsigawan ba naman after nung time na inamin namin sa kanila. Pero hindi nalang din ako pumalag, okay na rin yun para wala ng umaaligid kay Shang. Mas maganda yung alam nila kung sino nagmamay-ari kay Shang.

Si Michael Tuan hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap. Kaya todo talaga pagbabantay ko kay wifey kasi baka bigla nalang sumulpot ang tarantadong yon. Kasalukuyan pa rin siyang hinahanap ng kapulisan ngayon, naging most wanted na nga. Pinahanap ko rin siya kina Latrell, Bethlehem, at sa mga tauhan ko pero sadyang magaling magtago ang gago dahil hindi talaga siya nahahanap. Feeling ko tuloy there's someone behind him na tinutulungan siya.

About naman sa kapatid kong yelo ay ganun pa rin, pero sumasabay na siya sa kung ano ang trip ng Mars Squad at mas kasundo niya sina Yosh, Cheng at Taweng. Napapansin ko rin na medyo nagkakamabutihan na sila ni Arianne.

Lagi siyang kinukulit ni Arianne pero hinahayaan niya lang, sumuko ata kasi ayaw talaga siyang tantanan ni Arianne. Pinaka-ayaw pa naman ni Kalin ay yung makulit pero pag si Arianne ay parang okay lang sa kanya. At minsan nahuli ko pa ang dalawang yun na kumakain sa labas. Kaya hindi na ako magtataka kung aamin nalang ang dalawang yun na may relasyon sila. No problemo naman sa akin basta ang importante masaya ang kapatid ko.

Yung anak kong si Ed muling nagbalik isang linggo ang nakaraan mula noong tinanong ko si Kalin kung nasaan ito. Ang weird talaga nang batang iyon, tama nga si Kalin, biglang maglalaho na parang bula tapos susulpot na parang kabute. Nakahanap rin siya nang bagong kaibigan, sobrang ganda. Hindi ko alam kung kaibigan ba niya yun o girlfriend niya, iba kasi siya kung tumitig dun sa babae.

Anyways, andito ako sa opisina ko ngayon dito sa school at hinihintay ang asawa ko. Sabi niya kasi tapos na daw klase nila. Iba na naman kasi class schedule nila ngayon dahil iba na mga subjects nila for this cycle. Kumbaga 8 to 10 AM klase nila sa first subject then balik sila mamaya 3 to 5 PM sa last subject. Kaya vacant nila ngayon 10 AM until 3 PM.

Natigil ako sa aking pagmumuni-muni ng may biglang kumatok sa pinto. Agad akong tumayo sa aking swivel chair at binuksan ang pinto.

Malawak ang naging ngiti ko dahil sa isang napakagandang dilag ang tumambad sa akin pagkabukas ko ng pinto. "Hi." bati niya sa akin ng may ngiti sa labi at kaagad akong binigyan ng isang mahigpit na yakap matapos kong isarado ang pinto.

"I miss you, wife." malambing kong sambit nang yakapin ko siya pabalik. She softly giggles while planting small kisses in my neck.

Ayan, nang-aakit na naman po siya. Simula nung naging kami, I mean after pala nung nagwala ako dito sa opisina, lagi na niya ako inaakit. As in, yung pang-aakit niya sa akin ay mas lalong lumala. Kung yung mga pang-aakit niya sa'kin dati nung hindi pa kami ay nakakayanan ko pa, ngayon hindi na.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon