☘️REIGAN DELA VEGA☘️
Nagmistula na naman akong si Sonic The Hedgehog sa sobrang bilis ng aking kilos. Malapit na kasi 9AM, it means malapit na mag-start klase namin. Pambihira talaga! Kasalanan talaga to nila ni Cheng eh. Niyaya niya kasi akong mag-sleep over sa bahay niya kagabi kasama si Yosh at Wenslith tapos nagkayayaang uminom kaya eto, 8:25 AM na nagising at mukha pang sabog.Umuwi kaagad ako sa bahay pagkagising para magbihis dahil hindi naman ako nakapagdala nang mga damit ko kagabi. Niyaya pa nga ako ni Cheng na dun nalang mag-breakfast sa kanila at sumabay na sa kanilang tatlo papuntang school pero tumanggi ako dahil talagang need kong magbihis. Sa pagmamadali ko, hindi ko na namalayan na may makakasalubong ako kaya nagkabungguan kaming dalawa.
What a great morning! Sana naman hindi to masungit kagaya ni Ms. Lloren. Jusmeyo! Sa tuwing may makakabungguan talaga ako ay hindi ko talaga maiwasan na hindi maalala yung time na nagkabungguan kami ni Ms. Lloren. Napakasungit niya kasi talaga nung time na yun tapos muntik ko pa siyang maisumpa dahil inis na inis ako sa ugali niya nung time na yun.
"Ah.. s-sorry po.." paghingi ko ng paumanhin sa taong nakabungguan ko.
Natigilan ako nang maklaro ko ang mukha nang taong nakabungguan ko. Matangkad siya, maputi, yung kulay ng mata niya ang astig dahil kulay brown na dilaw ah basta yun na yun, tapos nakasuot siya nang eyeglasses na sobrang bagay sa kanya, yung kulay ng buhok niya ay brown, medyo maikli ito at naka-ponytail. Tsaka nakasuot siya nang pormal at mukhang siyang business woman. Mukha siyang lalaki dahil sa itsura niya pero alam kong babae to based sa aking radar. Hindi siya nagsalita at nakatitig lamang siya sa'kin. Pero maya-maya ay umiwas din naman agad siya ng tingin saka siya nagsalita.
"It's okay. Nagmamadali din kasi ako at hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi niya kaya nag bow ako at humingi ulit ng paumanhin.
Ang gandang pogi naman niya. Sino kaya 'to?
"Wait, have we met before?" tanong niya na ikinapagtaka ko.
Huh?
"Uhm, h-hindi ko po alam eh. Ngayon lang po kasi kita nakita." sagot ko at tumango-tango naman siya nang dahan-dahan.
"Oh, I thought we've met already before. It's just... Y-y-you seems f-familiar to me. Anyways, I have to go now and I'm sorry again for bumping you earlier." nauutal niyang sabi bago umalis. Nag bow lang ulit ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sabog ako ngayon at nag-loading utak ko eh.
Aalis na sana ako dahil naalala ko na late na nga pala ako. Kaso may nakita ako sa sahig kaya napahinto ako't pinulot ko ito.
"Danielle Geraldino?" basa ko sa pangalan na nakalagay sa ID card na napulot ko. Siguro nahulog 'to nung taong nakabungguan ko kanina.
Pero wait, Danielle Geraldino? Gagi, pangalan yun nang ate ni Hanse ah. Ibig sabihin, ate yun ni Hanse? Andito na siya?
Hinanap ko yung taong nakabungguan ko kanina at nagbabakasakali na andito pa siya para maisauli ko yung ID card niya kaso hindi ko na siya nakita kaya minabuti ko nalang na ibigay ito sa Dean namin.
Pagkalabas ko nang office ni Dean ay papitiks-pitiks pa akong naglakad not until I realized something...
WHAT THE FUDGE!!!
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.