🍃SHANG YAMAZAKI🍃
"Sis maaaaars! Buti nalang at nakapasok ka naaaaa." salubong ni Jondel sa'kin pagbaba ko ng kotse.
Hinintay ba ako ng mga mokong na 'to dito sa parking lot? It looks like, all of them are waiting for me.
"Really, Jondel? Bunganga mo talaga kaagad ang sasalubong sa'kin dito sa school, early in the morning?"
"Ay, sorry naman. Na miss kasi kita mars dahil hindi ka pumasok kahapon. May na missed ka ring ganap kahapon. At excited na akong ikwento yun sayooo!" ayan, umagang-umaga chismis kaagad.
"Talaga lang ha? Miss mo 'ko? E magkasama pa nga tayong nag-dinner kagabi eh. Why? What happened yesterday?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng campus.
Dad asked me a favor yesterday na e meet yung investor ng company namin galing abroad, that's why absent ako yesterday.
"Ay oo nga pala. But, we have a new classmate, Mars. Nerd siya, pero ang cuuuute." kwento ni Jondel kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Yun na yung chismis mo? Akala ko pa naman may nagsaksakan na dito kahapon. Ba't hindi mo nalang yan ikinuwento sa'kin kagabi?" sabi ko na ikinatawa ng malakas ni Seul at Ligaya.
"Uy, sobra ka naman. Atsaka nasa Rin Café kaya siya kagabi dahil dun siya nagtatrabaho. Siya pa nga nag-serve nung pagkaing inorder natin eh. Hindi mo lang napansin dahil may sariling mundo ka kagabi." he said.
Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.
"Shang!" tawag ni Johanna sa'kin.
"Jo!" masayang sambit ko sa pangalan niya saka siya dinaganan ng yakap.
Ganito kami tuwing nagkikita kahit pa kagabi ay magkasama kami. Johanna is my human teddy bear. Siya talaga ang paborito at gustong-gusto kong kayakap palagi. I don't have any siblings because I'm just the only child of my parents kaya si Jo at Yeonie ay tinuturing ko talaga na mga ate o kapatid ko.
Johanna is also the mother of our group. Itinuring namin siyang nanay sa grupo dahil siya yung palaging sumasaway at nanenermon sa'min everytime may ginagawa kaming kalokohan especially Jondel, Seul, at Hangin. At siya rin yung palaging andiyan sa tuwing may mga problema ang isa sa amin.
Natigil lang yakapan namin dahil biglang lumapit ang grupo ni Michael sa'min. Nakakainis! Imbes good mood ako ngayon.
"Hi, babe." bati ni Mike sa'kin at akma na sana akong lapitan pero hindi ako pumayag.
Ayoko talaga sa lalaking to. Kinikilabutan at nandidiri talaga ako sa tuwing lalapit to sa'kin.
"Hi, Arianne." bati naman ni Franco kay Arianne but she just rolled her eyes on him. Manliligaw ni Arianne si Franco but she doesn't like him dahil pangit daw at kuripot.
"Ang sungit naman, babe. May nangyari ba sayo kahapon?" Michael asked but I just shrugged my shoulder dahil ayokong siyang kausapin.
Michael Tuan is my suitor since last year pero hindi ko siya sinagot at wala talaga akong balak na sagutin siya. He said na hindi daw siya titigil sa panliligaw hangga't hindi ko siya sagutin. Pero bahala siya dahil kahit makakita pa ako ng puting uwak ay hindi ko talaga siya sasagutin.
I don't like him in the first place. I don't like his behaviors and attitude. His group, SE7EN, is well-known in this campus as a group of bullies. Mga bagong salta dito sa school ang lagi nilang biktima lalo na kapag nalaman nilang mahina ito. Kaya hindi na rin ako magtataka kung magiging biktima nila yung tinutukoy ni Jondel kanina na bagong kaklase daw namin.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.