CHAPTER 17

634 26 1
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃

"Wow! Himala at maagang nagising yan si Arianne, Shang." bungad ni Jo sa amin ni Arianne pagkababa namin sa sasakyan. Magkasabay lang pala kaming dumating.

"Maaga kasing nagluto ng breakfast si Loren. E nakaamoy ang raccoon, kaya ayan, nagising ng maaga." tugon ko kaya natawa siya nang mahina. Kita ko pa ang pag-ikot ng mga mata ni Arianne.

"Pero bakit ang aga niyong pumasok, e mamaya pa naman 9 AM klase natin?" tanong ni Jo habang naglalakad kami papasok ng campus.

"Excited kasi yan si Sang na makita si Ry-ry, Jo." sabat ni Arianne kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagsalita ang babaeng gustong-gusto na makita si Kalin araw-araw." ganti ko.

"Hoy!" saway niya sa'kin.

"Omg HAHAHA pumapag-ibig na pala ang Arianne namin na yan." pang-aasar ni Jo sa kanya.

Hindi man aminin ni Arianne, pero halata talaga na may gusto siya kay Kalin. Kakaiba kasi siya tumitig kay Kalin eh. Yung titig ba na parang in love na in love siya dito tapos iba rin yung ngiti niya kapag nakikita niya si Kalin.

"Mga malisyosa kayo! Hindi ko naman gusto ang taong 'yon!" biglang sigaw ni Arianne sa aming dalawa ni Jo. Ang lakas ng boses ng babaeng to. Buti nalang at wala pa masyadong estudyante ngayon.

Wala palang gusto ha...

"Hala! Si Kalin oh!" joke lang talaga to, gusto ko lang malaman kung maniniwala ang raccoon.

"Where?" mabilis na tanong ni Arianne at luminga-linga kaya sabay kaming natawa ni Jo.

Sinamaan niya kami ng tingin. "Ang sama ng ugali niyo!" inis niyang sambit at nag-pout.

"Anyways, nasan nga pala si Yeonie at Loren, Shang?" tanong muli ni Jo matapos niyang maka-recover sa pagtawa.

"Sabi ni Loren may aasikasuhin pa daw siya saglit. Tapos si Yeonie naman ay pumunta sa condo ni Prof. Lloren." sagot ko sa kanya.

Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay may bigla akong nakabangga. Mabuti nalang hindi kami natumba, pero mukhang nasaktan ata ang nakabanggaan ko dahil narinig kong napadaing siya.

Sa sobrang daldal namin, hindi ko na namalayan na may mababangga na pala akong tao.

"Oh my! Are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa taong nakabangga ko at sinilip ang mukha niya.

"Sorry nga pala, hindi ko sinasadya. Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" nagtaka ako dahil nang iangat niya ang kanyang paningin sa akin ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Ba't naman mukhang gulat siya?

"Miss, baka may masakit sayo? Dalhin ka nalang namin sa clinic." nagsalita na rin si Jo.

Pinagkatitigan ko nang mabuti yung babae. Hindi pa rin kasi siya kumukurap at nanatili pa ring nakatitig sa akin with her shocked face.

Ba't parang pamilyar siya sa'kin?

"M-mommy?" sambit niya na nagpagulat sa akin ng sobra. Alam kong pati sila Jo ay nagulat rin dahil narinig ko ang pagsinghap nilang dalawa ni Arianne.

"Mommy." sambit niya ulit.

What the hell is she talking about?! Ganun ba kalakas yung impact ng pagkabunggo niya sa akin kaya niya nasasabi to?! Mommy? Mukha ba akong nanay niya?

"Mommy, hindi mo rin ba ako maalala? Hays! Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?" nagkatinginan kaming tatlo ni Jo at Arianne dahil hindi na namin maintindihan ang pinagsasabi ng taong ito.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon