☘️REIGAN DANIELLE☘️
𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐯𝐞𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
𝑺𝒍𝒆𝒆𝒑𝒐𝒗𝒆𝒓 𝒂𝒕 𝑺.𝑳.𝑨.𝒀 𝑴𝒂𝒏𝒔𝒊𝒐𝒏Hi guys! Welcome to my vlog! Kasalukuyan nga po pala akong nagluluto ng dinner ngayon dahil gusto kong magpa-impress sa asawa ko HAHAHA vloggerist yarn?
Echos lang! Pero nagva-vlog din talaga ako guys. Follow and subscribe niyo nalang ako sa TikTok and YouTube channel ko, 'The Healing AdvenTour'...
So, balik tayo. Nagluluto nga ako ngayon ng dinner para sa mga mahal na prinsesa. At chance ko na rin to para maipakita ko kay Shang yung pagiging wife material ko noh.
Yung sinabi kong aasawahin ko siya? Seryoso talaga yun at hindi ako nagbibiro. Kasi nga diba? Napanaginipan ko siya, ikinasal daw kami, tapos nagkaroon ng anak at masayang pamilya. At dahil sa panaginip na iyon, na realized ko kung ano talaga ang gusto ko sa buhay. That's why I am eager na mag-success yung plano ko.
My plan is very simple anyway, and that is to marry Shaqui Leigh Yamazaki.
Sa lahat ng napanaginipan ko, yung panaginip ko nung gabi na yun na nagkaroon kami ng masayang pamilya ni Shang ang pinakamagandang panaginip talaga sa lahat.
Kaya gagawin ko lahat maging totoo lang yung panaginip ko na 'yon. Whatever happens, totohanin ko talaga 'yon.
I'm going to make her mine... Shaqui Leigh Yamazaki, my beautiful target...
Yeah, target. Dahil siya ang target kong aasawahin. Walang halong biro at wala ring makakapigil sa akin. Kaya sa mga may gusto kay Shang, back off people coz she's mine.
"100% confirmed. Baliw ka nga talaga." napatalon ako sa gulat dahil biglang nagsalita si Tatiana sa tabi ko at kasama nito si Angela na ngayon ay nasa tabi ko na rin na pasimpleng tinitikman yung ibang putahe na tapos ko ng lutuin.
Gagi bakit nasa tabi ko na ang mga babaeng to?
"Bakit ganyan ka makangiti? Baliw ka na talaga noh?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.
Hayaan nating ma curious tong kunehong 'to HAHAHA
"Hoy! Ano nga?" pangungulit niya sa'kin pero ngumisi lang ako sa kanya.
HAHAHA ang sarap talagang asarin ng babaeng to, pikon kasi talaga tong si Tatiana eh.
"Hindi ko sasabihin hangga't hindi mo aaminin sa akin na ikaw ang nanay ni Snowball..." pang-aasar ko sa kanya. Narinig ko pa ang paghagikhik ni Angela sa gilid. At maniwala kayo o sa hindi mga dzae, may nakita talaga akong usok na lumabas galing sa ilong at tenga ni bespren HAHAHA ang sunod niyan, bubuga na yan ng apoy.
"Punyawa ka talagaaaaa!!!!" galit niyang sambit at sinakal ako.
"Wag mo nga akong sakalin. Masisira beauty ko ano ka ba."
"Ang kapal ng pagmumukha mo!" ang bilis talaga mapikon ng babaeng to. Ganun ba talaga kapag nasa menopausal stage na?
Napailing at natawa nalang ako dahil sa pagiging pikon ng bespren ko. Si Angela naman ay tawa lang ng tawa sa tabi ko. HAHA tumatawa pa siya dahil hindi ko pa tinatanggal yung isang tornilyo niya sa utak, pero kapag natanggal ko yun, dalawa na sila ang magiging pikon.
Si Tatiana Lim ay nakilala ko sa Slovenia a decade ago. Nagkataon kasing may meeting ako nun sa owner ng hospital dahil nakapag-desisyon akong mag-invest dun at yun nga habang nagto-tour ako sa rooftop ng hospital ay may nakita akong babaeng umiiyak at may balak na tumalon sa building kaya agad ko siyang nilapitan. She was depressed that time because of what happened to her. Nasangkot kasi silang tatlo ng mga magulang niya sa isang car accident tapos siya yung pinaka-napuruhan. Dahil sa sinabi ng doctor sa kanya na kailangan siyang maoperahan upang siya ay makalakad, nagka-anxiety siya tapos na depressed lalo na nung nalaman niya na 50-50 lang yung chance na makalakad siya ulit kahit na naoperahan na siya.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.