CHAPTER 24

580 26 1
                                    

☘️ REIGAN DANIELLE ☘️

After an hour ay nakarating na rin kami sa port ng San Jose Municipality. Pero hindi muna kami tumayo sa aming kina-uupuan dahil bukod sa sobrang daming pasahero na papalabas sa sasakyang pandagat na ito ay hindi pa rin nagigising si Shang.

"Love, wake up. We're here na." gising ko sa asawa kong sobrang himbing ang tulog habang nakayakap pa rin sa akin at ang mukha ay nakasiksik pa rin sa leeg ko. Kung ano yung posisyon namin kanina ay ganun pa rin ngayon.

"5 minutes, please." she mumbled in her husky voice.

Jusmeyo! Bakit naman ganun boses mo, wifey?!

Sabi niya 5 minutes daw muna, akala niya siguro natutulog lang siya sa bahay niya. Hindi na lang ako umangal kahit nangangalay na ako at medyo masakit na rin pwet ko dahil sino ba naman ako para tumanggi kung ganito posisyon namin.

Hinayaan ko nalang muna siya na matulog muli. Hinalikan ko siya sa kanyang noo ng tatlong beses pagkatapos ay pinagmasdan ng maigi ang kanyang napaka-gandang mukha.

Ang cute, ang ganda, at napaka-inosente ng mukha niya kapag tulog, pero pag-gising, napaka-maldita. Charot! Joke only!

Maya-maya ay bigla nalang akong sinapian ng kademonyohan at naka-isip ng kalokohan. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha para sana nakawan siya ng halik sa kanyang labi.
Ngunit nagulat ako nang bigla nalang niyang idinilat ang mga mata niya at naramdaman ko nalang yung pinong kurot niya sa tagiliran ko kaya napahiyaw ako.

"Aray naman, love!" daing ko at hinimas ang tagiliran ko na kinurot niya, ngunit ang eabab ay binigyan lang ako ng masamang tingin.

"Are you taking advantage of me while I'm sleeping, Geraldino?" maldita niyang tanong sa'kin while glaring her eyes at me. Hindi na po siya nakayakap sa akin. Hays, nakakalungkot!

"Hindi noh! Ikaw nga itong nag take advantage sa akin eh dahil ikaw itong yumakap sa akin." depensa ko, nagsasabi ako ng totoo guys promise.

Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at agad ng tumayo. "Tara na nga. Kanina pa pala tayo nakarating at tayo nalang din ang tao dito sa loob." sabi niya at nauna ng maglakad habang bitbit ang maleta niya.

Luh! Sinabi ko naman sa kanya kanina na nakarating na kami pero sabi niya '5 minutes, please'. Sus, grabe talaga to si wifey.

Napanguso na lamang ako bago tumayo at kinuha ang mga gamit saka sinundan si wifey. Pagkalabas namin ng port ay sumalubong kaagad sa amin ang isang tauhan ko dito sa probinsya dala ang sasakyan na pinahanda ko sa kanya.

"Thank you, Rick." pagpapasalamat ko sa kanya pagkatapos niyang ibigay sa akin ang susi.

Si Shang naman ay pinapasok ko na sa loob ng sasakyan dahil kanina pa siya pinagpepyestahan ng tingin ng mga tao dito. Sobrang ganda ba naman ng asawa ko, pero asa sila dahil akin lang to.

Sobrang daming tao kasi or should I say mga motorcycle or cab driver ang nandito at naghihintay ng pasahero. Ganyan talaga dito sa probinsya, kapag may mga passengers from city na pabalik dito sa isla ay mag-aabang itong mga taong namamasada sa mga pasahero dito sa labas ng port.

Yung tauhan ko naman ay hindi na sumabay sa amin. Dito lang kasi siya sa San Jose nakatira at kami naman ay sa Cagdianao ang punta.

"Where are we going now?" ito agad ang tanong sa akin ni Shang pagpasok ko palang sa sasakyan. Ako nga pala ang magda-drive kasi nga umuwi na yung tauhan ko na nagdala nitong sasakyan.

"We're going to Cagdianao." sagot ko at nagsimula ng magmaneho.

"Saan yan?" I reached for her hand saka ipinagsiklop ang mga kamay naming dalawa.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon