☘️
Isang linggo. Umabot na nang isang linggo na hindi ako pinapansin ni Shang. Grabe hindi ko akalain na tatagal ng ganito. Therefore I conclude na hindi na talaga to basta tampo dahil dun sa hindi ko pagpayag sa kagustuhan niya. Galit talaga siya sa hindi ko malamang dahilan.
Isang linggo ko na rin tinatanong ng paulit-ulit tong sarili ko kung ano ang kasalanang nagawa ko para magalit sa'kin si Shang ng ganun. Sa loob ng isang linggo na feel ko talaga yung pagiging distant ni Shang sa'kin and I guess napansin na rin yun ng ibang kaibigan namin.
Kapag lalapit ako sa kanya, lalayo kaagad siya. Kapag nagkasalubong kami, diretso lang lakad niya at hindi talaga ako tinatapunan ng tingin. Minsan nga nagpapapansin na ako sa kanya pero wala, dedma pa rin. Nagmumukha na akong multo dahil parang hindi niya ako nakikita. At mukhang bumaliktad na rin mundo namin guys. Ako na itong naging OA at siya naman ay naging nonchalant. Hays! Ito na ata ang kapighatian era ni Reigan Dela Vega.
Aaminin ko, namiss ko na siya. Yung kakulitan niya, yung pagiging naughty niya, yung mga ngiti at tawa niya, tsaka yung cute niyang mukha na ang sarap kurutin.
Matamlay akong naglalakad ngayon patungong classroom namin. Monday na naman kasi ngayon, grabe parang kahapon Friday pa yun ah. Parang 5 minutes nalang talaga ang weekends ngayon.
Nang makarating ako ay papasok na sana ako sa loob ng classroom kaso may narinig akong mga pamilyar na boses sa loob na mukhang seryosong nag-uusap kaya nagtago muna ako sa labas ng pinto.
"Kahit sino naman kasi talaga magkakagusto kay Ry-ry." I heard Ericka said. Luh! Ano na naman kaya tong pinag-uusapan nila?
Sa tuwing naririnig ko silang nag-uusap ng ganito, ako talaga ang topic eh...
"Agree, mars. Kahit nga ako natangay ni baby eh. At hindi na rin ako magtataka kung bakit pati si Ms. Lloren ay nabihag rin." nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig mula kay Jondel. Gagi! Alam ni Jondel na may gusto si ma'am sa'kin?
"HAHAHAHA natatawa talaga ako kay Angela." rinig kong tawa ni Yeonie.
"Bakit ka naman natatawa kay Ms. Lloren, Yeonie?" tanong ni Ligaya.
"Basta HAHAHAHA. At alam ko pati kayo matatawa rin sa kanya, not now but sooner or later, dahil nagkagusto siya kay Reigan." Yeonie replied.
"Huh? Bakit naman kami matatawa? Di ka namin gets, Yeonie." naguguluhang tanong ni Jondel.
"Basta." Yeonie said.
"Ikaw Jo, may gusto ka rin ba kay Ry?" Teng asked.
"Actually, I love her. But, as my little sister lang eh." sagot ni Jo. Ouch naman! But it's okay. Alam ko naman na yan lang talaga turing niya sa'kin mula nung umpisa pa eh. Mabuti nalang talaga at hindi naglevel-up yung pagka-crush ko sa kanya.
"At isa pa, ShangRy shipper ako eh. Kaya kung meron man akong gustong babae para kay Ry-ry, si Shang yun at wala nang iba. I am the captain of their ship kaya hinding-hindi ko talaga hahayaan na lumubog ang barko ko. Kahit pa may isang iceberg na ang pangalan ay JONDEL, hindi ko hahayaan na lumubog ito." saad ni Jo at nagsitawanan naman silang lahat sa huling sinabi nito. Na speechless ang Reigan dun ha.
"Excuse me?! Hindi ako ang iceberg na magpapalubog sa kanila noh! Atsaka isa pa, ako kaya yung kapitan ng barko nila at hindi ikaw. Ako nga yung nakaisip nung bet para mapalapit sila sa isa't-isa eh." ay! Ayaw rin patalo ni Jondel oh.
"Hoy! Ako lang yung nag-iisang kapitan ng barko nila. Unang kita ko palang kay Ry-ry alam kong siya na yung taong para kay Shang." palaban na sabi ni Jo.
"Ikaw nga yung kapitan pero isa ka naman sa mga pinagseselosan ni Shang." owemji! In fairness rhyme yung sinabi ni bakla ha. Feeling ko na speechless dun si Jo dahil narinig ko siyang napasinghap.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.