🍃SHANG YAMAZAKI🍃
Lumabas ako sa opisina ni Reigan na paika-ika ang lakad. Pinilit ko talagang maglakad ng maayos kahit masakit yung ano ko.
"Hays! Kasalanan mo to Shang, ang harot mo kasi." bulong ko sa'king sarili.
Siguraduhin niya lang talaga na papanagutan niya ako. Seryoso talaga na gigilitan ko siya sa leeg kapag hindi niya ako panagutan.
There's a big possibility na makabuo kami lalo na at tatlong beses niyang ipinutok sa loob ko. Wala namang magiging kaso sa akin kung magkaanak kami basta wag niya lang akong iwan.
"Hoy, mareng!" nagulat ako nang biglang sumulpot sa gilid ko si Jondel kasama si Arianne.
Sa'n galing ang dalawang to? Ba't hindi ko sila napansin?
"Ang lalim naman ng iniisip mo vaks." sabi ni Jondel.
"Sa'n kayo galing?" tanong ko.
"Naghahanap ng pogi." sagot ni bakla at tumango ako bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Ikaw, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap at hindi ka rin sumabay sa amin kanina sa lunch." tanong naman ni Jondel sa'kin.
Sasagot na sana ako ng biglang... "OH MY GOODNESS! Ano yang nasa leeg mo?" tanong ni Arianne sa malakas na boses at nanlaki pa ang mga mata nito habang tinatakpan ang bibig.
Tinignan naman ni Jondel ang leeg ko at ganun na lamang din ang kanyang pagkagulat. "OMG! Mars, is that hickeys?" he questioned that made my eyes widened.
Gosh! Nakalimutan kong maglagay ng concealer...
"A-anong s-sinasabi niyo diyan? Wala to." maang-maangan kong tanong at nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa.
"Awiieee..." pang-aasar nila sa akin.
"Wala nga to. Kinagat lang ako nang lamok." palusot ko.
"Sus, maang-maangan school of acting teh? Ang pangalan ba ng lamok na kumagat sayo ay Reigan Danielle Geraldino? Sus, wag kami mareng alam naming love marks yan." sabi ni Jondel na ikinatawa ni Arianne ng malakas.
"OMG! Sis mars, nadiligan na kiffy mo? HAHAHA." tangina talaga nito ni Arianne, hays bakit ko ba kasi nakalimutang itago tong ginawa ni Ry sa leeg ko!
Ang ganda ibenta ng dalawang to sa online market...
"Manahimik nga kayong dalawa!" saway ko pero ang mga baliw nakangisi pa rin ito sa akin, yung ngisi na halatang nang-aasar.
"Naisuko mo na rin sa wakas ang bandera mo mars." ang sarap batukan nitong baklang to, jusko! Pag yan kumalat o di kaya sabihin nila sa ibang kaibigan, ililibing ko talaga sila nang buhay.
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad, yung dalawa ay nakasunod lang sa akin habang patuloy pa rin akong tinutukso.
"So, ano mareng? Kamusta? Masarap ba? Malaki ba yung ano ni Ry-ry?" sunod-sunod na tanong ni Arianne.
"Gaano kalaki?" isa pa tong si Jondel.
My gosh! I can't believe these two!
"Tumigil nga kayo! Ang ingay niyo! Ang daming tao baka marinig pa kayo!" inis na saway ko sa kanila ngunit nag-smirk lang ang mga ito sa akin.
Dumaan muna kami sa locker at kinuha ang turtle neck sa locker ko tapos dumiretso ako ng comfort room para magbihis. Hindi pwedeng papasok ako sa loob ng classroom ng nakaganito. Sobrang kita ng mga love marks, baka kung ano pa isipin nila. Iba pa naman mag-isip ang mga kumag kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.