CHAPTER 9

823 32 5
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃

Dalawang linggo... Dalawang linggo na akong nagtitimpi para lang hindi ako makasapak ng ibang tao dahil sa inis. Kung gaano ako ka saya two weeks ago, ganun naman ako ka naiinis sa loob ng dalawang linggo. At dahil yun sa propesor namin na walang ibang ginawa kundi magpapapansin palagi kay Reigan at syempre pati na rin si Johanna na lagi nalang gustong makasama ni Reigan. Nakaka-bwesit lang dahil si Johanna nalang lagi ang bukambibig ng bampirang yun! Naiinis talaga ako sobra! Ang sarap nilang ibaon ng sabay sa lupa.

Today is our CAS Days event already after almost 3 weeks of preparation. Two weeks and three days lang ang time na ibinigay sa amin para mag-prepare kaya double time talaga ang lahat sa pag-practice. Kahit si Arianne at Seul hindi na namin masyadong nahahagilap dahil sobrang busy din nila as governor and vice governor of our department.

Dalawang araw lang ang event. Kaninang umaga yung contest lang na naganap ay yung mass dance and professional attire tapos ngayong hapon ang literary competition. Mamayang gabi naman ang musical competition kung saan isa ang mga kaibigan ko sa mga kalahok pati na rin si Reigan. Team Building naman ang ganap bukas ng umaga tapos sa gabi may magaganap na Mr. & Ms. College of Arts & Sciences.

Andaming ganap kaya nagrereklamo na si Arianne...

Hindi ko na rin masyadong nakakasama at nakakausap si Ry dahil ang palagi niyang kasama ay si Jo. Lagi kasi silang nagpa-practice for their vocal duet performance. Tapos pag hindi naman si Jo yung kasama niya, malamang yung propesor naman namin. Tss! Nakakainis rin talaga ang propesor na yun kahit kailan. Never talaga kaming nakapag-practice ni Ry para sa professional attire dahil everytime na mag-iinitiate ako na magpractice, laging sasabihin ni Angela na no need na daw magpractice. Kontrabida ampotek!

Mabuti nalang talaga, me and Reigan nailed it kanina during the presentation. Tapos na kasi kaming rumampa ni Ry kaninang umaga para sa category na professional attire and I'm so proud to say that we won earlier. Nakakamangha talaga siya kanina because she really sounds professional on the way she talks and smoothly answered the questions of the judges. Kami rin ang nanalo sa mass dance category kanina. Kaya proud na proud ako sa hubby ko dahil siya mismo yung nag-choreograph nung sayaw. Siya din nakaisip ng magandang concept nung mass dance namin na connected lang din sa inirepresent namin na profession.

As of now, we're currently watching the debate competition kung saan si Ry at Loren mismo ang dalawang representative nang grupo namin for this category.

"I'm sure panalo na tayo nito." Jondel confidently said which we agreed.

"Syempre! Si Ry-ry at Loren na yan eh." Johanna proudly said.

Si Loren at Yeonie kasi talaga ang pinakamatalino at pinaka-wais sa barkada. Kaya kapag may mga competition na utak ang labanan, silang dalawa talaga yung lagi naming ginagawang pambato. Supposedly, si Yeonie talaga dapat yung kasama ni Loren sa debate kaso ang gusto ni Yeonie ay sa quiz bowl lang daw siya.

Nasa third and last round na ang debate na nagaganap ngayon, which is the battle for champion and the battle between PEN MASTERS (third year) versus VITAL VANGUARDS (fourth year). I can say na hindi rin talaga madaling kalaban yung mga juniors namin lalo na at nasa batch nila ang mga magagaling rin at matatalino. Mga academic achievers kumbaga. That's the main reason why we pushed on having Reigan and Loren as our representatives because we really want to win. This is our last year in college at gusto naming bumawi. Gusto rin naming patunayan na hindi lang kami puro kalokohan lamang.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon