CHAPTER 34

542 19 0
                                    

🍃

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. These past few days kasi ay lagi nalang akong nahihilo at sumusuka tapos sumasakit din lagi ang ulo ko.

Hindi ko pa to nasabi sa mga magulang ko pati na rin kay Reigan at sa mga kaibigan ko. I'm scared, what if may sakit na pala ako?

Ngayon nga ay andito lang ako sa bahay ng parents ko. Wala kaming pasok dahil sabado ngayon. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kama at ramdam ko na naman na susuka ako kaya dali-dali akong tumakbo papuntang cr at dun sumuka. Suka ako ng suka pero wala naman akong maisuka, puro laway lang.

Hindi na talaga to maganda, lalo pa at nahihilo na naman ako. Nagmumog muna ako bago bumalik sa kama ko at humiga.

Kaagad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Reigan. Ayaw ko sana siyang istorbohin lalo na at nasa meeting siya ngayon pero hindi ko na talaga kaya to, natatakot na ako.

Wala pang five seconds ay sinagot na kaagad niya ang tawag ko.

"Love?" para akong naiiyak nang marinig ko ang boses niya.

Bakit parang naging emosyonal ata ako bigla?

"Nasa meeting ka pa ba?" tanong ko sa matamlay na boses.

"Yes, nasa meeting pa ako. Bakit? Okay ka lang ba? Bakit parang matamlay ka ata?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi ako nakasagot at hinayaan nalang ang sarili na umiyak. Ewan ko ba, hindi ko rin alam kung bakit ako umiyak. Basta tumulo nalang bigla ang luha ko.

"Hey, wifey. Why are you crying? Wait, okay ka lang ba talaga diyan?" mas lalo pa siyang nag-alala nang marinig ang pag-iyak ko.

"Daddy, may sakit ata ako..." humihikbi kong sambit.

"What? Bakit? Ano bang nangyari? Saan at ano ang masakit?" natatarantang tanong niya.

"Lagi nalang akong nahihilo at sumasakit din ulo ko tapos lagi rin akong sumusuka." umiiyak pa rin na sagot ko sa kanya.

"Wait, pupuntahan kita diyan." sabi niya.

"What about your meeting?"

"I don't care about the meeting, love. You're more important than this." aniya kaya yung iyak ko ay napalitan kaagad ng kilig.

"Papunta na ako diyan." dagdag niya saka binaba ang tawag.

Wala pang thirty minutes ng makarating siya dito sa bahay. Ang bilis niyang nakarating. Pinalipad ba niya kotse niya?

"Wifey, nahihilo ka pa rin ba?" agad na tanong niya ng makapasok siya sa kwarto ko.

Hindi ko siya sinagot at itinaas lang ang dalawang kamay ko signalling her na gusto kong magpakarga.

Kinarga niya naman kaagad ako bago siya umupo sa kama habang nakakandong ako sa lap niya. Para akong koala na nakayakap sa kanya. Sininghot-singhot ko rin ang leeg niya dahil namiss ko sobra yung amoy niya.

Ang bango~

"Alam na ba nila ni Tita to?" tanong niya sa akin habang nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya.

I really love smelling her, ang bango kasi...

"Not yet." sagot ko at marahan na kinagat ang kanyang leeg. Sinipsip ko ito kaya mahina siyang napa-ungol, she patted my head at hinaplos-haplos ang aking buhok saka dinampian ng halik ang aking ulo. Pagkatapos sa kanyang leeg ay hinalikan ko naman ang kanyang labi na agad niya ring tinugonan.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon