THIRD PERSON's POINT OF VIEW
Lahat ba talaga naging masaya sa pagmamahalan ni Shang at Reigan? Lahat ba talaga tanggap ang kanilang relasyon?
What if meron palang isang taong hindi natutuwa sa pagmamahalan ng dalawa? Isang taong nagkukunwari lang na tanggap niya pero deep inside hindi pala dahil masakit ito para sa kanya.
Masakit para sa kanya na makita niya na ang kanyang mahal ay may mahal ng iba. At ang taong mahal pa nito ay ang taong itinuturing niyang pamilya at kapatid.
Sa isang sulok ng madilim na bahay, nakaupo ang isang taong nagngi-ngitngit sa galit at nakakuyom pa ang mga kamao nito habang nakatitig sa mga larawan na kuha niya mula noong first encounter nila Shang at Reigan hanggang sa mga pangyayaring naganap kahapon.
Naitapon niya ang wine glass na hawak niya ng makita ang mga litrato ng magkasintahan kahapon sa opisina mismo ng mahal niya kung saan gumagawa ito nang milagro. Mas lalong kumulo ang dugo niya ng maalala ang mga nasaksihan niya kahapon.
Galit na galit dahil nagseselos siya. 'Ako dapat yun eh' ani ng isip niya.
Hindi niya matanggap na napunta sa iba ang taong mahal niya. Hinintay niya ito ng matagal pero sa iba lang pala mapupunta.
"Will you please stop doing this?" pakiusap ng babaeng kararating lang.
"What are you doing here again?" malamig na tanong nito sa babae.
"I'm here because I'm worried." sagot ng babae bago ito lumapit sa kanya.
"Dahil sa ginagawa mong ito, mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo." dagdag na saad ng babae ngunit hindi lang siya nito pinansin.
"Umuwi ka na." maotoridad na sambit nito.
"Kailan mo ba mare-realize na hindi ka na niya mahal?!" napataas ang boses ng babae na naging dahilan upang bumalik ang galit niya.
"SHUT UP!" galit nitong sigaw sa babae.
"Alalahanin mo na kasi ang lahat ng ala-alang nawala sayo para malaman mo kung sino talaga ang totoong mahal mo!" balik na sigaw ng babae sa kanya at ngayon ay umiiyak na ito.
"Ano ba dapat ang alalahanin ko, ha?! Isa lang naman ang naaalala ko eh at yun ay ang si Danielle ang mahal ko. At yun ang totoo!" sigaw din nito pabalik sa babae kaya napahagulgol nalang sa iyak ang babae.
"Pa'no naman ako? Wala lang ba talaga ako para sayo?" umiiyak na tanong ng babae sa kanya at napa-upo na ito sa sahig habang nakatingala ito sa kanya.
"Almost seven years na akong nagtiis at almost seven years na rin akong naghihintay sayo..." bakas sa tono nang pananalita ng babae ang sakit na kanyang nararamdaman.
She's a crying mess right now, pero wala siyang pakialam. Hindi niya forte ang lumuhod o magmakaawa sa ibang tao pero kung para sa taong mahal niya, kahit lumuhod siya araw-araw at maki-usap sa kanya ay okay lang.
"I love her so much even though I know that she's still in love with my bestfriend..." sabi ng babae sa kanyang sarili.
"I'm sorry if I can't reciprocate the love that you have given me all these years." yan ang sabi ng taong mahal niya sa kanya na mas lalong nagpa-iyak sa kanya.
"Akala ko tuluyan na siyang naka move on kay Dani, hindi pa pala. Pero syempre hindi pa rin ako susuko dahil alam ko naman sa sarili ko ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Hihintayin ko pa rin siya hanggang sa mapagod at maubos na ako dahil yun ang pangako ko sa kanya. I'm going to stay strong for the both of us and I'm not going to give up until death do us apart..." ani ng babae sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.