CHAPTER 19

650 22 0
                                    

☘️ REIGAN DANIELLE ☘️

Simula talaga nung nag-identity reveal ako, andami ko nang iniisip at hindi na ako nakakatulog ng mahimbing gagi.

Until now, hindi pa rin mawawala sa isip ko yung pakiusap ni Ed at mga pinag-usapan namin kahapon ni Shang. Hindi pa nga ako masyadong nakatulog kakaisip lalo na sa kapatid ko.

Posible talagang may alam si Ed tungkol sa mga nangyayari kay Kalin. Hindi naman siya makikiusap ng ganun sa'kin kung walang problema kapatid ko eh.

Ano ba yan! Ang sama ko namang kapatid. Buti pa ibang tao may alam tungkol sa kapatid ko, samantalang ako wala.

Hays...

Sabado nga pala ngayon, walang pasok ang all. Pwera nalang sa'kin na may sandamakmak na gagawin at kaliwa't kanan ang trabaho. Pero dahil tinatamad ako ngayon, e bahala na muna yang mga trabaho ko diyan, matuto silang maghintay.

Nawawala na ang pagiging productive ko dahil sa dami kong iniisip na problema. Kaya nga heto ako ngayon, imbes na papasok sa trabaho e nanatili lamang ako na nakahiga dito sa aking kama. Kahit sa pagtayo ay tinatamad na ako.

I need my energy booster, my wifey, my Shang...

Ako lang ata itong chairman and president ng business company na tamad pumasok.

Tamad kong kinuha ang phone ko nang mag-ring ito. "Hello?" I answered. Mukha akong lasing sa boses ko gagi.

"Tangena mukha kang nasawi sa pag-ibig dahil sa boses mo. Are you drunk?" si Kenny pala to, pinsan ko.

"Wala ka pa bang balak pumasok sa trabaho mo dito sa ospital? Nakalimutan mo na ata duties and responsibilities mo dito, couz."

"Ikaw na bahalang mamahala diyan, pinsan. Kaya mo na yan, malaki ka naman na." sabi ko sa kanya.

"Siraulo ka!"

"Wag kang mag-alala, ibibigay ko sayo ang position ko as hospital director." mas deserve naman ni Kenny ang posisyon na yan kasi siya ang bumuhat ng hospital nung mga panahong wala ako at nagka-problema ito.

"Alam mo, kahit wag na! Gagi ka, dadagdagan mo pa talaga responsibilidad ko. Papano pa ako mag-aasawa nito?" natawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya.

"HAHAHAHAHA asawahin mo nalang yung professor ng pediatric department."

"Hoy, gago! May asawa na yun!"

"HAHAHAHAHA ay may asawa na pala yon?"

"Ewan ko sayo! Pero seryoso couz, ayoko talagang umabot ako sa point na magkaka-apo ka nalang, tapos ako wala pa ring asawa."

Yan na ata pinakamalaking problema sa buhay niya. E mine niyo na nga yan para matapos na problema niyan. No girlfriend since birth yang pinsan ko dahil masyadong focus yan sa pag-aaral dati at sa pagtatrabaho.

"Sige na, ikaw na bahala diyan. Thank you pinsan. I love you mwah!" nakangisi ako habang sinasabi yun, naiimagine ko na kasi yung reaction at maasim niyang mukha.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon