CHAPTER 16

840 29 0
                                    

☘️

"D-Dada?" gago? ano daw?

"Dada?! Hoy! Sino ka ba? Bakit ka andito sa bahay namin? Anong ginagawa mo dito? Atsaka anong sabi mo? Dada? Hindi ako na inform na may anak na pala ako ngayon." nawindang talaga ako sa tinawag niya sa'kin.

"Dada..." mahinang sambit niya habang nakatitig pa rin sa'kin.

Ano bang pinagsasabi nito?

Nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang balikat pati na rin ang pisngi ko.

"Dada ako to. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako to Dada. Tsaka bakit tayo andito sa bahay ni mommyla? Pumunta ba tayo dito kagabi habang tulog ako tapos hindi ko lang namalayan dahil sa sobrang pagod ko?" sunod-sunod niyang tanong.

Tangina sino ba to? At anong sabi niya, mommyla? Si mommy ba tinutukoy niya?

Iwinaksi ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. "Hindi ako ang Dada mo. Jusmeyo ka! Mukha ba akong tatay mo? Atsaka, wala pa akong anak noh!" sambit ko.

Napailing naman siya na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"P-p-pero..." para siyang natataranta habang inililibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid.

Kalauna'y na realize na niya siguro yung kagagahan niya dahil nanlaki nalang bigla ang mga mata niya.

"Ah s-sorry po. N-Nagkamali lang po ako, pasensya na. Dala lang po siguro to ng gutom kaya kung ano-ano nalang nakikita at pinagsasasabi ko. Nagugutom na po kasi ako eh." pambihira tong taong to! Sino ba to? Kaibigan ba ni Hanse to o ni Kalin?

Halaaaaa! Pucha! What if ka one night stand to ni Kalin? Aguy kang Yelo ka!

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Uhm..." hindi siya nakasagot at nag-iwas lang ng tingin.

"Isa ba sa mga kapatid ko ang kaibigan mo?" tanong ko ulit sa kanya habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

Pero alam niyo, medyo familiar ang kanyang mukha. At medyo magkamukha rin kami. Yung hulma kasi ng mukha niya, pareho sa'kin eh. Tapos yung mata niya pareho rin sa'kin.

Gago? May anak na ba ako pero hindi ko lang alam? Hindi naman siguro ako nananaginip ngayon noh?

"Opo, s-si tita I mean si Kalin po." she replied.

Iginiya ko siya sa dining room para mawala na yung gutom niya. Mabait naman akong tao noh. Kahit sinong nangangailangan ng tulong ay tutulungan ko at dahil gutom ang batang ito ay papakainin ko. Napaka-delikadong magutom ng batang 'to, kahit ano-ano nalang ang pinagsasabi. Nawindang kaya ako ng sobra sa pagtawag niya sa'kin ng Dada kanina. Ikaw ba naman tawaging Dada ng isang taong hindi mo kilala.

Gutom na gutom nga siguro talaga siya dahil lamon lang siya ng lamon. Ako naman ay pinagmamasdan lang siya habang kumakain. Kaninong anak kaya to?

"Bakit mo ko tinawag na Dada kanina?" tanong ko sa kanya.

"Gutom lang po talaga ako atsaka kamukha mo rin kasi ang Dada ko eh. Kaya napagkamalan po kita na Dada ko." sagot niya.

Shutacca beh! Baka ako ang Dada mo ha?!

"Kilala mo ba ang Dada mo?"

"Opo. Na miss ko na nga po siya eh. Siguro yun din po ang isang dahilan kung bakit natawag kitang Dada kanina. Kamukha mo po kasi talaga siya eh."

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko at napansin ko naman na napahinto siya sa pagsubo ng pagkain dahil sa pagtanong ko ng pangalan niya.

Ano yun, hindi niya alam pangalan niya?

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon