CHAPTER 22

599 23 3
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃

Curious talaga ako sa kung anong sinabi ni Reigan kina mommy kahapon at kung ano ang pinag-usapan nila. Tinanong ko sila pero tanging ngiti lang ang sagot nila sa'kin.

Sa sobrang curious ko, hindi ako masyadong nakatulog kagabi pag-uwi galing sa gala naming magbarkada. Sumagi kasi sa isipan ko yung biglaang pagtili ni mommy kahapon na animo'y sobrang saya dahil may natanggap na magandang balita.

Sa bahay lang ako ng mga magulang ko natulog kagabi at si Ry mismo naghatid sa'kin pabalik pagkatapos ng gala. Gusto nga sana nila mom na sa bahay nalang din matulog si Reigan kagabi eh, ngunit tumanggi yung isa dahil may aasikasuhin pa daw siya.

Kasalukuyan ko nga palang tinatahak ang daan patungong parking lot ngayon dahil malamang uuwi na ang pipino. Isang oras lang ang naging klase namin kay Professor Lloren ngayong hapon dahil may importante daw siyang lalakarin kaya maaga niya kaming dinismiss.

Yung mga magaganda kong kaibigan, iniwan ako at hindi ko alam kung saang lupalop na nang mundo inilagay ng panginoon ang mga yun. That is why, mag-isa ako ngayon. Ang tahimik talaga ng paligid ko kapag wala yung mga kaibigan kong madaldal at maingay.

Pagkarating ko ng parking lot ay agad akong napahinto sa paglalakad nang makita si Reigan na prenteng nakatayo with her arms crossed sa gilid ng sasakyan niya. I thought she's busy right now. Bakit andito 'to? Ako ba hinihintay nito?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, akala ko hindi niya ako napansin pero tinawag niya ako. "Love!" heto na naman tayo sa pa-endearment niya na yan, kung hindi wifey, love naman ang tawag niya sa'kin. Hays! Uminit tuloy mukha ko.

Lumapit siya sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko. "Let's go." ani niya na ikinapagtaka ko.

Hindi pa man ako nakapagsalita ay hinatak na niya ako papunta sa kotse niya at hindi na nakapalag pa nang inalalayan niya ako na makapasok na sa kotse niya.

My eyebrows furrowed. "Where are we going?" takang tanong ko. Yung itsura niya, mukha siyang magbabakasyon.

"We're going somewhere." sagot niya habang tinutulungan ako na magsuot ng seatbelt.

"Saan nga?" tanong ko pagka-upo niya sa driver's seat.

"Basta." tanging sagot niya lang kaya tinitigan ko siya ng masama.

"I'm not going with you kung hindi mo sasabihin kung saan tayo pupunta." pagmamatigas ko saka humalukipkip at itinuon ang paningin sa labas.

Napakamot siya sa kanyang batok.
"Sa Mindanao." ikling tugon niya.

Namilog ang mga mata ko at ngangang napalingon sa kanya. "What?! Ang layo nun!" seryoso siya? dadalhin niya talaga ako dun eh ang layo nun!

Pansin ko, ibang klaseng jeep wrangler na naman gamit niya. Kulay yellow ito, I thought black and white lang ang meron siya 'cause that's her favorite color pero may yellow din pala. Favorite niyang klaseng sasakyan talaga is jeep wrangler which is very cool for me. Ang astig ng taste niya sa mga sasakyan sobra.

"Ano ba gagawin natin dun?" tanong ko ulit.

"May importante akong gagawin dun." sagot niya at nagsimula ng magmaneho.

Importanteng gagawin huh! Importante ba talaga? Para-paraan din talaga tong bampira na to eh.

"Eh, bakit kailangang kasama pa ako?" tanong ko ulit. Bahala talaga siya kung makulitan siya sa akin kakatanong.

"Because you're my wife.." napanganga ako sa sinabi niyang iyon at hindi kaagad naka-imik. Speechless ako dun ah.

Na feel ko rin ang pag-iinit ng mukha ko kaya dali-dali akong bumaling sa bintana. Putek, ayokong makita niyang namumula ang mukha ko noh. Baka isipin pa niyang malakas epekto niya sa akin. Makapal pa naman mukha nito.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon