🍃
"Shang! Shang! Gumising ka na diyan!" naalimpungatan na naman ako dahil sa boses ni Arianne na sobrang lakas.
Ito na naman siya, lagi nalang talaga...
"Ano ba, Mo! Lagi ka nalang talagang ganito!" iritado kong sambit habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Inaantok pa talaga ako, gusto ko pang matulog. Punyawa talaga to si Arianne at kinareer na pagiging alarm clock niya.
"Gising na kasi." dinaganan pa talaga ako ng gaga.
"Bakit ba kasi?!" bulyaw ko.
"Dahil andito si Ry-ry at sinusundo ka." kaagad akong napabalikwas ng bangon dahil sa sinabi niya.
"Ano?!" napatakip agad siya sa kanyang tenga dahil sa pagsigaw ko.
"Andito si Ry-ry, kaya mag-ayos ka na diyan dahil ihahatid ka raw niya sa school." hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at kaagad ng pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos.
"Hindi halatang excited ka Sang ah." rinig kong sabi ni Arianne sa labas ng pintuan ng banyo.
"Manahimik ka diyan." tumawa lang ang kumag.
Pagkatapos maligo at makapagbihis ay bumaba kaagad ako sa sala. Si Reigan kaagad ang bumungad sa akin na naka-upo sa sofa habang nakangiting pinagmamasdan ako.
"Good morning, wifey." nakangiting salubong niya sa akin sabay yakap sa'kin at halik sa noo ko.
"Sanaol may payakap at pa good morning kiss sa forehead." naiinggit ang Arianne guys HAHA
Tinignan ko si Arianne na nakasandal sa dingding habang nakahalukipkip. Mapang-asar ang ngiting pinupukol niya sa amin ni Ry bago niya kami tinalikuran.
I rolled my eyes before I looked at Ry again. "What are you doing here?" malumanay kong tanong sa kanya.
"Sinusundo ka. Ako na maghahatid sa'yo sa school. Tara na?"
"But, I haven't eaten breakfast yet." pigil ko sa kanya.
"Dun nalang tayo mag-breakfast sa Rin Café."
"Okay." bago kami umalis ay nagpaalam muna kami kay Yeonie, Loren, at Arianne.
"Hoy, tokwa! Ingatan mo yan si Shang kung ayaw mong sikmuraan kita!" I let out a soft chuckle when Yeonie shouted those words from the kitchen.
"Napaka-OA." sambit ni Ry. Mahina lang pagkasabi niya nun at ako lang ang nakarinig.
"Oo na, bespren!" Ry said sa malakas na boses.
Paglabas namin ay dumiretso kaagad kami sa kanyang sasakyan. I smiled when she opened the car door for me. Such a gentlewoman. I like her car tho, kasi it's a jeep wrangler. Tapos ang bango pa sa loob. Kung ano amoy niya, ganun rin ang loob ng kotse niya.
"Don't tell me, araw-araw mo na rin akong sunduin at ihahatid?" tanong ko sa kanya nang magsimula na siyang magmaneho.
"Yes, that's my plan. Bakit ayaw mo ba? Sawa ka na siguro sa pagmumukha ko wifey noh?" magdadrama na naman to, nagtatanong lang naman ako eh.
"It's not like that. Alam ko kasing busy ka kaya hindi mo na kailangan na ihatid sundo mo pa ako." andami kasing trabaho ng bampira na to as in sobrang busy niya talaga pero hindi niya lang pinahalata. Okay lang naman sa akin na hindi na niya ako ihatid sundo pa. Hindi naman kasi pwede na nasa akin nalang palagi yung oras at atensyon niya.
"Isasantabi ko mga trabaho ko para sayo, wifey." medyo na shock ako kasi hindi ko akalain na mas uunahin niya pa ako kesa sa trabaho niya.
"Atsaka isa pa, nangako ako sa mga kaibigan mo na poprotektahan kita at hindi ko hahayaan na mapahamak ka." dagdag niya. My gosh yung puso ko nagwawala na. Pero di naman na niya ako kailangan na protektahan at bantayan palagi, as if naman mapapahamak ako.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.