🍃SHANG YAMAZAKI🍃
Tatlong linggo na ang nakaraan mula nung pumunta kami ni Reigan sa Dinagat Islands. Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula nung nag confessed siya sa akin na mahal niya ako. And it's been three weeks na rin that I haven't seen her.
Mula nung makauwi kami galing sa probinsya ay hindi ko na ito nakita. Ni hindi siya nagparamdam, hindi na siya sumusulpot sa school at mas lalong wala siyang sinabi sa akin na kahit ano after she texted me I'm sorry nung gabing hinatid niya ako sa bahay.
Alam kong nasaktan ko siya dahil wala akong imik nung nag confessed siya sa akin, dagdag pa na iniwan ko nalang siya bigla at hindi ko na siya inimik pa hanggang sa makabalik kami dito sa Maynila, pero kasi nabigla lang ako that time at ang gulo ng isip ko tapos hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.
Pa'no ba naman kasi, yung mga confessions niya that time parang bomba na pinasabog niya ng sabay-sabay. My silence at that time doesn't mean that I don't have feelings for her or hindi ko siya mahal, because I do, I do have feelings for her already. Mahal na mahal ko na siya matagal na.
Nakakainis talaga ang bampirang yun!
Hindi ko akalain na ang taong hinihintay ko at si Reigan ay iisa. Remember what I've told you before? Na may hinihintay ako? Yung taong hinihintay ko ay ang taong sumagip sa aming tatlo nang mga magulang ko.
I can't believe na si Reigan pala yung nag buwis ng buhay nung time na yun para masagip lang kami nang mga magulang ko.
Nung gabing nawalan ng preno ang sasakyan ng parents ko ay andun rin ako. Kasama nila ako nung time na iyon at nasaksihan mismo ng mga mata ko kung paano iniharang ni Reigan ang kotse niya para walang masagasaan si dad. Mabuti nalang talaga hindi mabilis yung takbo ng kotse namin kasi kung mabilis yun, baka nung iharang ni Ry kotse niya at nagkabanggaan, baka tumilapon kotse niya kasama siya.
Kung hindi niya ginawa yun, baka wala na ako at ang mga magulang ko ngayon. At baka nakapatay na rin si dad ng mga inosente na hindi niya sinasadya dahil sa insidenteng iyon.
I'm really thankful sa ginawa niya. Kaya pala ang gaan ng loob ni mom and dad sa kanya nung ipinakilala ko siya sa kanila.
How could I forget the face of the person who saved our lives?
Ang gusto ko lang talaga ngayon ay makita si Reigan at sabihin sa kanya kung gaano ko siya ka mahal, na siya yung taong tinutukoy ko na hinihintay ko.
Nasaan na ba kasi ang bampirang yun?
Tinanong ko sila ni Wenslith at si Johanna kung may alam ba sila kung nasaan si Ry dahil baka nasabi niya sa kanila pero hindi nila alam kung nasaan ito. Kahit si Yeonie ay hindi rin alam kung nasaan ito.
Nagsisi na ako na wala akong naisagot sa kanya nung time na yun. Sana pala kinausap ko siya nung inihatid niya ako sa bahay bago siya umalis.
"Why are you alone?" natigil ang pag-iisip ko ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Ang cold ng boses niya, parang alam ko na kung sino to.
"Dahil nag-iisip ako. Iniisip ko kung saang lupalop ng mundo nailagay ang kapatid mo." sagot ko sa kanya.
"Do you have feelings for her already?"
"Oo, at pakisabi dun sa kapatid mong mas maputi pa sa bampira na magpakita na siya sa akin dahil alam kong umiiwas siya sa akin eh. At sabihin mo rin na kung gusto niya talaga akong asawahin ay magpakita siya kung ayaw niyang sagutin ko ang isa sa mga manliligaw ko." sabi ko sa kanya na may bahid ng pagbabanta.
"The reason why she's not here is because she's busy. May business trip siya dun sa Macau at South Korea. At may mga vip patients din siyang kailangang asikasuhin dun sa Slovenia kaya wala siya these past few weeks." business trip huh!
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.