☘️ REIGAN DANIELLE ☘️
Success! HAHAHAHA success ang plano HAHAHAHA! Sabi sa inyo eh, kung hindi ko lang siguro ginawa yun, paniguradong hanggang ngayon hindi pa rin aamin si Shang.
Worth it yung pagtitiis ko na hindi siya makita at maka-usap. Well, aaminin ko na sa tatlong linggong hindi ko nakasama si Shang ay sobrang namiss ko talaga siya. Namiss ko rin siyang asarin.
Pero syempre hindi naman porket wala ako sa tabi niya ng tatlong linggo ay hindi ko na alam kung ano pinaggagawa niya.
Mabuti nalang pumayag ang kapatid kong yelo tsaka si Ed na bantayan si Shang, kaya, updated ako sa kanya palagi. Kaya alam ko rin na hinahanap ako ni Shang. Sinabi pa nga na kung hindi daw ako magpakita ay sasagutin daw niya isa sa mga manliligaw niya. As if namang papayag ako.
Hindi ko rin talaga akalain na tatlong linggo akong mawawala. Kasi naman akala ko business trip lang mangyayari, hindi pala.
After ko kasi sa Macau at Korea ay pumunta akong Slovenia dahil yung tatlong vip patients ko ay inatake na naman sa mga sakit nila. Kaya no choice ako kundi ang pumunta. Syempre importante din sila at importante din talaga para sa mga doctor na unahin ang buhay ng pasyente nila.
Hays! Hindi ko talaga inexpect na sa pagbalik ko ay aamin si Shang, kaya sobrang saya ko ngayon.
"Ang saya mo ah." sabi ni Shang, nakangiti kasi ako habang nagmamaneho.
"Wag mo nalang akong pansinin, love. Kinikilig lang ako."
"Ang cringe, Ry!" ito naman si wifey, kinikilig yung tao tapos babarahin.
"Saan ba kita ihahatid, love?" I asked her.
"My parents' house."
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating na kami sa bahay ng parents niya.
"And we're here." sambit ko ng ihinto ko ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay nila.
"Thank you." wika niya at lalabas na sana pero pinigilan ko siya. Hindi pwedeng walang goodbye kiss noh!
"Why?" takang tanong niya kaya ngumuso ako.
"Yung kiss ko." natawa naman siya sa sinabi ko.
"Gusto mo?" tanong niya. Yung boses niya parang nang-aakit tapos nakangiti pa ito. Agad naman akong tumango syempre.
Gagi, guys! Mamamatay na ata ako...
Shang cupped my face at hinalikan ako sa labi. Tutugon na sana ako sa halik niya kaso bigla naman niyang ihiniwalay labi niya sa labi ko.
Gagu?
"Ayyyyy, wifey naman eh! Napaka-daya mo naman eh!" reklamo ko at nagdabog. Tawa naman siya ng tawa dahil sa inakto ko.
Saya yarn?
"Ulitin mo talaga yun. Ulitin mo. At dapat dalawang matagal na halik ang ibigay mo sa akin." parang batang sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya natigil sa kakatawa.
"At bakit naman dalawa?" taas-kilay na tanong niya.
"Goodbye kiss at goodnight kiss kasi." sagot ko kaya natawa siya ulit.
"Hindi ka talaga makakalabas sa kotse na to pag hindi mo ko bigyan ng dalawang kiss." I added, crossing my arms while pouting.
"Okay, fine." she said at hinawakan muli ako sa mukha. She kissed me again and this time agad ko na siyang hinalikan pabalik. Our kisses lasted for 30 seconds. Goodbye kiss palang kaya yun.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.