☘️
"Ralzzhan Seramuelle Geraldino!" tawag nung taong kadarating lang sa malakas na boses.
"Ate Kenny?"
Patay!
Yung ate ni Hanse!
"Oh, I didn't know that you have visitors in here." nakangiting sabi niya habang papalapit sa gawi namin.
"Hi, guys. Hi, Professor Lloren." bati niya sa'min.
"Good evening, doctor." bati sa kanya pabalik ni Ms. Lloren
"Hi, doc. Good evening po." sabay na bati nang Mars Squad at napangiti naman ang doktor.
Tahimik lamang akong pinagmamasdan siya not until mapadako ang tingin niya sa akin na ikinakaba ko nang todo.
Shit.
"Oh, wait! You're here!" masiglang sabi niya at itinuro ako that made my eyes widened and I froze on my spot.
No! Not now!
"Y-you know her, ate?" nauutal na tanong ni Hanse sa kanya habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa.
"Yeah. I didn't know that you are friends." sagot niya
Putek! Gusto ko nang umuwi...
Ayoko na dito...
Halos hindi na talaga ako makagalaw dahil sa kaba...
"You know, what? You are really familiar to me." sabi niya sa akin habang sinusuri ako. At halos mawalan ako nang hininga nang tinitigan niya ako nang mabuti sa aking mga mata tapos sobrang lapit pa nang mukha niya. As in sobrang lapit talaga na kulang nalang mag-kiss na kami.
"Parang kilala kita." mahinang sambit niya na mas lalong ikinakaba ko.
"Ate, I think y-you need to stop that n-now. She's already uncomfortable." saway ni Hanse sa ate niya at inilayo ito sa'kin kaya medyo nakahinga ako nang kunti.
"Oh, I'm sorry. I-i didn't m-mean to make you uncomfortable. It's j-just y-you look like someone na sobrang miss na miss ko na talaga." saad niya sa medyo malungkot na boses.
"I think we need to go. Hanse, thank you again for inviting us here. But, me and Reigan needs to go home now. Let's go, hubby." Shang said saka hinawakan ang kamay ko at bago pa man makapagsalita si Hanse ay nahila na niya ako palabas. Dahil nga hindi pa ako masyadong naka-recover dun sa ginawa nung ate ni Hanse ay hindi na ako nakapag-react pa sa ginawa niya at hinayaan ko na lamang siya kung saan niya ako dadalhin.
Narinig ko pa ang pagtawag nang Mars Squad at ni Ms. Lloren kay Shang.
"Yamazaki, where are you going?"
"Sang, hintayin niyo kami."
Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya ay walang pagdadalawang-isip na pinasibad kaagad niya ang kanyang kotse.
"Why did you do that?" wala sa sariling tanong ko sa kanya
"What?"
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.