☘️
It's our third day here in Cagdianao, Dinagat Islands. Ngayon nga ay pupuntahan namin ang isa sa sikat na destinasyon dito sa Cagdianao, ang Red Mountain na merong 1,200 steps. Para kami nitong aakyat sa langit, mukha kasi siyang stairway to heaven.
Nagdala lang kami ni Shang ng extra na damit atsaka tatlong chichirya at limang bottled water. Sinadya ko talagang magdala ng maraming tubig dahil baka mahimatay nalang kami bigla, wala pa namang medic doon sa pinakatuktok.
"Ready?" tanong ko kay Shang.
She nodded. "Yup."
Pagkasabi niya nun ay agad na kaming nagsimulang umakyat sa hagdan. Hagdan kasi ito na may 1,200 na steps. Buti nalang at hindi masyadong mainit ang panahon dito ngayon.
Nagbibilang lang ako sa isip ko kung nakailang steps na ako para hindi kaagad ako mapagod. Nasa 500 steps palang ako pero nakaramdam na ako ng pagod kaya huminto muna ako saglit.
Lumingon ako sa likod para tignan si Shang ngunit paglingon ko ay wala siya.
Paglingon ko ulit sa aking harapan ay nakita kong nasa unahan ko na pala siya.Gagi, na una na siya sa akin?
Nasa likod ko lang kasi siya kanina at nakasunod lang sa akin. Ganun ba ako ka-focus sa pagbibilang kanina para hindi ko mapansin na nauna na pala si wifey sa akin?
"Love, saglit lang." tawag ko sa kanya at napahinto naman siya.
"Why?"
"Hinto muna tayo saglit." sabi ko sa kanya habang humihingal. Grabe, nasa kalahati palang ako pero para na akong aso na nauuhaw.
"Uminom ka kaya ng tubig. Nag dala ka pa kung hindi mo lang rin naman iinumin." sabi sa akin ni Shang.
Oo nga pala, may dala nga pala akong tubig. Iba talaga ako mapagod dahil nagiging lutang ako.
"Ang bilis mo namang mapagod. Ganun ba talaga kapag tumatanda na?" napahinto ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi niya.
Grabe naman...
"Uy sobra ka naman, wifey." ngunit tinawanan niya lang ang sinabi ko.
After an hour ay nakarating din kami sa pinakatuktok. Grabe, nagmistula na akong pagong at gumagapang na ako paakyat makarating lang sa tuktok. Bilib ako kay wifey, kung ako hirap na hirap ng magpatuloy sa pag-akyat, siya naman chillax lang habang binabagtas ang daan paakyat ng langit. Pinagtawanan pa nga niya ako nang makita ang sitwasyon ko.
Pero kahit sobrang nakakapagod ay masasabi ko naman na worth it rin ang pagod nang makarating kami sa tuktok ng bundok. Sobrang wow talaga at napakaganda ng view. Si Shang naman ay napa-wow nalang din dahil sa pagkamangha. Ang presko din ng hangin dito. Kita namin ang mga kabahayan at buong municipality ng Cagdianao.
"So beautiful." manghang sambit ni Shang.
"I want to go back here again, Ry. Pero gusto ko kasama na natin ang Mars Squad sa pagbalik natin dito." dagdag niya at tumingin ito sa akin ng nakangiti.
Yan din talaga ang plano ko at gusto ko rin na libutin namin ang buong isla sa pagbalik namin dito kasama ang Mars Squad. Gusto ko rin mag-island hopping kasama sila. Sobrang dami kasi talagang magagandang destinasyon dito sa Dinagat sadyang hindi lang namin mapuntahan ngayon ni Shang dahil 4 days lang ang paalam ko sa parents and instructors niya na excuse siya sa klase.
I know na magugustuhan talaga nang Mars Squad ang probinsya na ito dahil hindi familiar sa kanila ang lugar na ito at hindi nila alam na nag-eexist pala ang napakagandang lugar na ito. May nabanggit kasi sila Jo sa'kin dati na gusto daw sila mag-adventure sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanila.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful Target
HumorIII (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.