CHAPTER 21

605 22 2
                                    

☘️ REIGAN DANIELLE ☘️

Nasa opisina lang ako mula kaninang 1 PM. Gusto ko nga sanang pumasok kanina sa classroom nila Shang kasi nabo-bored ako kaso hindi ako pinapasok ng kaibigan kong mukhang mambabarang na si Angela. Kaya heto ako naghihintay na mag alas tres.

Hindi ako nakapasok dito sa school mula kahapon hanggang kaninang umaga at ngayong hapon lang ako nakapunta dito dahil na busy ako tungkol dun sa issue ng SE7EN. Then tinapos ko rin lahat ng gagawin na hindi ko nagawa nung weekend sa company and hospital. Lahat ng paperworks na kailangan e check at permahan ay tinapos ko na lahat para wala na akong iisipin o poproblemahin. At para na rin I can spend a lot of time with my wife, miss ko na kasi siya sobra.

Hanggang 3 PM lang ang klase ni Shang kaya pagpatak ng 3 PM ay agad na akong lumabas ng aking opisina.
Mang-iistalk muna ako sa aking asawa. Nalaman ko kasi kay bespren na wala itong dalang kotse ngayon at sa bahay ng mga magulang niya siya uuwi kaya naisipan ko siyang ihatid. Gusto ko rin kasing ma-meet ang parents niya. At syempre, gusto ko rin bumawi kay wifey. Nabanggit kasi ni Tatiana na nagtatampo raw ito sa'kin dahil hindi ko siya nasundo at nahatid kahapon, dagdag pa na hindi ko rin siya nasabihan na hindi ko siya masundo.

5AM na ako nakauwi kahapon at pag-uwi ko galing sa mansion nila wifey ay dumiretso na kaagad ako sa work. Itinuon ko talaga buong atensyon ko sa trabaho at sa sobrang focus ay hindi ko na nagawa pang buksan ang phone ko that's why nakalimutan kong sabihan si wifey. Hindi ko na nga nagawang ipagluto siya ng lunch niya eh.

Pagkarating ko sa hallway ng CAS Department building ay sakto rin na makakasalubong ko ang Mars Squad kaya dali-dali muna akong nagtago.

"Sure ka ba talaga na ayaw mong magpahatid sa amin, Sang?" rinig kong tanong ni Arianne.

Sumilip ako nang kaunti para makita sila. "Oo nga. Kanina mo pa yan tinatanong eh." nababanas na sagot ni Shang.

"Ingat ka, mareng." saad ni Ericka kaya napatakip ako sa aking bibig, natatawa kasi ako. Yung mga itsura ng Mars Squad, mukha silang mga kamag-anak na inihatid si wifey sa airport dahil mangingibang bansa ito.

"Kung maka-ano naman kayo para namang nasa ibang bansa ang bahay ng parents ko." sabi ni Shang kaya hindi ko na mapigilan na hindi mapahagikhik.

Donchu worry, guys. Andito ang pogandang asawa ng kaibigan niyo na handa siyang samahan kahit saan man siya magpunta...

Nang marinig kong papalayo na sila ay kaagad na akong pumunta ng parking lot para kunin ang kotse ko. Pagkarating ko ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon papunta nang main gate.

Saktong pagkarating ko sa may gate ay nakita kong nakatayo ang asawa ko habang busy sa kanyang cellphone at mukhang naghihintay ng taxing masasakyan. Huminto ako sa harapan niya at binuksan ang bintana.

"Hop in, Love." sabi ko na sakto lang na marinig niya. Inangat niya ang kanyang paningin at ganun na lamang ang aking paglunok ng tapunan niya ako ng masamang tingin.

"No thanks." pag-tanggi niya. Ay? Mukhang delikado ata ako ngayon ah. Baka nagtatampo pa rin ito sa akin hanggang ngayon. Suyo malala talaga ako nito.

"Sige na, wife. Baka kung ano pang sasabihin ng parents mo dahil hindi ka hinatid ng asawa mo." nakangising wika ko but she just rolled her eyes.

"Whatever! Umalis ka na nga! Ayokong makita pagmumukha mo dahil nagtatampo ako sayo!" parang bata na sabi niya. Napangiti ako saka dali-daling lumabas sa kotse ko at nilapitan siya.

I cupped her cheeks at pinagkatitigan siya sa kanyang mga mata. "I'm sorry, love. I'm sorry kung hindi kita nasundo at naihatid kahapon. Tinapos ko kasi lahat ng gagawin ko sa opisina para wala na akong alalahanin pa and so that I can spend a lot of my time with you. I'm sorry kung hindi kita nasabihan agad. Sa sobrang focus ko kasi sa trabaho ay hindi na ako nagkaroon pa ng oras na buksan ang cellphone ko. Kaya sorry po, don't worry babawi ako sayo ngayon at sa mga susunod pa na araw. Kaya wag ka nang magtampo, 'kay?" malambing kong sambit saka dinampian ng halik ang kanyang noo.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon