CHAPTER 29

543 21 0
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃

Ang aga kong nagising ngayong araw na to. Feel ko tuloy maging productive. Ganito ba pag in love? Excited gumising sa umaga.

Jeez, aga-aga ang cringe...

Napangiti nalang ako ng maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko akalain na nakapag-confess ako kay Reigan kagabi dahil sa inis.

Natawa nalang ako ng sumagi sa isipan ko ang kakulitan ni Ry kagabi. Ang kulit niya talaga sobra. Parang hindi 30 years old kung umasta.

Hindi ko makalimutan ang napaka-cute at napakagandang ngiti niya kagabi sa akin. Ang ngiti niya na isa sa mga dahilan kaya ako na in love sa kanya.

Kahit sino talaga mafo-fall sa ngiti niya. Subukan niya lang talagang ngumiti ng ganun sa ibang babae, bibigwasan ko talaga siya.

Bigla namang sumagi sa isipan ko ang halikan namin kagabi kaya uminit ang mukha ko. Napaka-abusado talaga ng bampirang yon.

Ay! Muntik ko ng makalimutan, plano ko nga palang ipaalam kay Loren at Jo ang tungkol sa amin ni Ry baka magtampo ang dalawang yon.

Kinuha ko ang cellphone ko para e chat ang dalawa. Tutal alam naman na ni Yeonie at Arianne kaya sasabihin ko nalang din sa dalawa. Sila lang muna at mamaya ko na sabihan ang iba kong kaibigan tungkol sa relasyon namin ni Ry.

-

Johanna Almario
Active now

6:10 AM

Jo, may sasabihin ako sa
inyo ni Loren mamaya.
Dun nalang sa favorite
kong tambayan. Punta
kayo doon.

6:11 AM

Okay. Ano ba sasabihin
mo?

Basta. Mamaya sasabihin
ko sa inyo ni Loren.


-

Sunod ko namang chinat ay si Loren

Loren Takahashi
Active now

6:13 AM

Ri, may sasabihin ako sa
inyo ni Jo mamaya. Dun
nalang sa favorite kong
tambayan. Punta kayo
doon.

-

After kong e chat ang dalawa ay bumangon na ako para maligo at magbihis. 6 AM palang naman tapos ang klase namin ay mamaya pang 8 AM.

Gusto ko nga sanang hindi muna bumangon sa kama kaso mas maganda kung maaga akong pumasok para walang mag-aabang sa akin na mga students sa gate.

Ginising ko na rin ang tulog mantika na si Arianne, I forgot na dito pala natulog ang babaeng 'to. Nagreklamo pa nang ginising ko siya dahil sobrang aga pa raw.

7:20 AM nang makarating kami ni Arianne sa school. Hindi muna kami pumunta sa classroom at dumiretso na sa favorite kong tambayan, ang garden sa likod ng CAS Department building.

"Alam ko namang masaya ka dahil official na kayo ni Ry-ry, Sang. Alam ko rin na excited kang makita siya today kaya ang aga mong nagising. Pero sana naman hindi mo na ako dinamay, antok na antok pa ako oh!" halata talagang inaantok pa si Arianne dahil sa tono nang pananalita niya, nakapikit pa nga habang naglalakad at mukha siyang lasing na zombie sa itsura niya.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon