CHAPTER 10

876 27 1
                                    

🍃

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa mabigat na kamay na dumapo sa aking pisngi. Literal na naalimpungatan talaga ako dahil sa lakas nung sampal. Ang sarap ng tulog ko eh.

"Oh my gosh! Sang, okay ka lang?" mukha ni Arianne na nag-aalala ang tumambad sa akin ng maalimpungatan ako dahil sa sampal.

Sandali, totoo ba yun o panaginip ko lang. Ang sakit ng pagkasampal ha.

"Okay lang ako. Sandali, sinampal mo ba ako?" tanong ko sa kanya kasi feeling ko totoo talaga yung sampal eh. Ang himbing ng tulog ko tapos sasampalin ako bigla.

"Hindi noh." deny niya pero duda ako, parang siya kasi talaga yung nanampal sa'kin eh kasi parang totoo, nafi-feel ko yung sakit eh. Parang namamaga rin yung mukha ko at isa pa, siya lang yung tao dito sa loob ng kwarto ko bukod sa'kin.

"Teka lang, Mo, bakit ka andito sa loob ng kwarto ko?" tanong ko

"Para gisingin ka?" sabi na eh. Hindi talaga marunong magsinungaling to.

"So, ikaw nga yung sumampal sa'kin???"

"Hehe. Sorry na bespren, ikaw kasi eh. Ayaw mong gumising kaya wala akong choice kundi sampalin ka." paliwanag niya at naka-peace sign. Sinasabi ko na nga ba. Walangya talaga parang hindi kaibigan amputa

"Bilisan mo na at mag-ayos ka na. Lalabas tayo." totoo ba to? Nagyayang lumabas ang isang Arianne Heraki

"E da-date mo 'ko?" nakangiting tanong ko pero agad din naman nawala ang ngiti ko sa naging sagot niya.

"Yuck! Hindi noh. Ililibre mo'ko kaya tara na." ano pa nga bang aasahan ko? As expected kay Food Maniac.

"Ang kapal ng feslak mo. Lumayas ka na nga dito sa kwarto ko!" pagpapalayas ko sa kanya.

"Whatever, Sang. Basta bilisan mo na diyan." paalala niya bago lumabas ng kwarto ko. Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Arianne at Loren na kumakain na dun sa kusina.

"Good morning, Ri." nakangiting bati ko kay Loren na busy sa kanyang iPad habang naka-pandekwatro. Ang cool talaga nang awrahan ng babaeng to eh.

"Morning." maikling bati niya.

Medyo cold noh? Pero ganyan talaga yan si Loren, introvert kasi eh. Palaging tahimik at bihira lang magsalita. Isang malaking himala talaga kapag nagsalita yan ng mahaba. Thylhyr Lorenzhyl Takahashi is very nonchalant at hindi talaga siya social butterfly like us, but we can't deny that among all of us, she's always the one who stands out always 'cause she is the most elegant member of Mars Squad. Siya din yung klase nang tao na tahimik lang pero napaka-observant tapos marunong din magbasa nang tao sa pamamagitan lamang ng isip at behavior ng isang tao, kaya minsan tawag namin sa kanya ay Loren the Psychic or PsychoRi. Yung mga members ng Mars Squad except sa'kin, kung takot sila kay Jo, mas takot talaga sila kay Loren.

"Good morning my pretty bestfriends." bati ni Yeonie sa amin na mukhang kakagising palang.

"Mag breakfast na kayo bago pa ubusin ni Arianne yung mga pagkain." sa tono nang pananalita ni Loren, hindi talaga halata na biro yun.

"Mabuti pa nga. Mahirap na." gatong ni Yeonie. HAHAHAHA kawawang Arianne, napagtripan na naman.

"Baka may gusto ka ring sabihin tungkol sa'kin, Sang?" tanong ni Arianne sa'kin

"Deserve." matindi pa sana diyan ang sasabihin ko pero hindi ko na tinuloy baka umiyak pa. Masakit pa naman yung sampal niya sa'kin kanina at hinding-hindi ko talaga yun kakalimutan.

After naming mag-prepare ay lumabas na kami. Masyadong atat ang Arianne, magpapalibre lang naman. Gagala na naman kami ngayon dahil wala kaming pasok. Lagi nalang talaga kaming gumagala nito.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon