CHAPTER 13

772 26 1
                                    

🍃SHANG YAMAZAKI🍃


"GOOD MORNING PEOPLE IN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES!!!" napaigtad kami nang Mars Squad sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Jondel dito sa classroom.

Umagang-umaga ang ingay na agad ng baklang to. Napakalakas pa ng boses kala mo talaga siya lang yung tao dito sa school eh. Mabuti nalang at kami palang ng Mars Squad ang nandito ngayon sa classroom.

"Ang ingay mo, Jonilo!" reklamo ni Ligaya.

"Wow! For the first in the history of our friendship, ngayon lang ata tayo pumasok sa school ng ganito kaaga tapos kompleto pa tayo ha." hindi makapaniwalang saad niya nang makalapit siya sa amin.

Kahit ako hindi rin makapaniwala na pumasok kaming lahat ngayon ng ganito kaaga. 8 AM palang klase namin tapos 6:25 AM palang, andito na kaming lahat. Sobrang himala nga talaga. Ano kayang nakain ng mga to?

"Anong kompleto e wala pa nga sila ni Ry-ry eh." kontra ni Arianne. My gosh! Sana naman walang bardagulan na mangyayari sa kanilang dalawa ngayon.

Buti nalang hindi na pinagtuunan pa ni Jondel ng pansin si Arianne...

"By the way, mareng. I'm so happy for you. Grabe ang haba naman ng hair mo, sis mars." Jondel knows about dun sa nangyari sa rooftop. And he also knows about Ry's confession to me that day.

"O baka maaapakan niyo yung buhok ni Shang na mala-rapunzel ha." pang-aasar ni Seul at binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.

Syempre kung alam ni bakla, alam na din ng buong Mars Squad. Hindi mapakali ang kaluluwa ni bakla kapag hindi niya nasabi sa kanila eh.

They also knows na nagpapaligaw ako kay Ry at nililigawan niya ako kaya ang mga ungas sobrang saya lalo na si Johanna. Nalaman ko rin na wala naman pala talagang gusto si Jo kay Reigan and as a sister lang talaga turing niya dito kaya napanatag na ang kalooban ko. Captain pa nga daw siya nang ship namin eh.

I really didn't mean to ignore Reigan for one week. Sadyang lumabas lang talaga pagiging immature ko at nagpadala sa aking nararamdaman that time kaya hindi ko siya pinapansin at kinakausap for the whole week.

Nag eemote-emote pa ako tapos ang ending wala naman palang sila ni Angela. Tss! Lesson learned! Wag agad mag-react at mag-conclude kung hindi mo alam ang tunay na nangyari.

But at the same time, may maganda rin namang resulta yung pagtatampo kong iyon dahil kung hindi ko ginawa yun, hindi mag-coconfess si Ry sa'kin.

Maraming salamat kay Loren. Siya kasi talaga yung nagsabi sa'kin na lumayo daw muna ako kay Reigan eh at hindi ko daw muna ito papansinin kahit one week lang.

"Luh! Ang aga niyo naman." napalingon kami sa bagong dumating. Si Cheng, kasama si Blake at Wenslith.

"Ganun talaga kapag good students, Cheng." mayabang na saad ni Hangin.

"Where's Ry? Magkasama ba kayo?" Johanna asked

"Susunod lang daw siya." Wenslith replied before putting her bag on her chair.

"May hinahanda pa kasi. Nagluto kasi yun para kay Shang ayiiiiieeee!" Yosh added and teases me.

"Ayiiiiieeee!" ayan! diyan sila magaling, sa pang-aasar!

"Sanaol nalang talaga mareng ipinagluluto." napaikot ako nang mata dahil sa naging pasaring ni Jondel. Pero aaminin ko, kinilig ako dun sa sinabi ni Yosh. Tss! That vampire really knows kung paano kunin ang loob ko ha. I wonder if who among my friends told her about my likes. Is it Jondel or Arianne? Duda ako sa dalawang to eh. Mga walang tabil pa naman bibig ng mga to. Isa kasi talaga sa mga gusto ko ay yung ipagluluto ako eh.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon