Chapter 13
“ Ba’t ba ‘di mo ko pinapansin ha? “ tanong sakin ni Sunget.
“ Wala, trip ko lang ba’t ba. “ sagot ko.
“ Tss. “ Sabay hawak niya sa wrist ko then hinila ako. HALA!
“ Anooo baa!! Bitiwan mo nga ako!! “ Nagsisisigaw na ako dito kahit na nasa hallway pa kami. Nagsisitinginan tuloy yung mga estudyante.
“ …… “
Aba ang loko ‘di pa ako pinapansin. Hinahatak parin niya ako, ‘di nalang ako umiimik kasi baka mapagalitan pa kami sa sobra kong ingay, tss. Saan ba ako dadalhin nito? Nakalabas na kami ng building naming eh.
Habang hatak niya ako napapalingon siya sakin at napapasabi lamang ng “Tss.” Puro ganyan lang drama niya hanggang sa makarating kami dito sa Gymnasium, binitawan niya na rin pala ang wrist ko. Oh? Anong gagawin naming dito? Tss. Ano ba yan napapagaya na ako sa tss niya!
Sumalampak lang ako sa floor, siya? Ayun nakatayo nakatalikod sakin. Habang nakatalikod siya tinitignan ko ang wrist ko, huhu ang sakit! Namumula kaya, ang epal kasi nitong sunget na ito eh!
“ Tss, ang kulit mo kasi e. “ Bigla siyang nagsalita at humarap na sakin.
“ Huh? Ako pa makulit ha? “
“ Iniiwasan mo kasi ako. Ano masakit pa ba yang wrist mo? Patingin nga. “ Bigla siyang bumaba at hinawakan ang wrist ko. Shotengina namumula ata ako!
“ H-hindi na masakit o-kay na. “ sabi ko.
“ Sigurado ka ha. Sorry pala. “
“ Okay lang. “ Sigurado ka Deme ha?! OKAY LANG!? TAENG YAN. AMALAYER.
Tumayo na siya at tinulungan niya din akong tumayo.
“ Uhh Deme… wag mo na uulitin yun ha? “ Seryoso niyang sabi sakin.
“ Ang ano? “
“ Ang ‘di pag pansin sakin. “ Sabay iwas tingin niya sakin.
“ Ang O.A mo. “ Yun na lamang ang sinagot ko. Ayokong magpahalata na kinilig ako . Mwaha. Okay.
CLASSROOM
Kanina pa akoinaantok sa teacher na ito sarap patahimikin. Joke. Kung tinatanong niyo kung anong nangyare matapos nga dun sa Gym… ah eh wala na po. Hmm, konting oras nalang mag uuwian na sobrang saya! Makakauwi na din. Nakakabagot today, ‘di ko na maintindihan ang mga nangyayari.
--KRINGGGG—
“ Okay, class dismissed. “ sabi ng teacher namin sa Values.
Yes! Uwian na. Inaayos ko ang gamit ko ng kalabitin ako ni Lyn-lyn.
“ Oh? “ tanong ko sakanya.
“ ‘Di ako makakasabay sayo pauwi... “
“ Ha ? Bakit ? “ Nakakainis ka na bestfriend ah, ilang beses ka nang ‘di nakakasabay!
“ May date kami ni Macky... “ pabulong niyang sabi sakin.
“ Ah ganun ba.. h-ha?! M-macky? Sino yun?! “ Kagulantang naman itong babaitang ito! Sino bang Macky? Wala naman kaming kaibigang ganun ang name ah? O kaya naman classmate wala rin.
“ Uhm hehe, manliligaw ko. Taga kabilang section. “
“ Tss, osige ha! Pakasaya kayo. “ Bitter ko noh? Eh sa miss ko na siya kasabay pauwi tas may date pa sa manliigaw niya haynako.
“ Sorry bestfriend! Babawi nalang ako bukas! Promise. “ nakangiti niyang sabi sakin.
“ Ona, kaawa ka eh. Haha Ingat ha. “ sabi ko naman.
“ Sige ba-bye! Tinext na niya ako eh. “ Sabay alis niya. So tinuloy ko na ang pag-aayos sa gamit ko.
Kainis naman wala tuloy ako kasabay pauwi. Bilisan ko na nga lang. Yosh, ayos na gamit ko. Makalabas na nga. Habang pababa ako ng hagdan my kumalabit sakin. Nilingon ko ang katabi ko, ‘di naman sila, so nagtuloy-tuloy ako sa pagbaba.
May kumalabit nanaman. This time, nilingon ko sa likod at bumungad sakin si Sunget.
“ Ano? “ tanong ko sakanya habang patuloy parin sa pagbaba.
“ Sabay tayo uwi. “ tinabihan niya ako sa pagbaba.
“ Ba’t? ‘Di mo ba dala sasakyan mo? “ Ang alam ko kasi palagi niyang dala sasakyan niya eh. Galanti toh diba? Kaya maarte siguro.
“ Ah hindi eh, walang gas. “ sabi niya sakin habang kumakamot pa sa ulo niya.
“ Ganun ba, sige. “ Pumayag na irn naman ako. Wala akong kasabay din naman sa pag-uwi. Tsaka ‘di naman masama diba?
“ Salamat! “ masayang sabi niya sakin. Nakangiti pa ang loko.
---
Tahimik lang kami papasok ng village. Ewan ko ba kung bakit, dati naman nagbabangayan kami pero ngayon parang ang .... awkward. Lakad lang kami ng lakad ng magsalita siya.
“ Bakit ‘di mo kasamma si Lyn? “ tanong niya sakin.
“ Ah eh kasama yung manliligaw. “
“ Ahhhhh. “
*Silence*
“ Deme. “
“ Oh? “ tanong ko sakanya. Bigla bigla asing nagsasalita eh.
“ Sabay tayo pasok bukas? Ayos lang ba sayo? “ Nahihiya niyang tanong sakin.
‘Di naman ako nakasagot kagad. Kaya nagsalita ulit siya.
“ Aish, sige wag nalang pala. “ Medyo malungkot niyang sabi.
Tignan mo 'tong lalaking ito parang kala mo nalugi! Nakakakonsensya tuloy!
“ ‘De sige sabay tayo, okay lang. “ Sakto naman na pagkasabi ko nun sa tapat na ng bahay namin. Bago pumaosk ng gate nilingon ko muna siya. Tas parang nakangit siya biglang tinaas yung kamay tas baba. Yung para bang sinasabi ‘ Yes! ‘
Ang weird talaga nun. Anong masaya dun sa sinabi ko? Sus parang sabay lang bukas eh......onga noh sabay kami bukas, kilig. Joke lang!
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Fiksi RemajaSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."