Saturday todayyyyy, nandito kami ngayon sa bahay ni Dominic. Hindi pa nga kami kumpleto eh. Sila Ria at.....Sunget hindi pa dumadating.
Argh hidi parin ako makaget over dun sa sinabi ni Sunget? Pero alam niyo ba masaya ako hahahahahaha tsss. Kagabi sa pagkagulat ko nababaan ko siya ng phone. Aning lang ako erkay?
Habang nag-uusap usap kami dito ng mga groupmates ko biglang may nagdoorbell.
" Ako na Dom! " sabi ko sakanya.
" Ah sige salamat Deme. " nakangiti niyang sabi sakin.
Lumapit na ako sa pinto at dumeretso sa gate. Pagkabukas ko ng gate nagulat ako kasi si Sunget agad yung bumungad sakin. Nagkatinginan kami pero umiwas agad ako.....awkward!!
" Pasok na kayo Ria. " pagpansin ko kay Ria na nasa likod ni Casper.
Tumalikod na ako at naunang pumasok.
-------------
Napagusapan na kung sino sino ang gaganap sa mga chracters.
Ria - Arianne
Dominic - Leo
Faye - Ex ni Leo na si Angel.
Casper - Manliligaw kay Arianne na si Guen.
Kami naman nila Finn at Steff ay sa props nalang.
Binigay ko na sakanila ang script nila. Naging maayos naman ang daloy ng practice. Pero minsan nagrereklamo sila kasi daw hindi nila mamemorize lines nila at minsan hindi sila makapagseryoso. Hahaha mga adik lang sila.
Naisipan muna naming mag pahinga. Nilapitan ko si Dominic.
" Dom painom muna tubig ha? " pagpapaalam ko sakanya.
" Ah sige sige. Deretso ka lang tas makikita mo na yung kusina. " turo niya sakin.
" Salamat! " yun na lamang ang nasabi ko at dumiretso na sa kusina nila.
Habang kumukuha ako ng tubig sa ref buglang may nagsalita mula sa likod ko.
" Uhm Demereyn. " wow talaga demeryn haha. Nilingon ko si Sunget pala. Umiwas ako ng tingin at dalidaling kumuha ng baso.
" A-ah baket? " tanong ko sakanya ng hindi tumitingin.
" Yung tungkol sa kagabi...alam mo na. Payag ka ba? " Gosh tinatanong na niya sakin ng harap harapan!!
" Ahm p-pag iisip-pan ko pa. " pagkasabi ko nun dali dali na akong lumabas ng kitchen at dumiretso sa garden kung san kami nagpa-practice.
Naabutan ko sila dun nagkukulitan. May hawak si Dominic na water gun. Ibinabaril niya yun kila Finn. Ang mga loko naisipan pa talagang maglaro!! Hahahaha. Habang nagbabasaan silang dalawa natamaan nila si Ria.
" Ano ba!! " bigla kasing nabasa si Ria kaya ayun biglang nagulat sila Dom.
" Hala Ria sorry! " dali daling sabi ni Dom. Mukang takot haha!
" Lagooooootttt! " sigaw namin ni Steff kila Finn. Si Finn hindi makapagsalita eh.
Hindi nagsalita si Ria kundi nagirk lang siya at naglakad...... Palapit sa water hose!! Hala hahaha alam ko na binabalak nito!! Kinuha yun ni Ria at binuksan ang faucet king san nakadugtong ang hose bigla niya iyong tinapat kay Dom at Finn.
Napalitan ng tuwa yung muka nila Dom. Tawa kami ng tawa ni Steff. Takbuhan sila ng takbuhan. Basang basa na sila Dom at Finn sa lakas ng tubig na lumalanas sa hose.
" Ay shit. " Ako po nagsabi niyan. Bigla ba naman kasi akong binasa ni Finn!! Hayup lang sinali pa ako? Leche.
" Tawa kayo ng tawa diyan ni Steff hindi kayo makisali! " sigaw samin ni Dom habang binabasa niya si Steff.
Tumayo kami ni Steff at sinimulan silang habulin. Nakisali na nga rin si Casper samin eh. Grabe para kaming mga bata!! Nagulat ako ng may biglang binaril ako ng watergun ni Casper! So tumakbo lang ako. Haha ang saya lang.
Habang tumatakbo hindi ko alam pero mapapasulyap ako sakanya. Ang gwapo pala talaga niyo? Ay leche nagiging girly na ako. Umistop na ako sa pagtakbo at umupo. Biglang tumabi sakin si Casper.
" Kapagod haha! " tas tumingin siya sakin habang ngumingiti.
" Ah eh oo nga eh hehe. " tumingin ako sa relo ko.
12 na pala? Sinigawan ko sila.
" Hoy! Kain na kaya tayo? Lunch na. " huminto naman sila at nagpahinga.
Mga ilang sandali ay binigyan kami ni Dom ng twalya. Basang basa na kasi talaga kami.
-----------
Medyo mag gagabi na pero nagpaprctice parin kami. Grabe nga eh kasi nagloloko lokohan sila sa mga linya nila.
" Arianne may sasabihin ako.... " Dominic.
" Ano Leo? " Arianne.
" Masyado na akong naguguluhan.... Ang gwapo ko pala? " Dominic. Hahaha loko ito binago nanaman!! Hahahaha.
" Pag-usapan natin ito Leo, nagkakamali ka. " Arianne, medyo natawa siya nun .
" Sigurado ako sa sinabi ko Arianne. Ata alam kong it's a fact! " Dominic.
" Ganyan ka na ba kahibang Leo? Ang hangin mo pala talaga. Sama mo! " Arianne.
Ganyanan lang sila, hindi naman ako nakikiepal. Hindi naman kasi ako kj kasiyahan na yun eh bakit ko pa sisirain haha.
6pm na at napagdesisyunan na naming umuwi. Kasabay ko si Casper ngayon kaso nagprisinta na siyang ihatid ako.
-----------
Alam kong tama ang desisyon ko. Sana hindi ako magkamali. Aasahan ko siya.
" Pumapayag na ako Casper. " himinto ako at sinabi iyon habang tumitingin sakanya at ngumingiti.
Bigla niya akong niyakap at nagsalita.
" Salamat Deme, hindi mo pagsisisihan ang pagpayag Deme promise. Ang saya saya ko talaga. Sige Deme pasok ka na sa look. Matulog ka na ha? " sabay takbo niya. Tumatalon talon pa siya habang papalayo sakin. Ang saysa sya niya.
" *Sana nga Casper ......... Sana hindi ko pagsisihan* " bulong ko sa hangin at pumasok na sa loob ng bahay.
~
Uy ang gwapo ni Casper! (YookSungjae) *u*
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Fiksi RemajaSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."