Chapter 33
Magkahawak kamay kami ni Steve na naglakad sa hallway. Halos lahat ng lalaking madadaanan namin ay lumilingon sakin...I mean sa legs ko. Mga lalaki talaga. Yung isa ngang napatingin sakin kinindatan ko eh. Ang cute kasi!
Hinatid na niya ako sa room at hinalikan sa pisngi bago siya umalis. Ayoko sa err..lips. Kahit naman na ganito na ako 'medyo' conservative naman ako.
Pagkapasok ko ng room nakatingin silang olahat sakin. Inirapan ko lang sila at dumiretso na ako sa upuan ko. Leche wala pang teacher! Gusto ko na magklase para agad na matapos ang araw.
Yun! Umayos na ako ng upo ko at tumingin sa harap. Pumasok na ang teacher ko para s afirst subject. Tsk, siguradong ako nanaman ang magre-recite sa subject nito. Iba na talaga ang matalino. Mayabang? Sorry, pinagmamalaki ko lang.
***
"Look where you're heading to. 'Wag ka paharang-harang." sabi ko sa babaeng nakabunggo sakin at nakatapon ng juice sa uniform ko. Ang lagkit tuloy sa pakiramdam!
"H-hindi ko naman p-po si--" nanlaki ang mga mata niya nug akmang sasampalin ko na siya pero nagulata ko kasi biglang may pumigil sakin sa pagsampal. Nilingon ko ito at nakakita ako ng isang lalaking matalim tumingin sakin. Hinatak ko ang kamay ko pabalik sakin at sinigawan ang lalaki.
"Ano ba! Ang epal mo alam mo yun?" pagkasigaw ko sa lalaki bigla na lamang tumakbo ang babaneg kausap ko. Pero narinig ko pa siyang sumigaw ng 'S-sorry po talaga!' bago makalayo.
"Huwag kang gumawa ng eksena dito. Naiingayan ako sayo. Manahimik ka." sabi niya sakin na nakapagpanganga sakin. Hayop. Ang lakas ng loob niyang sabihin sakin yun ah? Kapal naman ng mukha niya. Kala mo sakanya ang school para hindi ako mag-ingay! Kaimbyerna sa beauty ko ha.
"Edi umalis ka kung naiingayan ka. Pakielamero ka pa e. Leche!" ani ko at tumalikod na. Sayang itong lalaki na ito! Gwapo pero masungit. Kabanas. Kala mo kung sino.
Nagpunta ako sa locker ko at kinuha ang extra kong uniform. Buti nalang talaga may nakatago ako dito. Kundi ang panget ko at manlalagkit ako hanggang mamaya. Huwag talaga magpapakita sakin yung babaeng yun at baka siya din ay tapunan ko ng juice!
Pagkasuot ko ay bumalik na akong canteen at bumili ng pagkain ko. Nakakagutom at eksena kanina kaya kailangan kong magpalakas ulit. Nakita ko si Steve sa kabilang table at may kalandian, wala akong pake. Ganyan din naman ako minsan eh! kaya patas lang kami. Hindi ako magagalit or magseselos. Bahala siya sa buhay niya. Hahaha.
Nga pala, hinahanap niyo si Casper? Ayun oh nasa kabilang dako at may katabing babae. Siguradong yun yung napapabalitang nililigawan niya. Oh well, mas maganda ako. Kaya hindi ako ma-iinggit noh! Tsaka naka move-on na ako. Pabayaan na ang manlolokong lalaki na yan. Hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin.
Naalala ko tuloy yung lalaki kaninang sumigaw sakin. Ano ba pangalan nun? Hindi ko kasi yun kilala eh. Pero yun yung pinagkakaguluhan sa booth namin dati, yes tanda ko pa. Hindi ako gurang!
Habang kumakain ako ay may narinig akong nag-uusap sa kaharap kong table.
"I love you, Bea." sabi nung lalaki sa girl.
"I love you--" hindi na natuloy nung girl yung sasabihin niya kasi nagparinig na ako.
"Ang cheap, sa canteen naglalandian." malakas kong sabi at taeness! Tinamaan talaga sila kasi sabay pa silang lumingon sakin.
"Inggit ka lang, kasi ako mahal ako ng boyfriend ko. Eh ikaw? Pinagpustahan ka lang. Kawawa ka. tara na nga Jim umalis na tayo dito. May bitter eh, nakakaawa." sabay irap niya at tumayo. Pagkatalikod nila nung boyfriend niyang mukang sugpo at hinatak ko ang dulo ng buhok niya na naging dahilan para um-aray siya ng malakas.
"Huwag mo kong tatalikuran. FYI! Hindi ako bitter noh, sadyang concern lang ako sa inyo. Baka kasi pagtawanan lang kayo ng iba. Hanggang canteen lang kasi date niyo. SIge na aalis na ako, nawalan ako ng ganda dahil sa muka ni--oops. I mean, sa inyo. Bye!" sabi ko at nilagpasan sila. Narinig ko pang nag 'ARGHH' yung girl. Serves her right! Pinahiya ba naman ako? Kapal! Kala mo ang ganda.
***
Nakakaimbyerna ang sigaw ni mommy sa baba. Kesyo ang ikli daw super ng palda ko. Wala naman akong paki e. Siya ba ang magsusuot? Tss. Ang ingay lang niya. Sumasakit tuloy ang ulo ko.
Dahil sa naiingayan ako kay mommy, nagpatugtog na lang ako ng malakas sa kwarto. Para hindi ko na marinig yung sigaw niya, kabanas lang! Kinuha ko ang laptop ko at nagpunta sa facebook ko.
OMG.
May video na kumakalat. Eto yung kanina sa canteen. Yung time na sinigawan ako nung lalaki. At lahat sila pabor dun sa lalaki. Nararapat lang daw akong barahin. Nakakainis daw kasi talaga nag boses ko, naiingayan sila. Naknang! Dami nilang arte. Mga hayop sila! Tinag pa ako sa video, oh! Hindi lang pala ako. Pati pala yung lalaki...Lancer Mendez. Ngayon alam ko na ang pangalan ng lecheng lalaki na 'yan!
Parang gusto ko tuloy paglaruan yan dahil sa pagpapahiya na ginawa niya.
Hmm. You'll fall for me, soon. Just wait, Lancer Mendez.
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Teen FictionSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."