Chapter 22
Pagkagising ko una ko kagad tinignan ang cellphone ko. Bumungad sakin ang dalawang Unread messages. Siya na kaya ito? Agad agad ko namang pinindot ang inbox ko. Tss..
Si Casper pala.
Parehas, dalawang text galing sakanya. Leche akala ko si Wij na yun ah. {Yung totoo excited ka noh?! Yie miss mo si Wij!!} Manahimik ka diyan otor kung ayaw mong ipagkalat na crush mo si-- {Oo na, eto na nga e. Tatahimik na ako.} Good!
Binuksan ko na kagad ang unang text ni Casper sakin.
| Gising ka pa ba? Hehe
tawag sana ako kung oo.
Pero kung tulog ka na
goodnight nalang Ry ko!!
Dream of me okay?! |
Received: 11:34 p.m.
Sender: Casper Sungit
Haha! Kulit lang nung Ry ko. So feeling niya talaga sakanya na ako?! Aba haha. Kaya naman pala ang sama ng panaginip ko kasi siya yun. Tsk, dream of me dream of me pang nalalaman! Joke lang.
Osige ang daldal ko na. End POV na nga! Joke. Pagkatapos kong basahin yung isa, binuksan ko naman ang kasunod na text niya.
| Goodmorning Ry ko!
Gising ka na!! Sabay
tayo papasok ha? Uy,
kain ka ng marami.
Sige bye. Punta na ko
diyan. :) |
Received: 7:52 a.m.
Sender: Casper Sungit
Anong oras na ba? Nakakahiya kasi baka dumating na siya eh. *tingin sa orasan* Shet 8:00 na?! Kailangan ko na magmadali.
Kain.
Ligo.
Toothbrush.
Magdamit.
Mag-ayos.
Yan ayos na!! 8:12 na, nasan na yun? Nagmadali pa naman ako akala ko dadating na ang loko. Baka naman nambabae pa sa daan yun? {Uy selos.} Tigil-tigilan mo ko otor alam mo na ang gagawin ko! {Sabi ko nga eh shut up na ako. Epal ko kasi.}
Naghintay pa ako ng ilang minuto. Kaso hindi na talaga ako mapakali kasi baka malate na rin ako sa tagal niya. Kaya naisipan kong mauna na lang sa school. Shete siya ha pinag--
*Ding dong ding dong!*
Baka siya na yun? Binilisan kong lumabas ng bahay at binuksan ang gate. Magsasalita na sana ako ng makita ko kung ano ang hawak niya.
" Isang bouquet ng rosas para kay Ry ko. " sabi niya na ma-alaprinsipe ang tono. Napakagalang ba. Medyo lumuhod pa nga ang loko! Kaya hinatak ko siya patayo.
" Tss bumili ka pa neto alam mo na nga male-late na tayo!! " sigaw ko sakanya. Na para bang binabalewala ang pagbigay niya sakin ng mga rosas.
" Sorry nag-effort lang naman ako bumili niyan sa labasan pa eh. " malungkot niyang sabi at umalis na sa harapan ko.
Hindi ko pa nga nakukuha yung bouquet eh. Nagtampo pa sus. Lakad lang siya ng lakad. Hindi niya ako pinapansin. Medyo nasa unahan ko siya. Grabe naman magtampo ito. Masama ba yung pagkakasabi ko kanina? Masama ba yung dating? Ha? {Oo super.} Weh, epal.
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Teen FictionSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."