Sorry for this late update. Busy ako eh /.\ Huhu.
~
Chapter 28
"Sabi ko naman sayo sumali ka na sa singing contest!" pangungulit sakin ni Casp.
"Ayoko nga kasi, kinakabahan ako!" sabay busangot ng muka ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka hinila papunta sa linya ng pagre-register'an ng contest. "Ayan sumali ka na, dali." ngiti ngiti niyang sabi sakin.
Nasa pila na kami. Medyo madami ang nagre-register pero gustong-gusto parin ni Casp na sumali ako at naniniwala daw siyang matatalo ko iyon lahat. Pag nagkakatinginan kami iniirapan ko na lamang siya pero tawa lamang ang ibinabalik niya sakin.
"Tch. Ayoko nga sabi.." at dalian akong naglakad paalis na sana kaso..
"Ngayon lang, mai-cheer man lang kita. Para sakin, sali ka please?"
-Classroom-
"Saan ka galing ha, Deme?" tanong sakin ni Lyn pagkapasok ko ng classroom.
"Dun sa audi. Epal ni Casp eh." paliwanag ko habang papalapit sa upuan ko. Totoo naman talaga eh! Epal niya haynako.
"Ha bakit?"
"Pinasali ako sa...tch.. s-singing contest!" nahihiya at naiinis kong sabi sabay tungo ng ulo.
"Hahahaha!!-Sus. Nagpauto ka naman na sumali?" mapang-asar na tanong niya sakin.
"Nyeta!! Nagdrama kaya siya, leche." saka umirap.
Hindi na ako naasar pa ni Lyn dahil sa pumasok na silid ang aming guro. Wooh Math na! Nilingon ko naman yung katabi ko, nandiyan na pala siya. Hindi ko napansin eh. AY!!! May quiz nga pala kami. Buti nalang madali lang, Nature of the roots lang eh.
Mwehe.
Nag-start na akong magsagot ng maramdan kong may kumukulbit sakin. Aha! Parang alam ko na kung anong kailangan nung kumukulbit sakin. Tsssss. 'Di nag-review.
"Ano?!" inis na sambit ko ng mahina habang nagso-solve parin. Ayokong lingunin siya baka kasi mahalata kami ng teacher ko.
"Pakopya naman, please?" bulong naman niya pabalik. Tinignan ko siya mula sa peripheral vision ko at nakita kong nakatingin siya sakin at malungkot ang muka na pati ang labi ay naka-pout pa! Aba, nagbabalik loob an ba siyang maging babae?
"Oo na, matitiis ba naman kita? Maghintay ka, sandali lang." sabi ko sakanya at ipinagpatuloy na ang pagsasagot sa papel ko.
Lumipas ang oras at nakatapos na irn ako sa quiz pati narin sa pagsulat ng mga sagot sa 'scratch paper' kuno na gagamitin ni Casp upang magkaroon naman ng laman ang kanyang papel, kaawa eh? Joke! Inabot ko na yung papel sakanya mabuti nalamang nakaupo ang teacher namin at nakatungo sa table niya na tila may sinusulat.
Nag-check na ng quiz at siyempre ako ang highest! Aba nag-review kaya ako kagabi kaya hindi pwedeng bumagsak ako, sayang ang nireview ko. Si Casper? Ayun 2nd to the highest, paano ba naman namali ng kopya dun sa papel na binigay ko dahil nagmamadali daw siya sa pagsusulat kanina kaya hindi na niya napansin na mali ang nakopya.
Pero proud parin po siya kasi daw mataas score niya.
Leche!
-Deme's bedroom-
[Hoy! Pag ako hindi nakalimot mag-review sa sususnod ako na talaga ang highest! 'Di ko na kailangang mangopya sayo!] pagmamayabang niya sa kabilang linya.
Sus! Kahit naman nagre-review siya hindi parin siya nagiging highest eh, ako parin. Wala eh? Matalino here, sarreh! Ay, conceited.
"Yabang mo naman hoy! Never ka magiging highest!" asar ko sakanya habang ngumunguya ng gummy worms sa bibig ko.
[Teka nga! Hindi ko maintindihan sinasabi mo eh, may nginunguya ka ba?]
"Ay eh..kumakain ako worms." sabi ko sakanya na kumakamot pa ng ulo na akala mo ay nakikita niya ako.
[Worms?! Sa sobrnag gutom mo ba pati worms kumakain ka na?! Grabe ka naman Ry ko!"
"Tangeks GUMMY WORMS hindi worms talaga nako!" pagdidiin ko sa mga salitang sinasambit ko. ANg tangeks kasi eh alangan naman worms talaga kainin ko? Nandidiri naman ako noh.
[Ay ganon ba? Enge nga! Dali.] masaya niyang sabi. Aysos kala mo naman mabibigyan ko talaga siya! Baliw-baliw talaga itong lalaking ito. SIguro gutom lang talaga ito? Hahaha. Yaman-yaman nila eh hindi makabili ng sariling gummy worms.
"Nyeks, paano? Hello! Naka cellphone lang po tayo!?"
[Edi kunyari sinusubuan mo ko, imagine tayo.]
"Baduy mo naman Casp! Parang ang bading naman ng iniisip mo, para namang mailulusot ko dito sa cp ko ang gummy worms para maisubo sayo?"
[Kaya nga 'imagine' diba? Nako Demeryn!] pang-aasar niya sakin na para bang sinasabi niya na ang eng-eng ko talaga.
"Tsss. Ah ka na dali." bored kong sabi sakanya.
[AHHHHHHHH-- Wow sarap!] nako parang hindi ata napansin ang pagiging bored ng tono ko kanina ah? Saya niya ah. Nag 'ah' talaga.
"Letsi sige na bye na." pag-iiba ko ng topic dahil inaantok na rin naman ako at ubos na ang kinakain ko.
[Sandali, sunduin kita bukas diyan sainyo ah? 2pm.] habol pa niya.
"Ah, gege. Babye! Sweetdreams--"
[I love you.] seryoso niyang sabi na ikinabigla ko at siyempre kinilig ko kaya napangiti ako bigla.
"I love you too"
Sa loob ng tatlong linggo ng pagiging kami ngayon lang ako nag-iloveyoutoo sakanya. Gumaan na ang pakiramdam ko. Nasabi ko na rin ang tunay na nararamdaman ko at sigurado na ako....mahal ko siya.

BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Teen FictionSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."