Chapter 34
Buong gabi ako nag-stalk sa profile ni Lancer. Yes, I stalked him. Siyempre dapat 'pag may plano kang pagtripan ang isang tao, may alam ka sakanya. Mga bagay na ikakagulat niyang alam na alam mo.
Tumayo na ako mula s apagkakaupo sa kama at dumiretso sa harap ng salamin. Ang laki na pala ng pinayat ko. Ay tse, sexy na ako. Ang ganda ganda ko na talaga. Laki ng pinagbago ko at natutuwa ako. Hindi na ako tulad ng dati. Hinawi ko ang buhok ko papunta sa isang gilid at nilapit ang mukha ko sa salamin.
"The eff!!" pasigaw kong sabi.
Tinitigan ko ang mata ko. Shet! Ang laki na ng eyebags ko. Pahamak na Lancer! Kaka-stalk ko sakanya konti lang tulog ko. Naputol ang pag-aaway ng mga salita sa utak ko nang marinig ang boses ni yaya.
"Pinapababa ka na ni Mama mo. Late ka na daw." malumanay niyang sabi.
"Oo na po! Hindi makapaghintay eh noh?" sigaw ko.
Nakakairita. Mga nagmamadalli hindi naman sila yung papasok. Jusko.
--
"Nandyan na siya!" rinig kong sigaw sa 'di kalayuan ng isang babae. Mukhang ka-edaran ko lang.
Matapos ng siga wna iyon ay nataranta ang lahat at pumasok ng kanilang mga silid. Napataas naman ang kilay ko. Anong meron? Para matahimik ang kaluluwa ko lumapit ako sa isang estudyanteng babae na nagpupulot ng mga papel na nagkalat sa sahig. Nabunggo kasi siya kanina.
"Hoy." pag tawag ko sakanya.
Umangat ang ulo niya at nanlaki ang mata na nagsalita, "P-po?"
"Psh. Bakit ba lahat ng estudyante nagsipasukan sa classrooms nila?" sabay lagay ng dalawa kong kamay sa bewang ko.
"E-eh kasi p-po.." tumayo siya at umayos ng tayo tsaka nagpatuloy sa pagsalita, "Sabi po kasi samin ni L-lancer papa tanggal mo daw po sa school na ito ang estudyanteng humarang sa dadaanan m-mo po at matarayan mo.." nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Tinanong ko agad siya kung anong room ng Lancer na 'yun at sinabi naman niya sakin.
Nagtungo ako sa fourth floor at binuksan ng marahas ang pinto ng classroom ni Lancer.
"LANCER!!!" nagulat ang lahat ng estudyanteng nasa loob. Lumingon silang lahat sakin at hinanap ko ang mukha ng lalaking nakapagpa-badtrip sa umaga ko.
Nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya at nakatingin sakin na parang kala mo ay bored pa.
"Anong kailangan mo?" bored na tanong niya. Hindi manlang siya lumapit or tumayo manlang. Bastos talaga nito kausap.
"Hindi ako bastos kausap kung hindi ka sana biglaang pumasok at nagsisisgaw dyan." dagdag pa niya at kumuha ng isang libro mula sa bag niya.
Teka...teka! Paano niya nalaman na yun yung iniisip ko? Bwisit. Ano 'to 'I Hear Your Voice' lang? Tas magkakainlaban kami? Ay pucha. Kadiri. Pero plano kong mainlab siya sakin. Bwaha.
"Psh. Bwisit kang hayop ka. Nababawasanganda ko dahil sayo. Bawiin mo lahat ng ipinakalat mo sa school na 'to. Nakaka-leche ka." sabay talikod ko at binagsak pasara ang pintuan ng room nila. Nairita ako e. Ayoko na mag-stay pa ng matagal dun.
~
(A/N: Sorry sobrang taaaagaaaaaal kong nawala. Busy lang at inaayos ko ang plot ng story na 'to. Medyo nawala kasi.)
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Novela JuvenilSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."