Chapter 21

167 3 0
                                        

Papasok na kami ng school ni Casper. Yes, kasabay ko po siya. Alam niyo na kasi nga "nanliligaw" daw siya.

" Bakit ba kasi ayaw mo ipabuhat yang mga libro mo? " tanong niya sakin ng may pagka inis.

Kanina pa kasi niya akong pinipilit na siya na lang daw ang magbubuhat ng gamit ko, eh sa ayoko nga.

" May kamay ako. Kaya kong buhatin ito. " sabi ko sakanya habang naglalakad paakyat papunta sa classroom.

Lakad lang kami ng lakad. Yung mga estudyante naman naririnig kong nagbubulungan. Ngayon lang ba sila nakakita ng babae at lalaki sabay pumasok ng school?!

Kung maka tingin sila parang kala mo papatay. Sorry sila dahil isang tingin ko palang sakanila umiiwas na sila para bang pinapatay ko na sila sa isip ko. Mga leche sila.

" Magkasabay nanaman sila? "

" Mali ata ng tingin diyan sa babaeng yan si Casper my labs. "

" Tomboy si Deme, diba? "

Sabing hindi nga ako tomboy eh!! Kakaiba lang talaga kilos ko pero I'm not a tomby. Pagsasalitaan ko na sana sila ng bigla hinawakan ni Casper ang balikat ko at hinarap sakanya.

" Huwag mo na sila pakielamanan. Mga wala lang silang magawa sa buhay nila. "

Tumango na lamang ako bilang sagot at nagdirediretso na sa loob ng room. Napansin kong natahimik nanaman sila parang nung last week lang. Hindi ko na sila pinandin dahil mababadtrip lang ako.

Napansin kong si Casper ang dinudog nila ng tanong. At ang mokong naman sumagot na...

" Nanliligaw na ako mga dre " sabay hawak sa batok niya.

Napatingin ako sakanya at pinandilatan siya na para bang sinasabi na bakit-mo-sinabi-sakanila.

Nagkaroon nanaman ng sunod-sunod na hiyawan sa loob ng room. Nilagay ko nalang ang earphones ko sa tenga ko at binuksan ang ipod ko. Nababadtrip lang ako sa ginagawa nila.

Pinkit ko na lamang ang mga mata ko. Naramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan kaya napadilat at tumingin ako sa katabi ko na si Casper. Ngumiti lang siya sakin at nag peace sign. Inirapan ko siya bilang sagot.

--------

Recess na at kasabay ko si Casper hindi ang bestfriend ko nakakainis nga eh. Siyempre kasabay niya kasi si Macky, yung manliligaw niya. Na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikilala.

Wala atang balak si Lyn na ipakilala sakin yun eh!

Naguusap lang kami g dalawa ni Casper habang naglalakad papuntang canteen ng marinig nanaman namin ang bulungan ng mga estudyante.

" Alam niyo ba nililigawan daw ni Casper si Deme?! "

" Hindi manlang namili ng maayos si Casper. "

Aba talagang!! Onga pala mabilis na kumalat ang balita na nililigawan na ako ni Casper sa buong campus. Dahil lang sa magagaling kong classmate na madadaldal!

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh kaya ayaw kong ipagsabi sa iba, napakadaldal nila.

Nagulat ako ng huminto si Casper sa isang babae na nakikipagchismisan. Anong balak niyang gawin?

" Hindi ako nagkamali na piliin si Deme para ligawan. Kasi siya kakaiba siya, sinple lang siya kesa naman sainyo, kayo na makakapal na ang make-up mga chismosa pa. "

Kanina ako ang pinigilan niya na huwag ng pansinin ang ina tas siya ngayon ang sumuway sa sinabi niya. Iba rin talaga utak nitong lalaking eto eh.

Tumingin siya sakin at nagsalita.

" Halika na nga. " sabay hablot ng kamay ko at naglakad. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya pa kinausap yung mga babaeng yun kaso nahihiya ako.

Kumain lang kami ni Casper ng biglang tumunog ang phone ko at sinasabing may nagtext daw kaya naman tinignan ko kung sino ito.

| Demy.. |

Received: 9:26am 

Sender: 09275689012

Nagulat naman ako sa nagtext. Kilala ko kung sino ito. Kilalang kilala ko dahil isa lang naman ang tumatawag sakin ng ganito.

Yung number, alam ko rin kung sino ang nagmamay-ari nito. Grabe ilang taon na rin ang lumipas memorize ko parin ang number niya. Nang maalala ko diya bumalik lahat ng memories namin....

Napatigil ako sa pagkain t napansin rin ito ni Casper kaya nagsalita siya.

" Okay ka lang ba? Anong sinabi sa text? " medyo worried niyang tanong sakin.

" Ha? okay lang ako. Wala wala.. "

Hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko sa text at itinuloy na lamang ang pagkain. Mukang naniwala naman siya sa sinabi ko at ngumiti na lamang at kinurot ang pisngi ko.

" Ah-a ouch!! " sabay himas sa dalawa kong pisngi.

" Sorry ang cute mo lang kasi. " pa biro niyang sabi. Grabe ako pa pinanggigilan!

---------

Nasa bahay na ako ngayon at isip parin ako ng isip. Bakit pa siya nagtext? Gusto kong magreply kaso natatakot ako. Baka sabihin niya mahal ko parin siya....

Tss mahal mo pa kaya siya!

Ang epal naman ng utak ko oh. Hindi ko na siya mahal noh. Alam ko yun, kasi galit ako sakanya galit na galit!!

Pero bakit ba siya nagtext? Tas ganun pa kaikli ang text niya, yung tawag lang niya sakin ang itinext niya. Magreply kaya ako? Wala namang masama kung magrereply ako.

" Wij? " yan ang tawag ko sakanya. Tanda ko parin noh? Katuwa.

Yun lamang ang tinype ko at pinindot na ang send. Agad naman itong naisend. Nilagay ko ang phone ko sa bedside table ko at pumikit.

Naalala ko parin ang mga ngiti niya...nakakainis.

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon