Eto na guys, aja!
Chapter 31.5
LYN'S POV
Grabe, hindi ko na kinakaya pang tignan si Deme. Parang nung isang linggo ang saya saya niya pa tas ngayon....miserable na- naman. Awang-awa na ako sakanya. Bumabalik nanaman siya sa dati. Yung tahimik, hindi pala kausap sa iba at ang pinaka matindi ngayon kada oras parang nakikita ko siyang umiiyak sa isang sulok. At kaming mga kaklase niya? Hindi makalapit manlang sakanya, kasi alam naman namin na magagalit lang siya. Kahit ako, bestfriend niya hindi ko siya malapitan. Gusto ko munang lumipas ang mga araw at tignan kung sa mga susunod na araw ay magiging okay na siya. Kung hindi siya magiging okay, lalapit na talaga ako.
Nakaupo ako dito sa bench ng makita ko si Casper.
Nilapitan ko siya sabay tanong, "Anong nangyari Casp?" pigil inis kong sabi.
"Edi niloko ko siya--." hinid ko nagustuhan ang sinabi niya kaya naman nasampal ko siya.
" *sampal* Gago ka pala eh! bakit mo ginawa yun sa bestfriend ko!? Anong ginawa niya para saktan mo siya ha?" sigaw ko sakanya. Wala akong pake kung may makarinig samin dito sa grounds. Tama nga lang ito sakanya eh, yung mapahiya.
"Tss. You're so concerned about her? Hah--bestfriends nga pala kayo. Gusto mo malaman ang totoo? Yung dahilan? Dare lang. Kung sino ang unang babaeng kumausap sakin sa first day siya ang lolokohin ko para makuha ang latest motorbike na lalabas. Kasunduan namin yang magkakaibigan. Then boom, I won. I have my motorbike. Thanks to Deme. *smirk*" pa-cool niyang sagot sakin. Dahil dun, sinampal ko ulit siya.
" *sampal* What the fuck, Casper. Ganyan ka ba ka-selfish? You'll hurt someone for that fucking motorbike? Sana manlang nag-isip ka muna bago mo siya saktan. Alam mo, mali pala ako ng pagkakakilala sayo. Akala ko ikaw na talaga yung magpapasaya sakanya. Pero ngayon, sinira mo tiwala ko. Ang tagal-tagal ko nang hinihiling na maging masaya yung bestfriend ko pero mas lalo mong dinagdagan yung sakit. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan niya ngayon? Mas malala ngayon Casper. And it's because of you. Because of your fucking selfishness." Habang sinasbai ko yun, naiiyak na ako. Hindi ko na kinaya pa at umalis na kaagad ako.
Lahat ng mata na saamin. Wala akong paki. Gusto kong marinig ng lahat yung kagaguhang ginawa ni Casper. Gusto kong kamuhian siya ng iba. Gusto kong malaman ng lahat yung tunay na Casper. Hay ka-stress siya ha! Panira ng beauty ko.
****
"Hello babe?" bungad ko kay Macky nung sinagot niya ang tawag ko.
"Hm?"
"Nasan ka? Punta ka dito." malungkot kong sabi.
"Room, bakit? Sige." sabay end ng call.
Nakatingala lang ako sa langit. Tinext ko na din pala si Macky kung nasan ako, nakalimutan ko kasing sabihin. Sabi ko nasa garden ako at kailangan ko ng kausap.
"Hi babe." bungad niya sakin. Nginitian ko lang siya at hinalikan naman niya kao sa noo. Umupo siya sa tabi ko at pilit akong pinahiga sa lap niya.
"Nakakainis si Casper, babe." iritado kong sabi sakanya. Naguluhan naman siya kung bakit ko nabanggit, nako po baka magselos! Baka akalain niya kung ano.
"Niloko lang niya sa Deme..para sa isang motor." pagtutuloy ko. Nagulat naman siya.
"Putcha, 'di nga?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin. Alam kong magugulat siya. Ako nga nagulat eh, siya pa kaya. Nasabi niya narin kasi sakin na boto daw siya kay Casper para kay Deme. Kaso ito na nga nag nangyare. Mali ang desisyon ng pagbibigay tiwala.
"Oo, tapos nakausap ko siya kanina. Nakakainis lang. Parang wala lang sakanya manakit ng babae. Ikaw babe? Gagawin mo sakin yun?" tanong ko sakanya habang tinititigan siya sa mata. Gusto ko kasi pag may itatanong akong importante sa isang tao titignan ko sila sa mata para malaman kung mapapa-iwas ba sila ng tingin o magsasabi sila ng totoo. At natuwa naman ako kasi hindi siya umiwas ng tingin at deretsahang sinagot ang tanong ko.
"Hindi, mahal na mahal kita. Bakit kita sasaktan lang at lolokohin?" nakangiti niyang sabi sakin. Kinilig naman ako dun at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.
"I love you too." sabi ko sakanya habang magkayakap kami. Sarap ng feeling. Parang nawala kagad ang inis ko sa kaninang pag-uusap namin ni Casper.
****
DEME'S POV'
Paking tape! Naiiyak nanaman ako. Haynako! Pati ako naiinis narin sa sarili ko eh. Masyado kasi akong nagmahal kaya eto, karma.
Nandito ako ngayon sa canteen, kumakain. At hindi ko maiwasang maalala yung mga oras na sabay kaming kakain.
-Flashback-
" Kung gutom ka, bumili ka ng sarili mong pagkain. " Iniba ko nalang sinabi ko. Hahablutin ko na sana ang piattos ko kaso nilayo niya at inilahad ang isang kamay na may burger.
" Anong gagawin ko diyan? " tanong ko sakanya.
" Inumin mo. " shit ang corny niya dre.
" Wow mister you're so corny! Ano nga kasi?! " pangungulit ko.
" Eto ang kainin mo, mas mabuti nang burger kesa naman chichirya nakakasama ito. " sabi niya sakin. Wow lang ha concern ba siya sakin!?
" Tss. " wala na akong ginawa kasi kinain na niya ang sarili kong chichirya huhu. Pati nga Nova ko kinuha niya eh!
Kain lang ako ng kain, muntik nakong mabilaukan kaya kinuha ko yung Coke ko. Iinumin ko na sana pero biglang hinablot ni Sunget at ipinalit ang tubig. Ininom ko na lang yung tubig kasi baka mabilaukan pa ako pag nakipag away pa ako.
*Inom inom* Woosh. Buti nalang nakainum ako.
-End of flashback-
Alam niyo yung kahit na nag-aaway kami para sakin nakakakilig na yun? Nakakamiss lang. Dati 'kami' pa, ngayon hindi 'na'. Hindi ko lang talaga malubos maisip kung bakit sa isang motor pinili pa niya akong saktan. Sana nung una palang sinabi na niya. Para kahit pumayag ako alam kong nagpapanggap lang kami. Hindi yung ganito. Masakit.
Pinunasan ko na ang mga luhang lumalabas sa mata ko. Tinuloy ko nalang yung pag kain. Habang kumakain ako biglang may announcement. Lahatkami tumahimik at nakinig.
"Goodmorning students! I would like to remind those students who registered for the singing contest two weeks ago. The contest will be held tomorrow."
Pakshet, bukas na pala yun?! May naalala nanaman ako. Sumali nga pala kao sa contest na ito para...sakanya. Sige magpe-perform ako bukas. Kakanta ako para sakanya. Pero last na ito. Gusto ko lang talaga maparating yung sakit sa pamamagitan ng pagkanta. Wala akong paki kung umiyak ako sa stage bukas, basta makantahan ko lang siya. Okay na. Mahal ko eh.
Sabi nga nila gagawin mo ang lahat para sa mahal mo. Kaya eto ako sa huling pagkakataon magpapakatanga.
~
(A/N: Ayan na guys yung kadugtong. Sana magustuhan niyo. Lavyu all! Hehe.)

BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Novela JuvenilSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."